Tumabi ako nang mag-unahan sa pagtakbo ang mga tao sa gilid ko. Kumunot ang noo at naningkit ang mga ko habang nakatingin sa kanila na parang nagwawala sa excitement. What is going on in this mall? Tiningnan ko sina Tatti at Marriam at maging sila ay nagtatakang napatingin sa mga nagtatakbuhan. "What is going on? Bakit ganyan sila kagulo?" Kunot-noong tanong ni Marriam. "Come on huwag na nating alamin. That's teen-agers thing," nakangisi kong sabi sa kanila at hinila sa silang dalawa sa kabilang wing ng daan kung saan iyon ang sadya namin. We are going to have our hair undergo treatment at ako lang dapat ay may plano nun pero dahil ganap na inggitera ang mga kaibigan ko, heto na rin sila kasama ko. "Amor, I need your help to have an appointment with Architect Carmel." Binigyan ko

