"Bakit hindi na lang sa unit mo tayo mag-stay for the night? I mean, hindi pa namin nakikita ang bahay mo," nakangising sabi ni Tatti kaya umawang ang bibig ko. Ngayon ko lang din naalala na hindi pa nga pala sila nakapunta sa unit na nilipatan ko. The three of them barely come over to the mansion before because of Stella and no wonder why they want to go to my place. "Tatti's actually right, I'll call Harlin to tell him to just meet us in your place." Binigyan ko silang dalawa ng ngiti. "Sure. Doon na lang tayo. Let's just bring foods because I don't have stock in there." Doon ko sila dadalhin sa unit sa building na katulad nang kay kuya. Lalo ngayon na alam kong nandito pa pala sa Pilipinas si Kristian, hindi ako pwedeng makampante dahil baka bigla na lang kaming magtagpo sa AE b

