Lhexine Manuela Sawyers' POV HINAWAKAN ko ang malamig na kapsula kung saan nakikita kong nakahiga ang aking sariling katawan. Katulad ng unang beses akong pumunta sa lugar na ito ay ganoon pa rin ang itsura ng paligid. Ang ayos ng iba't ibang makina ay hindi man lamang nabago. Kung dati ay narito ako para titigan ang kaawa-awa kong lolo sa loob ng halos magyelong kapsula, ngayon ay ito ako... nakatitig sa aking sarili. Para akong nasa isang panaginip. Subalit sa pagkakataong ito, hindi na ito isang ilusyon o gawa-gawa ng kung anong teknolohiya para paglaruan ang aking isipan. Tunay ang lahat ng ito. "Apo." Awtomatikong lumingon ang ulo ko nang marinig ko ang boses ng aking lolo. Sinalubong niya ako ng maliit na ngiti sa labi at nanginginig na kamay. Nakaunat ang kaniyang mga braso na

