Interrogation

2663 Words
"Paano nangyaring nalusutan kayo ng taong iyon? Nag-iisa lang siya at ilan kayo? Labing lima!" galit na sambit ni Sandra. Nakatayo siya ngayon sa harap ng labing limang lalaki, sila ang aking security team dito sa bahay. Laking pasasalamat ko na hindi naman sila pinatay ng taong 'yon, puno man sila ng sugat at pasa ay hindi naman sila napuruhan. Walang malaking galos at lahat sila'y humihinga pa naman. Matalim ang titig ni Sandra sa Chief Security Head na naka-assign dito sa bahay. Hindi niya matanggap na napataob ang aking security team ng iisang tao lamang. Ako man ay hindi mapigilan ang bahagyang pagkamangha, paano nagawa ng taong iyon na madaig ang pinakamahuhusay na tao sa pakikipaglaban? "Akala ko ba ay mga dalubhasa kayong lahat? Bakit napatulog kayo ng taong 'yon kung gano'n?" tila kulog sa lakas na sambit ni Sandra. Nang hindi ko na matagalan pa ang pakikinig sa halos dalawang oras niyang sermon ay tumayo na ako. Lumapit ako sa kanila at saka tinapik ang balikat ng aking nanggagalaiting sekretarya. Humarap ito sa akin at ako naman ang pinagbalingan ng galit. Sabi ko na nga bang hindi dapat ako nakisali, tiyak na ang tainga ko naman ngayon ang pasasakitin niya. Bago pa makahirit si Sandra ng mga pangaral sa akin ay inunahan ko na siya. "I know what you'll say, you don't have to say it out loud, Sandra. Huwag ka nang mag-alala pa sa akin, maayos naman ako." Umirap ito sa akin at saka ikinrus ang kamay sa dibdib. Mabilis pa rin ang kaniyang hininga at mukhang walang balak na kumalma. "You are impossible, Lhexine Manuela, bakit kinailangan mo pang sundan ang bakas ng dugo? Paano kung napuruhan ka ng taong iyon? Tingin mo ba ay makakaya mo siya? Can't you see what that person did to our trained combat men? He took down all these bulky men using his fist! Gaano kadali para sa kaniya ang patumbahin ka?" Napairap ako sa tinuran ni Sandra. Padaskol niyang ibinaba ang kamay at hinawakan ang aking braso, sinipat niya kung may galos ba ako. Nang makita niyang wala ay itinapon niya ang braso ko. Kung umasta siya akala mo, hindi ako ang presidente, ah, kanina lang ay pormal pa siyang makitungo ngunit ngayon tila nasagad na talaga siya. "Then, why didn't he? Kung ako talaga ang sadya ng lalaking 'yon, sana ay nagpakita siya sa akin. Alam niyang ako na lang mag-isa dahil napatumba na niya lahat ng guards ko. Bakit hindi pa niya kinuha ang pagkakataong iyon para gawan ako ng masama?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa pilit na ipinapaunawa kay Sandra ang bagay na ito. Malaki ang paniniwala kong may hinahanap siyang isang mahalagang bagay rito sa bahay. Wala siyang plano na gawan ako ng masama, ang tanging agenda niya ay mahanap ang kaniyang sadya. Nang maramdamang nandito na ako ay agad na siyang umalis para tumakas, walang iniwang bakas mula sa pagkakakilanlan niya maliban sa mensaheng iniwan para sa akin. "The answer is very simple, Sandra. He does not intend to hurt anybody, he's just looking for something. I don't know what that is, but I am certain that it's something that my parents owned. Perhaps a research? Or. . . I don't know!" naguguluhang sambit ko. Kanina pa ako hindi matahimik sa kaiisip kung ano nga bang hinahanap niya. Base sa paghahalughog niya sa mga dokumento, halatang binusisi ang bawat lagayan. Nang makitang wala roon ang hinahanap ay nagbaka sakaling nasa lagayan ng mga damit. "Napaisip tuloy ako. Anong huling proyekto nina Mama at Papa bago ang nangyaring ambush?" Agad na natahimik ang paligid matapos kong isatinig ang aking iniisip. Nawala na sa isip kong kasama nga pala namin si Vaughn dito. Lumingon ako sa lalaking nakatayo malapit sa sofa na kanina'y inuupuan ko. Seryoso ang kaniyang ekspresyon, walang mababakas na kahit kaunting katatawanan. Kanina pa siya nakatitig sa akin, buhat nang dumating dito ay wala pa siyang sinasabi kahit na isang salita. Katakha-takhang kahit kaunting