Tala's POV: "Laxus, tumigil ka nga! Kanina ka pa ah," banta ko kay Laxus na kanina pa nangungulit na lumabas kami ng bahay para raw makapag-date kami. Nandito kasi kami ngayon sa study room para gawin mga tasks namin. Tapos na yata siya kaya ako naman ang kinukulit, kainis. "Let's have a date na kasi, please?" "Nako, tumigil ka. Hindi mo ako madadaan sa ganiyan mo, Padua. Kung tapos ka na sa mga gagawin sa school, ako hindi pa. Kaya pwede ba 'wag ka munang makulit?" I said with a faint smile on my face. "Saglit lang naman, e. It won't take us long. Kakain lang tayo ng snacks," he pleaded. Ang kulit, kanina pa 'to namimilit na lumabas, e. Nag-aadvance study kasi ako dahil may quiz kami bukas. Ito namang si Laxus, ayaw magpatinag! "Hindi pa nga ako gutom, Lax. You can order food naman o

