Straight to Hell

1694 Words
I was eight when I lost both Mama and Papa. Still very young when I first learned that I would never see my parents' loving smiles again. One week after the ambush, Lolo Felix brought a psychiatrist at home to check me. He was worried sick because I shiver every time I see men in black with guns. I can't stop myself from screaming out of fear. Walang araw na lumipas na hindi ako lumuha at walang gabi na nagdaan na hindi ako binangungot. Gabi-gabi ay dinadalaw ako ng masamang panaginip, sa t'wing pipikit ako ay nakikita ko sa dilim ang walang buhay na katawan ng aking mama at papa. Ramdam ko ang lamig ng kanilang katawan sa aking bisig habang ang lapot ng kanilang dugo ay nakadikit pa rin sa aking balat. I had series of nights where my delusions were too serious. I almost got admitted to a mental institution because of that. It was exactly seven days after the death of my parents when the doctor diagnosed me as a patient with Post Traumatic Stress Disorder. "Lhexine." Si Tita Lucy. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin ito umaalis. Hindi ko na sila muling binalingan pa sa takot na makita nila ang mga luhang bumabasa sa aking pisngi. Ang masuyong tinig ni Tita Lucy ay tila musika, tinatangay ito ng ihip ng hangin. Napakalambot ng kaniyang boses, ibang-iba sa anak niyang si Vaughn. Wari ko'y si Alysabeth ang nakamana ng masuyo niyang tinig. Kung wala lang sana ang galit sa puso ko, sana ay kanina ko pa niyakap si Tita. Kanina pa sana ako umiiyak sa kaniyang balikat habang sinasabi ang lahat ng aking mga hinanaing sa buhay. "Pakiusap, pakinggan mo ang mga sasabihin ko. I will not force you to believe me right away, I just need you to listen." Bakit kailangan pa niyang pilitin ako na pakinggan siya? Ayaw ko na siyang makita, pakiramdam ko ay makapag-iiwan lang ako ng masakit na salita sa kaniya kung muli kong makikita ang maamo niyang mukha. Her physique doesn't reflect her evil root. She's too pretty and soft-spoken that she completely fooled us without blinking. Tumalikod ako para umalis, hindi ako nag-abala pang tumingin sa direksyon nilang mag-ina. Hindi pa ako nakakalimang hakbang palayo sa kanila ay agad nang hinawakan ni Vaughn ang aking palapulsuhan. Galit kong ibinaling ang tingin sa kaniya. "Kung hindi kayo ang aalis, ako ang aalis. Tutal ay sanay naman akong laging tumatakbo palayo sa pamilya ninyo, hindi na ito bago sa akin kaya bitiwan mo ako!" Mas lalong humigpit ang hawak ni Vaughn sa akin, halos mapangiwi ako nang maramdaman ito. "Ilang ulit ba naming kailangang ipagduldulan sa 'yo na hindi kami ang may gawa no'n sa inyo? Bakit ayaw mong maniwala? Ngayong handa kaming patunayan sa 'yo na malinis ang konsensya ng pamilya namin, ayaw mo naman kaming bigyan ng pagkakataon," gigil na sambit ni Vaughn sa akin. Hinimas ni Tita Lucy ang braso ng anak. Lumambot nang bahagya ang ekspresyon ni Vaughn ngunit agad ring nawala iyon nang pilitin kong alisin ang palapulsuhan ko mula sa kaniyang hawak. "Bitiwan mo sabi ako, bakit ba pinipilit n'yo pa akong maniwala sa inyo? Anong mapapala ninyo sa opinyon ko? Hindi pa ba kayo masaya na lahat ng tao sa paligid ay naloko na ninyo? You completely f****d their heads and made them believe your bullshits!" Ang galit ko ay sukdulan na. Ramdam ko ang muling pangingilid ng aking luha at panginginig ng balikat na siyang pilit kong pinipigilan. "Why do you have to come near me and ask me to listen to your f*****g lies? Kailan kayo titigil sa p*******t sa akin, ha? Kailan ninyo ako lulubayan?" Gulat na gulat ako nang tumakbo si Tita Lucy patungo sa akin. Hindi ako makagalaw nang yakapin niya ako nang mahigpit. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking balikat habang ang luha ay patuloy na bumabasa sa manggas ng aking blusa. "I'm sorry. I am very sorry, Lhexine, I. . . I didn't know that you're suffering so much," hirap na usal nito sa akin. Halos hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya. Masyadong garalgal ang kaniyang boses, basag na basag ito at mababakas ang sakit. "I should have faced you that day. I should have braced you with my arms and comforted you, and assured you that I would be there for you." "Y...y-es, you should have, Tita, but you didn't!" galit na sigaw ko. Pilit kong itinulak palayo sa akin ang katawan ni Tita Lucy. Nandidiri ako! Ayaw kong mahawakan niya ako, ayaw kong makulong sa init ng yakap ni Tita. Pakiramdam ko ay nilalamukos sa sakit ang puso ko dahil sa pag-atake ng mabangong amoy ni Tita sa aking ilong, naaamoy ko si Mama sa kaniya! "I didn't because I needed to save you." Fuck that saving, she didn't save me! She killed me. Tingin ba niya ay nailigtas niya ako noon? If she really did, then, why couldn't I feel my beating heart? Why do I feel like I ain't living a life at all? The only thing that's making me breathe every second is my will to avenge the death of my parents. All those f*****g shitheads