3: The Elders' Secret

1292 Words
MADILIM ang palagid nang magising ako isang gabi noong taong 2035. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid ko, nakita kong wala si Cassidy sa puwesto niya kaya tumayo ako para hanapin siya. Tatlong taon na buhat nang maipakilala ang robotics sa Pilipinas. Naging mahirap ang unang taon para sa mga Pilipino na tuluyang yakapin ang makabagong mundo. Buhat nang ilunsad ang serbisyo ng NADA ay napadali na ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang makabagong transportation tulad ng sky ways, MoBlast at mas high-tech na mga sasakyan ay inaprubahan na rin ng gobyerno. Tuluyang lumago ang teknolohiya, transportasyon at komunikasyon ng bansa. Unti-unti ay sinimulan ko ring buksan ang aking sarili sa mga NADA, nang makita ni Lolo na maayos na ang tingin ko sa kanila ay binigyan niya ako ng sarili kong NADA and I called her Cassidy. “Cassidy? Where are you?” tawag ko sa aking NADA habang naglalakad sa madilim na pasilyo ng aming bahay. Nagtaka ako nang makita sa labas ang limang hindi pamilyar na sasakyan. Dahil alas dos na nang madaling araw ay natitiyak kong nakauwi na si lolo mula sa Malacañang. “Cass? Report to me at this instant.” Naghintay ako na lumapit sa akin ang aking kaibigang robot subalit walang dumating. Agad akong ginapangan ng kaba nang mapansin ang kawalan ng guards na lumilibot sa aming bahay. Palaging may bantay na security guards sa loob ng masyon namin, kahit saan ka lumingon anumang oras ay may nakatayo pero ngayon ay wala. Maingat ang bawat paghakbang ko habang patuloy na iniikot ang tahimik na kabahayan namin. Nang makarinig ako ng kaluskos sa underground laboratory ay agad ako roong nagtungo. Sa loob ng mansyon ni Lolo na siyang tinitirhan ko ay may iba't ibang kwarto, maraming sekretong pinto para sa emergency exit. Mayroon ding underground laboratory kung saan si lolo madalas na namamalagi sa t'wing iu-upgrade niya si Cassidy. “Lolo?” mahinang tawag ko habang naglalakad ako palapit sa pinto ng laboratoryo. “Where are the guards? Bakit wala sila ngayong gabi?” bulong ko sa sarili ko. Itinapat ko ang aking mata sa biometric eye scanner para bumukas ang pinto. Ilang sandali lang ay automatikong bumukas ito kaya walang hirap akong nakapasok sa loob. Malawak ang loob ng laboratoryo, walang bakas ni lolo sa paligid ngunit nakita ko ang ilang kagamitan na madalas na hawak ni lolo sa t'wing kakalikutin niya si Cassidy. Mukhang ginamit niya ito ngayong gabi. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob patungo sa office sa loob ng lab. Nang itulak ko ang pinto para makapasok ay doon ko narinig ang boses ni lolo, may kausap ito at seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Parehong nakatalikod sa akin si Lolo at ang kausap din nitong matanda, nakita kong kapwa sila nakatingin kay Cassidy habang nakakunot ang noo. “I am not going to shut down the robotic project. This is the key to maintain the country's stability Ben!” matigas na sambit ni Lolo sa kausap niya. Tila nagtatalo ang dalawang matanda, hindi ko masyadong marinig ang usapan nilang dalawa dahil may kalayuan ang pinto sa mismong office table ni lolo. Nakita kong lumakad palapit ang hindi ko makilalang lalaki sa nakapikit na si Cassidy. Mukhang may ginagawang upgrade si lolo sa system ni Cassidy dahil kasalukuyan din itong nakakonekta sa system engine. “Hindi ka ba nag-aalala sa posibilidad na maaaring mapasok ng mga terorista ang main control panel ng NADA? All the information including the top-secret of our operation will be exposed to the enemies.” Mariin ang titig ng matanda kay lolo na tila ba nawawalan na ito ng pasensya. Anong pinagtatalunan nila? “They will use it against us. Once they successfully touch the database of NADA, we're done. We have to do the precautionary measures now Felix, I'd rather put all the efforts we exerted into this project in vain than to put our citizens in danger.” Umiling si lolo sa sinabi ng matanda. Nagsalin siya sa kanyang shot glass ng whiskey at saka umupo bago sumagot, “I am already doing the precautionary measures to avoid any further damages, Ben. We can't stop the Robonation Project, kaunting panahon na lang ay kumpleto na ito at malapit na nating mai-launch sa publiko.” Hinilot ni lolo ang kanyang sentido bago lumagok ng whiskey at magpatuloy. “If we stop now, the terrorists will think of another plan to dominate us. They will never stop until Philippines is finally under their wings. Kahit na ihinto natin ang proyektong ito ay sasakupin pa rin nila tayo, kung ipagpapatuloy natin ang nasimulang ito at magiging matagumpay tayo ay mas madali natin silang mapapabagsak. With the help of NADA Enhanced Civilization, we can easily exterminate our nemesis.” Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang maingay na lumangitngit ang pinto nang masandalan ko ito. Sabay na lumingon ang dalawang matanda sa direksyon ko, mabuti at agad akong nakaatras kaya't hindi nila ako nakita. Mabilis ang takbo ko para makapagtago sa gilid ng machine nang makarinig ko ang hakbang palapit sa kinaroroonan ko. My grandfather will reprimand me once he knows that I am eavesdropping on their private conversation. Lagot ako! “Who's there?” tanong ng kausap ni lolo. Isiniksik ko ang sarili ko sa ilalim para hindi ako nito makita. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang lumakad ito palapit sa direksyon ko, ipinikit ko na lang ang mata ko para hindi masaksihan ang anino nitong palapit sa akin. “What are you looking for Ben?” rinig kong usal ni lolo. Lumabas na rin ito ng opisina niya at lumakad palapit sa kausap. “Someone's here Felix,” sagot nito. Tumikhim si lolo bago sumagot sa kausap, narinig kong tumawa ito at tinapik pa ang balikat ng matanda. “Guniguni mo lang iyon tayong dalawa lang ang narito Ben. Hindi ba't sinabi ko sayong ako lang ang may access sa security lock ng entrance door? Imposibleng may makapasok dito,” sabi ni lolo habang tumatawa pa. He's lying. I can also access the door lock and he knows that! “But-”Aalma pa sana ang matanda nang inakay na ito ni lolo palayo sa direksyon ko. Alam na kaya ni lolo na narito ako at nagtatago lang? Bakit hindi niya ako binuko sa kasama niya? “Come on Ben, baka daga lang ang narinig mong kumaluskos. You need to go now, alas tres na nang madaling araw baka hinahanap ka na ni Ysabel.” Narinig ko ang pagbukas ng pinto, unti-unting humina ang kanilang boses. Bago pa tuluyang sumara ang glass door ay narinig ko ang pahayag ng matanda. “My identity should remain anonymous. Walang dapat na makaalam na ako ang kasama mong bumuo sa konsepto ng NADA Robotics Felix,” Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Sino ang lalaking kausap ni lolo? Akala ko ba ay galing sa ibang bansa ang NADA at inangkat lamang ng Pilipinas? Bakit sinabi ng kasama ni lolo na silang dalawa ang bumuo ng NADA? And they are the chief engineers of it? They are hiding something big to the public. MAGMULA nang marinig ko ang sekretong pag-uusap nilang iyon ay hindi na nawala sa isip ko ang maraming katanungan. Dinagsa ako ng aking kuryosidad tungkol sa narinig ko. Gustuhin ko mang kausapin si lolo at tanungin sa bagay na iyon ay hindi ko magawa. Alam kong batid ni lolo na naroon ako nang gabing iyon, he knew that I am listening. Ngunit hindi niya ako kinausap tungkol sa bagay na iyon, sa halip na makipag-usap sa akin ay binigyan lang ako nito ng isang makahulugang ngiti at kindat. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon pero hindi na ako nilubayan ng napakaraming tanong magmula nang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD