AFTER FIFTEEN YEARS: "Yes, pauwi na ako. Actually, Luis, papasok na ang sasakyan ko sa gate ng subdivision," natatawang wika ni Bettina sa kanyang asawa habang nagmamaneho siya. Alas-nueve ng umaga nang umalis siya ng kanilang bahay para pumunta ng grocery store na hindi kalayuan sa subdivision kung saan sila nakatira. Nang umalis siya ay nasa JSCC na ang kanyang asawa dahil may meeting itong dadaluhan. He told her to wait for him. Gusto ni Luis na sabay na silang umalis upang magtungo sa grocery at mamili. Ngunit hindi niya ito nahintay. Hindi pa man ito nakakauwi ay umalis na siya at nagmaneho mag-isa ng kanyang sasakyan. Ni hindi na nga siya nagpasama kahit sa kasambahay nila. Ngayon nga ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang asawa at hinahanap siya. Nasa bahay na raw ito at h

