Nang makaalis na si Gino sa Enchanted Hotel, iyon na ang huli nilang pagkikita ng dalaga dahil may biglang transaction ang binata sa Italy. Makikipag-ugnayan si Gino sa mga sindikato sa Italy para sa karagdagang seguridad ng kanilang organisasyon. {Makalipas ang dalawang linggo} "Transaction sa Italy" Isang madilim na gabi at gitna ng katubigan ang tagpuan ng grupo ni Gino at ang isang napakalaking sindikato sa Naples, lungsod ng Italy. Nakasakay sila sa isang malaking yate at ang mga pinuno ay napapaligiran ng kanilang mga tauhan. Nakalatag ang mga manahalin na inumin sa kanilang harapan. "I am pleased that you paid me a visit," nagagalak na pagkakasabi ng pinuno ng Camorra syndicate. "I require your assistance in safeguarding our organization, and I am confident in your capability t