who made my life miserable will pay, big time. "I didn't need your protection, Tita, your family planned the ambush, why would I need you?" Nang tuluyan kong mailayo ang aking sarili ay agad kong pinindot ang emergency button. Agad na pumalibot ang aking security team, inilayo nila ako kina Tita Lucy at Vaughn. "Please, Lhexine, sumama ka sa akin ngayon." Muling humakbang palapit si Tita. Hindi niya inalintana ang mga nakapalibot na security team. "Come with me and I'll bring you to your parents. Hinihintay ka nila, matagal na," dugtong pa nito. Naguguluhan man ay hindi ko na inalintana pa ang sinabi ni Tita. Alam kong gawa-gawa lamang niya ang kaniyang mga sinasabi para makuha ang loob ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis. Hindi pa man ako nakalalayo ay agad nang nagkagulo ang paligid. Sunod-sunod na putok ng b***l ang aking narinig. Nagkakagulo ang security team habang pinapalibutan ako. Mabilis ang naging pangyayari at halos hindi masundan ang palitan ng putok. "Madame President, kailangan n'yo nang makaalis sa lugar na ito!" Lima sa aking security ay nakapalibot sa akin, ang isa sa kanila ay pilit akong sinusuotan ng protective vessel habang ang apat ay patuloy na nakikipagpalitan ng putok sa mga kalabang hindi namin makita. Paniguradong long range shot ang ginagawa ng mga kalaban. "Lopez, protect the president at all cost. Evacuate her to the safest area." Rinig kong utos ni Vaughn sa malayo. Nilingon ko kung nasaan siya. Wala na ito sa lugar na kanina lamang ay kinatatayuan nito, si Tita Lucy naman ay napapalibutan na ng kaniyang sariling bodyguards. Kitang-kita ko sa mukha niya ang takot at pag-aalala. Nang magtagpo ang tingin namin ay agad na nanlaki ang aking mata nang makitang akma itong tatakbo palapit sa akin. Pinipigilan lamang ito ng kaniyang mga bodyguards. Si Vaughn ay halos hindi ko naman masundan ang galaw, walang tigil ito sa pagtakbo habang bumabaril at patuloy sa pagbibigay ng utos sa kaniyang team. "Putangina!" malutong na mura nito nang makitang isa sa limang lalaki na nakapalibot sa akin ay tinamaan ng bala. "Immediate attention required, shots fired. President's life in danger! Code 8 request cover," malakas na sigaw nito sa kaniyang transmitter. "Perez! Ilayo n'yo na si Mama, anong pang hinihintay ninyo?" galit na sigaw nito sa isa sa mga guards ni Tita Lucy. "All the members of Alpha team, secure the president. Bravo to Delta, find those f*****g bastards and bring them to me, dead or alive!" Agad na dumagdag ang nasa pitong lalaki sa grupong pumapalibot sa akin. Mabilis ang kilos ng lahat habang nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. "Cenon, follow me with your troop. Nasa abandonadong building sila nagtatago, susugurin natin sila at wala tayong patatakasin kahit isa!" gigil na sigaw ni Vaughn. Mula sa malayo ay nakita ko ang humaharurot na sasakyan namin. Sa sobrang bilis ng takbo nito ay hindi ito tinatamaan ng bala ng mga kalaban. Wala pang tatlong minuto ay nakabukas na ang pinto ng van para sa akin. Ayaw kong umalis, gusto kong lumaban. I know how to shoot, I can certainly kill those bastards! "I will make them pay," mariing bulong ko. Bilang pangulo ay kailangan kong sumunod sa head ng Presidential Security Team para sa aking kaligtasan. Alam kong hindi nila hahayaang isalang ko ang aking buhay para lamang makasali sa pakikipagpalitan ng putok. Their top priority is to secure the life of the country's leader, that's me. "Vaughn, anak! Sumama ka na sa amin!" Mula sa malayo ay kita kong hindi pa rin sumasakay ng kaniyang sasakyan si Tita Lucy. Tulong-tulong ang kaniyang mga bodyguards sa pagtakip sa ginang para hindi ito tamaan ng bala. Umiiyak si Tita Lucy habang nakatingin sa anak na abala sa pakikipagbarilan. Napansin kong may mga grupo rin na nagtatago sa kakahuyan. Naroon ang iba habang karamihan ay nasa abandonadong building tulad ng sinabi ni Vaughn. "Salazar, sa kakahuyan!" malakas na hiyaw ko. Agad na tumalima ang mga dumating na panibagong myembro ng security team at lumapit kay Vaughn. Galit na ibinaling nito sa akin ang tingin. "Madame President, kaya na namin ito, umalis na kayo!" Nanginginig ako, hindi dahil sa takot kundi sa galit. Sinong mga walang hiya ang gumagawa nito? Ang lakas ng loob nilang makipagbakbakan pa talaga rito sa mismong libingan ng mga magulang ko? Wala akong pakialam kung pagbabarilin nila ako sa opisina o target-in sa mismong conference, pero ang piliin ang lugar na ito ay walang kapatawaran. How brave they were to disrespect my parent's grave! "Siguraduhin mong mahuhuli mo ang leader ng mga bandidong grupo na ito. Iharap mo siya sa akin dahil ako mismo ang papatay sa kaniya!" galit na sigaw ko. I will send them straight to hell. They shouldn't mess with me, I am Lhexine Manuela Sawyer, the ruthless and brutal president of the Philippines of the year 2050. And I'm gonna burn them alive!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD