Sindak na napatitig si Alexa sa mukha ng binatang nasa kanyang harapan. Nakatayo si Cedric sa mismong tapat niya. Nakatunghay ito at titig na titig din sa kanyang mukha. Matiim ang mga titig na iginagawad nito. Hindi siya maaaring magkamali na labis na poot ang nasa mga mata ng binata ngayon. Sapo niya pa rin ang kanyang pisnging sinampal nito habang dahan-dahan na naupo sa kama. Dahil sa lakas ng pagkakasampal nito ay pabalandra siyang natumba sa kamang naroon. Nasisiguro niya na namumula na ngayon ang kanyang balat dahil sa ginawa nito. "C-Cedric. . ." sambit niya sa pangalan nito sa mahinang tinig. Hindi niya mapigilang makadama ng takot sa binata. "B-Bakit. . . Bakit mo ginagawa ito?" "Dahil hindi ka marunong makinig sa akin!" singhal nito sa kanya dahilan para mapaigtad siya. "Ang

