"A-Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang saad ni Alexa kay Luis. Tuluyan itong bumangon mula sa pagkakadagan sa kanya habang ang mga mata ay mataman pa rin na nakatunghay sa kanyang mukha. Alexa was puzzled because of what he has said. Hindi rin niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang mga titig na iginagawad sa kanya ng binata. She can't be mistaken. Nasisiguro niyang may bahid na ng galit ang ekspresyon ng mukha ni Luis habang muling pinasadahan ang kanyang katawan, partikular sa ibabang bahagi ng kanyang dibdib. Marahas na napaupo si Alexa sa sofa kung saan kanina lamang ay walang pakundangan siyang inihiga ni Luis. Mabilis niyang inayos ang kanyang bra bago isa-isang ibinalik sa pagkakasara ang mga butones ng suot niyang blusa. Noon lamang niya napagtanto na tuluyan nang nala