sermon ay hindi niya ginawa. "May ideya ka ba?" diretsong tanong ko kay Vaughn. Mas lalong lumamig ang paraan ng pagtingin niya matapos kong itanong iyon sa kaniya. Akala ko ay hindi niya ako sasagutin, nagulat pa ako nang lumakad siya palapit sa kinatatayuan ko. "Paano akong magkakaideya? Parehas lang tayong paslit nang mangyari iyon." Imposible. Siguradong madalas na pinag-uusapan ng kanilang pamilya ang nangyaring insidente noon. Tiyak na ang laman ng kanilang usapan sa t'wing maghaharap-harap sila sa isang lamesa para kumain ay ang ginawa nila sa aming pamilya. Ang dahilan kung bakit nila in-ambush ang sinasakyan naming kotse noon. Malinaw pa sa aking alaala ang nangyaring ambush ilang taon na ang nakalilipas. Tila wala nang pag-asa na mabura iyon sa aking isipan, anumang pilit kong pagkalimot sa nakatatakot na pangyayaring 'yon ay hindi ko magawa. Maski sa panaginip ay sinusundan ako nito. Pinaligiran kami ng higit sa tatlong van, pinaulanan ng bala ang sasakyan. Pinag-isipan nang mabuti, mabusisi ang naging pagpaplano sa ginawang pagtambang sa amin. Unang pinatamaan ang gulong ng van, limang magkakasunod na bala ang bumutas sa matibay na uri ng aming gulong. Sabay-sabay nilang tinadtad ng pamamaril ang sasakyan, kaya kahit na bullet proof ang sasakyan ay nagawa pa rin nilang mapalusot ang bala sa bintana ng van. Sinadyang sa liblib na lugar ginawa ang ambush para hindi agad kami masaklolohan. May hawak ding mataas na uri ng granada ang mga bandidong nanambang sa amin, nang akmang ibabalibag sa amin 'yon ay roon pa lamang lumabas ang mga Salazar. Doon pa lamang sila umaksyon at doon nagsimulang umarte. Nagkunwaring tumulong sa amin kahit na ang totoo ay sila ang tunay na may pakana ng lahat ng iyon. "Tingin mo ba ay kakagatin ko ang palusot mong 'yan? Alam kong alam mo ang mga sagot sa mga tanong ko. Of course, you won't say anything, you'd rather protect your clan than help me solve my problems, right?" Nagtiim bagang siya nang sabihin ko iyon. Akmang sasalungatin niya ang sinabi ko nang talikuran ko siya. Wala akong plano na makinig sa kaniyang mga kasinungalingan. Alam ko kung ano ang totoo, hindi ko kailangan ng sariling bersyon niya ng katotohanan. Bawat tao ay may kaniya-kanoyang katotohanan, nasa iyo na lang iyon kung ano ang paniniwalaan mo. Hangga't kaya mong ipaglaban ang prinsipyong pinanghahawakan mo, then, iyon ang katotohanan para sa iyo. Hindi mo mapipilit ang isang tao na tanggapin ang paniniwala mo, katulad ng kung paano mo hindi p'wedeng ipilit ang gusto mo sa kanila kung ayaw naman nila rito. "Tell me what exactly happened, gusto ko ay detalyado at walang makaliligtaan kahit na isang pangyayari." Nakadirekta ang tingin ko sa head ng security team, pormal ang aking pananalita nang sabihin ko iyon. Tumalikod ako sa lahat ng tao sa sala, nagsimula akong umakyat sa hagdan. "Follow me on my office, Mr. Ramirez, I want us to talk privately." Saglit kong ibinalik ang tingin kay Sandra. "Sandra, please call the medical team, assist all these gentlemen and give them the medical assistance they need." Walang lumipas na segundo ay agad ngang tumalikod si Sandra at tumawag ng medical team. Nakitaan ko pa ng pagkamangha ang grupo nang marinig ang utos ko. Hindi siguro nila inakala na magpapatawag ako ng tulong para sa kanila. "Salazar, do everything para hindi lumabas sa balita ang nangyaring panloloob. Ayaw kong mabahala ang publiko," utos ko naman kay Vaughn na hanggang ngayon ay nakatiim bagang pa rin. One good thing that my grandfather taught me was to always look out for my people. I should never neglect anyone, regardless of their social status. I must treat them like a family. Kung gusto mong makuha ang katapatan nila, dapat na iparamdam mo sa kanila ang importansya nila sa 'yo. Hindi porke security team ko lamang sila ay hindi ko na iisipin ang kalusugan nila. They were all wounded, they need the medical assistance and