ASHLEE was still standing outside of the Samaniego Air Lines, kalahating oras na siyang nakatayo lamang doon. Hindi niya alam kung saan pupunta. Wala siyang alam na lugar kung saan hindi siya matatagpuan ng Daddy niya. Kinuha niya ang cell phone ni Raffy sa bulsa at hinanap doon ang numero ng isang taong alam niyang makakatulong sa kanya. Ilang ring bago nito iyon sinagot. “Hello?” sagot ng nasa kabilang linya. Halata sa boses nito na kagigising lamang. “I’m sorry for waking you up, Christopher,” paghingi niya muna ng paumanhin. “Ashlee?” tanong nito. “Bakit? May problema ba?” “N-Nandito ako sa air lines mo ngayon sa Manila. Can you come and see me? Kailangan ko lang ang tulong mo, wala na talaga akong matawagang iba,” pagmamakaawa niya. “Anong ginagawa mo diyan? May nangyari ba?” may

