Tala's POV: Mag-sasampung minuto na ako nakatayo rito sa labas ng opisina ni Mrs. Padua pero hindi ko magawang pumasok nang agaran. Kanina ko pa iniisip kung tama ba ang desisyon ko o bunga lang 'to ng pabugso-bugso kong damdamin. Lord, ikaw na po ang bahala sa akin. "Mrs. Padua?" Marahang pagtawag ko sa loob kasabay ng pagkatok ko sa pinto ng opisina. "Come in!" "Hello po, sabihin ko lang po sana na nakapag-desisyon na po ako patungkol sa inoffer niyo ho sa akin," bungad ko pagpasok na pagpasok ko sa loob ng opisina. "What's your decision then, Tala? Are you in or not?" "Tinatanggap ko po ang offer niyo." Shit, Tala. Ayusin mo naman ang mga sinasabi mo! Para kang tuod d'yan na natawag sa isang recitation, nakakainis! Isang panandaliang katahimikan ang bumalot sa loob ng kwartong i

