PROLOGUE

1997 Words
Titig na titig sa salamin ang isang babaeng nasa mahigit bente ang edad. Kulay asul ang wig na suot nito at makapal ang make-up nito sa mukha. "Hope, may nag-aalok na isa," biglang bukas ng pinto sa kuwarto kung nasaan ang babae. Napalingon ang tinawag na Hope sa matandang babae. "Gusto ko munang makita ang itsura niya," mahinang sagot ni Hope. Bahagya namang napairap ang matanda. "Ilang lalaki na ang inayawan mo ang mga itsura. Halos lahat naman guwapo," anito. "Gusto ko lang ma-enjoy at matiyak na komportable ako sa una ko," mahina pa ring sagot ni Hope. "Sumunod ka na sa akin at para natatapos na," sagot na lamang ng matanda at nagpatiuna na nga itong naglakad. Mabilis naman na ngang sumunod si Hope. Habang naglalakad ay hinahatak niya pababa ang laylayan ng suot niyang kulay itim at hapit na hapit sa kaniyang palda. Hanggang tuhod iyon na tinernuhan niya ng kulay itim din na sleeveless na labas pusod. Kulay itim din ang suot nitong bota o boots. May suot siyang half mask kaya naman kalahati lang ng ilong niya at bibig lang ang nakalitaw. "Pumasok ka na riyan at bilisan mo na ang pagsipat sa customer. Sana naman magustuhan mo na siya dahil napakalaki ng offer niya. Hindi rin siya matanda at matikas ang kaniyang pangangatawan kaya sana talaga ay pumasa naman na sa panlasa mo, Hope," mahabang sabi ng matandang babae na bahagya pang tumitikwas ang magkabilaang kilay. Hindi na umimik pa si Hope at pumasok na lamang siya sa isang kuwarto. Pagkapasok niya roon ay kaagad niyang hinawi nang kaunti ang kurtina na tumatabing sa malaking salamin o glass wall sa kuwartong iyon. Doon ay nakita niya sa kabila ng kuwartong iyon ang isang lalaking nakatayo at nakatingin na rin sa direksiyon niya. Bigla ay para siyang nakaramdam ng kaba at dali-dali niya muling ipininid ang kurtina. Napasandal siya roon habang habol ang hininga. "As usual, mukhang ayaw mo na naman," pinaikot ng matandang babae ang mga mata nito at akmang aalis na ito sa pagkakatayo sa pinto nang bigla siyang pigilan ni Hope. "No, wait... K-kailangan ko lang ulit tingnan at matiyak na h-hindi siya m-matanda o mukhang may asawa," saad ni Hope. "Seriously, Hope? Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo masasabi sa isang tingin lang kung may asawa o wala ang isang lalaki!" nanlalaki ang mga matang sabi ng matandang babae. Hindi na lamang sumagot si Hope at muli ngang sinilip ang kabilang kuwarto. Makaraan ang ilang sandali ay matapang itong humarap muli sa matandang babae. "Sa kaniya na ako," walang pag-aalinlangang sabi ni Hope. Halos manlaki naman ang mga mata ng matandang babae sa sobrang galak. "H-hindi mo man lang ba tatanungin kung magkano ang in-offer niya?" may gulat pa rin sa mukhang tanong ng matandang babae. Blanko lang ang ekspresyon na ibinigay ni Hope sa matanda. "I-I'll t-tell him r-right away!" hindi magkandatutong wika ng matandang babae at umalis na nga ito sa pag-aalangang baka magbago pa ang isip ni Hope. Tumapang ang mukha ni Hope at humugot nang malalim na buntonghininga... ******** Kasalukuyang nagsasalin ng alak si Hope sa baso nang magsalita ang lalaking kasama niya sa isang private room ng club na pinagtatrabahuhan niya. "I think I don't want you to get drunk," lalaking lalaki ang boses na saad ng kasama ni Hope. Ngumisi lang naman si Hope at ipinagpatuloy ang pagsasalin ng alak sa baso. Ngunit sa likod ng ngisi niyang iyon ay nagtatago ang kaba dahil sa nakatakda nilang gawin. Pero desisyon niya iyon at iyon lang ang tanging paraan. Kailangan niyang mapanindigan upang matapos na ang malaking problemang kinakaharap. "What's your name?" pagkuwa'y tanong na lamang ng lalaki. "Hope," tipid na sagot niya. Ang lalaki naman ang napangiti. "Are you sure you're virgin?" hayagang tanong nito. Ininom muna ni Hope ang alak na isinalin bago sinagot ang lalaki. "You can get back your money if I'm not," dinilaan pa niya ang sariling labi pagkatapos niyang ubusin ang lamang alak ng baso nang hindi tumitingin sa lalaki. "Mukhang wala na ngang pag-uusapan pa," mabilis na sabi ng lalaki at walang sabi-sabi nitong sinunggaban sa labi si Hope. Kahit na nagulat ay nagawa naman ni Hope na makipagsabayan sa bawat galaw ng labi ng lalaki. Alam niyang matapang ang alak na ininom dahil iyon ang ni-request niya sa manager nila. Aniya ay makakapagbawas iyon ng kaba at tensiyon na nararamdaman. "Marunong kang humalik... I'm really starting to think—" "What's your name?" putol ni Hope sa pagsasalita ng lalaki. "Just call me man of your dreams," ngisi ng lalaki at muling sinakop ang makipot na labi ng babae. Nagsimula na ring maging malikot ang kamay ng lalaki. Noong una ay nakapatong lang ang kanang kamay nito sa kaliwang dibdib ni Hope hanggang sa kusa na itong gumapang mula sa ilalim ng damit ng babae. Unang isiniksik ng lalaki ang isa nitong daliri sa ilalim ng may kasikipang bra ni Hope. At ang daliring iyon ang masuwerteng unang nakakapa sa kung anong nasa tuktok niyon. "Hmmm..." napaungol nga si Hope nang hindi niya namamalayan. "Like it?" mahinang bulong naman ng lalaki sa tainga ni Hope. Walang pagtugon kay Hope kaya naman biglang hinugot ng lalaki ang daliri nito at saka mabilis na inihiga si Hope sa kamang inuupuan nila. "Wait," mabilis namang nakabangon muli si Hope. Nagtatanong naman ang mga mata ng lalaki. "I need another drink," sagot ni Hope at walang sabi-sabing tinungga na lamang ang bote ng alak na naroon. "Well, you got your drink. Let me get my drink too," mabilis na saad ng lalaki at walang sabi-sabing bumaba ito sa kama at lumuhod sa harapan ni Hope. "W-what—" "Ssshhh..." putol ng lalaki kay Hope at pinaghiwalay niya ang mga tuhod ng babae at saka pinagapang ang dalawang kamay sa loob ng palda nito. Bigla na lamang hinatak ng lalaki pababa ang underwear ni Hope. Napasinghap naman si Hope dahil sa tila kuryenteng naramdaman sa pagitan ng kaniyang mga hita. Tinanggal naman muna ng lalaki ang boots ni Hope at saka itinuloy ang pagtanggal sa underwear nito ngunit sa pagkakataong iyon ay sa pamamagitan na ng kaniyang labi. Ngumiti ang lalaki bago ipinasok ang kaniyang ulo sa loob ng palda ni Hope. Doon na naitukod ni Hope ang kaniyang dalawang kamay sa kama at kusa na siyang napatingala sa kisame at napapikit dahil sa sensasyong nararamdaman sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi niya akalaing iyon ang sinasabi ng lalaki nang sabihin nito sa kaniya ang mga katagang "let me get my drink too." "Aaahh..." hindi na napigilan ni Hope ang mapaungol nang mahina dahil sa ginagawa sa kaniya ng lalaki. Sigurado siyang dila ang nararamdaman niyang humahagod doon sa kaniyang gitna. Halos mabaliw na rin siya nang maramdaman niya ang labi ng lalaki na sumasayad doon. Ilang sandali pa ay lumitaw na ang ulo ng lalaki at ngayo'y nakatunghay na ito sa mukha ni Hope na nanatiling nakapikit at ninanamnam ang sarap na nararamdaman. "Don't you think this is so much for your first time?" dinig ni Hope na saad ng lalaki na noo'y nakasampa na pala sa kama. Hindi niya man lang naramdaman ang pag-alis ng lalaki sa pagitan ng mga hita niya dahil pakiramdam niya ay nandoong naiwan ang labi nito. "Y-you think so?" halos paos naman ng boses na wika ni Hope. Naging matapang lalo ang pagsagot niya sa lalaki dahil na rin sa epekto ng alak na ininom niya. "Can you remove your mask?" tanong ng lalaki na bahagyang hinaplos ang labi ni Hope. "Uh-oh... It's a big no. At alam mong isa iyon sa rules na gusto ko at pumayag ka sa manager ko bago ka nagbayad," mabilis na sagot ni Hope. "I understand. At hindi ko naman iyon ipagpipilitan dahil kagaya mo, kailangan ko lang din ng makakasama ngayong gabi," sagot naman kaagad ng lalaki at muli na nitong sinakop ang mga labi ni Hope. Naging mainit ang palitan nila ng halik at masuyong pinaiikot ng lalaki ang daliri nito sa nakalitaw na pusod ni Hope. Hanggang sa magpasya na nga ang lalaki na tanggalin na nang tuluyan ang damit ni Hope kasama na ang bra nito. Masuyong pinisil-pisil ng lalaki ang dalawang tayong-tayong dibdib ni Hope. Ilang sandali pa ay ang mga labi na nito ang nandoon ay pinagpapala ang pink na pink na nasa tuktok ng mga dibdib ni Hope. "Uhmmm..." ungol ni Hope na tuluyan ng napahiga sa kama. "These are beautiful," nagniningning ang mga matang wika ng lalaki habang pinagmamasdan ang kulay pink na nasa tuktok ng naglalakihang dibdib ni Hope. Nagpadausdos pababa ang lalaki upang tanggalin na rin ang hapit na palda ni Hope. Halos mapalunok ang lalaki nang makita kung gaano kaganda ang tanawing bumungad sa kaniya. Napakalinis niyon at tila ba naghihintay na sa kaniya. Ibinuka niya pa nang maigi ang mga hita ni Hope at muling sumubsob doon. "Ohhhhhhh... p-please..." ungol ni Hope na may kasamang pagmamakaawa. "Please what?" tila nang-aasar namang tanong ng lalaki sa kabila ng ginagawa nito sa gitna ni Hope. "Huh? Please what? What is it?" muli niyang tanong at pinagapang pa niya ang isang kamay papunta sa mayayamang dibdib ng babae habang patuloy siya sa pagsamba sa kayamanang nasa kaniyang harapan. Hindi naman makasagot si Hope at nagpabiling-biling lang ang ulo nito. Dahil nga unang karanasan niya iyon ay hindi niya rin malaman kung ano talaga ang kaniyang gusto. Basta't pakiramdam niya ay parang sasabog na ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita na sinasamba ng lalaki. Mayamaya ay umalis na ang lalaki roon at nagtanggal na rin ito ng lahat ng saplot sa kaniyang katawan. Bahagyang napadilat si Hope at halos mawala ang epekto ng alak sa kaniya sa nakita. Hindi niya alam kung nagdedeliryo na lamang ba siya pero mahaba at mataba ang nakikita niyang nasa pagitan naman ng mga hita ng lalaki. "Ready for this?" nakangiting tanong ng lalaki at kaagad na itong pumatong kay Hope. "B-be c-careful..." tila kinakabahang saad ni Hope. "Don't worry, I will. I'm always careful," saad ng lalaki at masuyo pang dinampiaan ng halik sa noo si Hope. Mas ibinuka pa nga ng lalaki ang mga hita ni Hope at dahan-dahan ay ipinasok niya na ang dapat ipasok. "A-ah..." tila nasasaktan naman ang sunod na pag-ungol ni Hope. "You're really virgin..." mahinang anas ng lalaki. "I don't know why you did this but I want you to know that I'm the happiest man tonight..." Wala na ngang ibang narinig sa kuwartong iyon kundi ang pag-uga ng kama at mga ungol ni Hope... ********* Nakatitig lang sa kisame ang lalaki habang tulog na tulog na si Hope sa kaniyang tabi. Ilang minuto pa ang kaniyang pinalipas bago siya nagpasyang umalis na. Pero natigilan siya at napatingin kay Hope. Tila may nag-udyok sa kaniya upang tanggalin ang maskarang tumatakip sa kalahating mukha ng babae. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maskara ngunit nang tatanggalin niya na ito ay nagbago ang isip niya. Napabuntonghininga siya at tuluyan ng tumayo. Sa lahat ng tao, isa siya sa hindi dapat sumisira sa pangako o sa napagkasunduan kaya naman mabilis na siyang umalis doon nang hindi na ginigising pa o nagpaalam man lang kay Hope. Nang makalabas na siya sa garahe ng club na iyon lulan ng kaniyang kulay pulang kotse ay may unti-unti siyang binubura o tinatanggal sa kaniyang mukha. Binuksan niya ang compartment ng kaniyang kotse at kumuha ang make-up remover wipes na nakalagay doon. Ikinuskus niya iyon sa kaniyang mukha hanggang leeg at unti-unti ngang nabura ang pagiging maputi niya. Lumabas ang natural niyang kulay na light o modern tan skin. Kasama ring nabawasan ang kakapalan niyang kilay at ang may kasingkitan niyang mga mata kanina ay bumalik na sa dati nitong hugis. Inihinto niya sandali ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang sunod namang tanggalin ang suot nitong kulay itim na contact lens at kita na ang natural nitong brown eyes. Itinapon niya lang iyon basta sa labas ng sasakyan at muli na niya itong pinaandar...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD