Dalawang araw ang matulin na lumipas mula nang mangyari ang insidente na iyon. Dama ni Bettina na may nag-iba sa kanila ng kanyang asawa. Magkasama sila sa iisang bahay at magkatabing matulog sa iisang kama ngunit halos hindi sila magkibuan na dalawa. Though, pagdating sa harap ni Jaime at ng ibang tao ay kapwa sila kumikilos nang normal. Katulad na lamang nang araw na iyon. Naging panauhin nila sina Roger at Sara. Sinamahan ni Roger ang kanyang kaibigan na talagang nagpumilit raw na madalaw siya upang kumustahin. Nasa may hardin sila ng kanilang bahay. Sa mesang naroon ay nakalapag na ang meryendang inihanda para sa kanilang bisita. Magkatabing nakaupo sina Bettina at Luis habang si Sara ay nakapwesto sa upuang nasa harapan nila. Si Roger naman ay nanatiling nakatayo at nakatukod lamang