I can certainly provide them that. NAKATITIG ako sa larawan ni Mama habang yakap ko ang unan na regalo ni Papa sa akin noong bata pa ako. Tanda ko pa ang dahilan kung bakit ako binigyan ni Papa nito. Noong una kasi ay nahihirapan akong matulog kapag wala sila sa tabi ko t'wing matutulog ako. Siguro'y nasa apat na taon pa lang ako noon. Palagi akong umiiyak kapag nagigising ako na mag-isa lamang sa malaking kwarto, wala silang dalawa sa tabi. Iniabot sa akin ni Papa ang unan, at sinabing yakapin ko iyon sa t'wing nami-miss ko sila. Na kung wala sila sa tabi ko ay iyon muna ang yakapin ko at isipin na ang malambot na katawan iyon ni Mama. Nang masanay na ako na wala sila sa aking paggising ay nasanay na rin ako unti-unti na matulog nang wala sila. Hanggang sa tuluyan na nga akong bumukod ng kwarto. "Come in," sambit ko matapos marinig ang tatlong magkakasunod na katok. Inalis ko sa kandungan ang unan at ibinaba ito sa dating lagayan. Nakaupo ako ngayon sa aking table habang si Mr. Ramirez naman at matikas na nakatindig sa aking harap. Diretso sa harap ang tingin nito habang ang ekspresyon ay matigas. "Nagamot ka na ba bago ka sumunod rito?" paunang tanong ko sa kaniya. "Yes ma'am," maikling sagot naman nito sa akin. Nagsalin ako sa dalawang baso ng whiskey at iniabot sa kaniya. Kinuha ko ang isa at saka ininom habang prenteng nakaupo sa aking swivel chair. Naka de kwatro pa ang aking binti at ang kamay ay nakakrus sa dibdib habang nasa labi ang dulo ng shot glass. Ibinaling sa akin ni Mr. Ramirez ang kaniyang tingin, agad itong umiling sa akin nang muli kong ituro sa kaniya ang baso na may lamang whiskey. "Pasensya na, Madame President, pero hindi ako maaaring uminom sa oras ng aking trabaho," pormal na sabi nito sa akin. Tulad ng inaasahan ay iyon nga ang sinabi niya. Tumango na lang ako at hindi na siya pinilit pa. "Well then, okay. Let's proceed with your narration now," sagot ko naman sa kaniya. "Tulad ng palaging ginagawa rito sa mansyon, madame, pagkatapos mong umalis ay saka pa lamang lilibot ang aking team sa buong bakuran para magbantay. Habang tsine-check ang pasilidad ay may nakita kaming kahina-hinalang lalaki na umaaligid sa bahay. Hindi naman ito nagtatangkang pumasok ngunit kinausap ko pa rin, akala ko ay maayos ang lahat dahil umalis naman siya matapos kong sabihin na bawal ang gumala sa paligid nitong mansyon ninyo, President." Diretso lamang ang tingin ni Mr. Ramirez sa harap habang nagsasalita. Detalyado ang kaniyang mga sinasabi kaya hindi ko na kailangan pang magtanong habang nagsasalita siya, tahimik lamang akong nakikinig at humahanap ng maaaring butas sa ginawa ng lalaking nanloob. "Tatlo sa aking grupo ang nakabantay sa gate ng mansyon, anim ang nasa frontyard habang ang lima ay umiikot sa paligid ng bahay para mag-patrol. Habang ako naman ay nasa loob ng mansyon para gawin ang daily security check. Lahat kami ay nakadestino sa kaniya-kaniyang puwesto nang dumating ang isang hindi kilalang babae," diretsong kuwento ni Ramirez sa akin. Ininom kong muli ang isang shot ng whiskey habang nakikinig. "Panatag ang team sa babae, tulad sa protocol ay ch-in-eck muna namin ang dalang cleaning materials ng babae. Akala namin ay isa siya sa mga maintenance na nakatalagang maglinis ngunit nagtakha kami nang tanungin namin ang security code at hindi niya nasagot. Hindi pa nakatatawag sa amin ang team sa gate area ay agad na silang napatulog ng babae. Bihasa ito sa pakikipaglaban at may hawak pang device, kinuryente ang team kaya sila nawalan ng malay." Totoo ngang pinaghandaan ang ginawang panloloob. May kasama pala ang lalaki, bakit wala ang babae kanina nang dumating ako? Iyong lalaki lamang ang naabutan ko. "Nang mapabagsak na ng babaeng kasama ang security sa gate ay pumasok naman ang lalaki. Nagtulong sila sa mga guards na nasa frontyard at nang mapataob ang lahat ay pumasok sa loob ang lalaki habang ang babae ay naiwan sa labas para magbantay." Kung gayon ay nagsilbing look out pala ang isa kaya naman mag-isang pumasok ang lalaki. "Hindi ko agad narespondehan ang aking team dahil inuna kong siguraduhin na sarado ang mga security lock ng inyong silid at maging ng inyong opisina. Habang inaayos ko ang lock ng kwarto ng inyong mga magulang ay naabutan ako ng lalaki, naglaban kami ngunit higit siyang mas mahusay sa akin. May ilang team ako na nagawa pang rumesponde sa akin, ngunit wala rin silang nagawa. Hindi namin napigilang makapasok ang lalaki sa loob ng silid ng inyong mga magulang dahil sa hindi ko tuluyang nai-activate ang security lock." Tumango ako matapos ang mahabang kuwento niya. Ngayon, alam ko na kung ano ang nangyari, pero hindi pa rin malinaw sa akin ang dahilan kung bakit. "Namukhaan mo ba ang mga nanloob? May napansin ka bang kakaiba sa kanila?" tanong ko at saka tumayo. Lumapit ako sa aking cabinet at kinuha ang files na naglalaman ng mga impormasyon sa aking mga magulang. Dito nakatago sa opisina ko ang ilang mga research nina Mama, ang mga dokumentong ito ay pribado at tanging ako at iilang mga opisyal lamang na may kinalaman ang nakakaalam ng laman nito. "Bukod sa mahusay silang makipaglaban, napansin ko po na may kakaiba sa katawan nila." Natigil ako sa pagbuklat sa pahina ng librong hawak ko. Lumingon ako kay Ramirez habang nakakunot pa ang noo. "What do you mean?" Rumehistro ang pagkalito sa kaniyang ekspresyon. Maging siya ay tila naguguluhan at hindi alam kung paano sasabihin sa akin ang napansin. "Habang nakikipaglaban po ako ay napansin ko na mabigat ang galaw ng lalaki. Para bang may suot siyang steel vessel sa katawan niya. Nang tamaan ko ng suntok ang katawan niya ay naramdaman ko ang bakal, maging sa mukha niya ay ganoon din." "Posible ba iyon? Hindi ba't mabigat masyado ang bakal para gawing protective vesssel?" "Yes, ma'am, hindi ko rin alam kung bakit, pero nang mahagip ko siya ng patalim sa braso ay nakita ko namang nasugatan ko siya, pero walang dugo na lumabas sa kaniyang nakabukas na balat." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mr. Ramirez. Paano nangyari iyon? Hindi kaya? Android robot ang isang iyon? Pero hindi. Imposible dahil matagal nang sinira ang mga ganoong bagay. Mahigpit na i***********l ang paglikha ng bagong humanoid artificial intelligence buhat nang isarado ang proyektong iyon ni Lolo. Lahat ng super intelligence ay sabay-sabay na pinasabog at ginawang batas ang pagbabawal sa paglikha ng ganoon. "Do you think it's a. . ." "Iyon man ay naisip ko, ma'am. Pero masyado silang mahusay, maaari na ngang pagkamalan na tao dahil sa paraan ng paggalaw at pagsasalita nito. Ibang-iba ito sa NADA na mayroon tayo noon." Iisa ang nasa isip namin. Kung tama ang aming hinala ay ibig sabihin, mayroong kumokontrol sa kanila. May nag-hack ng system ng NADA at mayroong lihim na nagsasagawa ng proyektong mahigpit na i***********l sa Pilipinas. Sinong tanga ang gagawa niyon? Hindi pa ba sila nadala sa nangyaring g**o nang halos sakupin na ng mga robot na iyon ang Pilipinas? Bakit kailangan pa nilang gawin iyon? Sino ang nasa likod ng muling pagkabuhay ng NADA? "If these NADAs will turn against us, then we need to prepare for a robot apocalypse. They will try to rule the world like what they did in the past and we will never gonna let them win," seryosong sambit ko habang nakatingin kay Ramirez nang diretso sa mata. "I will wage war against them. We will destroy them all, Ramirez." Tumango ito sa akin bilang pagsang-ayon sa tinuran ko. Alam kong balang araw ay babalik sila. Hindi ko lang inasahan na ganito kaaga, ngunit ang isang bagay na nasisigurado ko lang ay hinding-hindi sila magwawagi sa labang ito. Katulad ng kung paano sila natalo noon, ganoon din sa mga susunod pang panahon. Be it in my administration or not, the Philippines will never be dominated by them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD