"N-No. . ." anas niya sa nanghihinang tinig. Gising na ang kanyang diwa ngunit hindi niya magawang maimulat nang maigi ang kanyang mga mata. The pain that she felt on her stomach was almost unbearable. Labis ang kirot niyon na halos maging sanhi para mapaungol na siya sa sobrang sakit. "What shall we do now, James?" narinig niyang wika ng isang tinig. "For goodness' sake, she was pregnant!" "Was, Maica. Hindi ba? Nagawan mo na ng paraan. Ano pa ba ang pinuputak mo?" galit namang saad ng isang lalaki. Alam niya na narinig na niya ang tinig na iyon ngunit hindi niya mahanap sa kanyang isipan kung saan at kailan. Naulanigan niya pa ang pabalik-balik nitong paglalakad na sa wari ay natataranta habang kausap ang babae. Ang mga tinig ng mga ito ay hindi nalalayo sa kanya. Alam niya na malapit

