I Am You

2929 Words

MASAKIT ang aking ulo nang nagising ako. Naramdaman kong nakagapos ang aking kamay at paa. Hindi ko man nakikita ay ramdam kong hindi iyon bastang lubid o panali lamang dahil sa tuwing sinusubukan kong igalaw ang aking kamay ay humihigpit ang tali. Mayroon din akong nararamdamang elektrisidad doon na sa t'wing sinusubukan kong igalaw ay tila hinihigop ng taling iyon ang aking lakas. Sobrang bigat ng aking ulo na tila ba pinukpok iyon nang ilang beses. Hindi ko magawang igala ang aking paningin dahil may nakatakip na harang sa aking mga mata, ngunit base sa katahimikang mayroon ang lugar na ito ay alam kong malayo kami sa siyudad. Umaalingasaw ang amoy ng nabubulok na basura, subalit tila may halo pa itong kemikal na amoy. Hula ko ay nasa isang liblib na lugar kami na tapunan ng mga basura

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD