Habang nag aayos si Sanya ng mga damit ni Gino, naramdaman nito na lumapit sa kanya ang binata mula sa likuran niya kaya't bahagya siya napatingin dito.
" Bahagi din ba ito ng pag papanggap mo?," nakangising tanong ni Gino sa dalaga at matapang na hinarap siya nito.
" Alam mo?, Hindi ko alam kung ano ba ang sapak ng utak mo.pinagbibintangan mo ko Sa bagay na di ko alam." sa subrang inis ng dalaga ay nagawa niya ng makapag bitaw ng mga ganun salita.
Mas lalong lumapit si Gino sa kanya at nilagay nito ang braso sa leeg niya at napasandal siya sa wardrobe.
" Sinusubukan mo talaga ako?, alam mo ba?,Dito palang kaya kita patayin." pananakot ni Gino at nabigla siya sa ginawa ng dalaga dahil tinulak siya nito at napaatras siya ramdam niya Ang galit nito.
" kung takot ako mamatay, hindi kita ililigtas. Alam ko. pede ako mamatay sa ginawa ko pero di'ko kase kaya Makita ang isang taong mamatay na wala ko magagawa. kung alam ko lang na ganyan pala ka kagaspang Ang ugali mo at isa Kang criminal mind Hindi ko na sana niligtas ang buhay mo." Galit na galit Saad ni Sanya at nakalimutan niya na VIP guest ang kasusap niya
.
Nang aakmang lalabas siya, bigla siyang tinulak ni Gino sa kama . Subra subra ang kalabog ng dibdib niya.
Napahiga ang dalaga sa kama hindi niya na nagawang makabangon dahil biglang umibawbaw sa kanya si Gino at hinawakan nito ang dalawa niyang kamay paitaas. Hindi niya kaya ang lakas nito kaya't hindi siya makapiglas.Unti-unting nilapit ni Gino ang mukha niya sa dalaga.
" Oo Tama ka isa nga akong criminal mind," Nanggigil nitong sabi Kay sanya at ng Unti- unti niya pang nilapit ang mukha niya sa mukha nito na tila nagtatakang siyang halikan ito ngunit biglang umiyak ang dalaga...
" Huwag!, wag pakiusap pakawalan mo ko," Naiiyak na pagmamakaawa ng dalaga. nagulat si Gino sa naging reaksyon ng dalaga sa ginawa niya kaya binitawan niya ito."
"Agad-agad naman lumabas ng kwarto si Sanya habang pinupunasan nito ang luha niya..."
TILA nahimasmasan si Gino sa ginawa niya sa Kay parang tinutusok ang dibdib niya ng Makita niya ang mga luha nito.Muli siya bumalik sa comfort room upang basain ang mukha niya at bahagya nitong hinawakan ang dibdib niya..
"Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam ng ganoon ang binata at tila hindi na niya kaya ang pagbugso nito.
si Sanya naman ay agad nagtungo sa comfort room at dun siya umiyak, humarap siya sa salamin at pinipilit na pakalmahin ang Sarili niya.
"Bakit niya ako ginaganto? ano ba kasi ang kasalanan ko?" umiiyak na tanong ni Sanya sa kanyang sarili.
_______________________________________
"Bago pa man ang nakatakdang transaction ni Gino sa Midnight Syndicate, lihim niyang sinundan ang dalaga hanggang sa ito makauwi. Malayo niya itong natatanaw sa gabi na iyon."
"Nalaman niya kung saan nakatira ang dalaga. Hinintay niya lang itong makapasok sa loob ng tinutuluyan nito bago siya pumunta sa kanyang transaksyon. Nang makapasok na ang dalaga, agad pinatakbo ni Gino ang sasakyan niya upang tapusin ang transaksyon."
"Nang makapasok na ang dalaga, agad pinatakbo ni Gino ang kanyang sasakyan upang tapusin ang transaksyon."
"Hinanda ni Gino ang sarili at kasama nito ang kanyang mga tauhan sa isang abandonadong warehouse. Madilim ang paligid at tahimik."
Dalawang lalaki ang lumapit sa grupo nila Gino upang tiyakin ang dala nilang mga armas.
" Dala nyu na ba lahat ng armas?" Tanong ng Isang matabang tauhaan Mula sa midnight syndicate. agad agad Naman binuksan ng tauhan ni Gino at comportment ng van.
Nang lumabas si gino Mula sa ka'nyang sasakyan ay lumabas na din ang pinuno ng midnight syndicate.
" Maasahan ka talaga Gino" nagagalak na Sabi ng pinuno ng midnight syndicate
sabay kinuha nito Ang 45 caliber ng baril Mula sa comportment ng van nila Gino
" Huwag mo ikasa, nang hindi mo pa naabot ang Pera " Siryosong paalala ni Gino at ngumisi lang ang pinuno ng midnight syndicate at inabot nito kay Gino ang briefcase na hawak niya at agad ito kinuha ng tauhaan ni Gino.
" Mula noon hangang ngayon mahusay ka parin Gino natutuwa talaga ako Sa'yo".natutuwa nitong sabi Kay gino.
" Mag ingat ka sa baril na hawak mo baka pumutok Yan Sa'yo," TILA pang aasar ni Gino sa pinuno ng kabilang grupo at pumasok na siya sa kotse niya.Humalakhak lang ang pinuno sa sinabi ni Gino at hinayaan na nito makaalis ang grupo ng binata nang makuha na nila ang mga armas.
Naging matagumpay naman ang naging transaction nila Gino sa midnight syndicate kaya tuwang tuwa Si Mister Garcia sa ka'nyang future son in law.
Pagkatapos ng kanilang transaction ay agad nagtungo si Gino sa Hotel upang magpahinga na rin.
Pakiramdam niya masyado siya napagod ng gabing iyun.
Gusto niya ng makatulog pero naiisip niya parin ang mukha ni Sanya masyado na siyang nagugulohan. alam nito na nasaktan niya na ang dalaga,hindi niya alam bakit nakakaramdam na siya ng guilt sa mga ginagawa niya Dito.
Ayaw niya maramdaman ang bagay na yun takot siya siya makaramdam nang ganun.
Matigas ang puso ng binata at yun ang pagkaka kilanlan nito sa Sarili niya.
Hindi siya pede makaramdam ng guilt at awa mula sa ibang tao, dahil hindi Yun A
ang pagkatao niya hindi siya pedeng maging mahina dahil maapektuhan nito ang buong pagkatao niya.
"kinabukasan"
Maagang pumasok ang dalaga sa Hotel
kahit pa puro pagbabanta nalang Ang inaabot nito kay Gino.
Sa totoo lang ayaw niya na talaga makita ang binata pero Wala siya magagawa dahil isa tong VIP guest nila.
Wala siya magagawa kundi pakisamahan ng maayos ang binata.
" Kamusta naman ang pagiging personal concierge mo sa future son in law ng CEO natin Sanya? pag uusisa ng katrabaho ng dalaga.
" kalbaryo" maikling sagot ni Sanya at nilisan niya agad Ang katrabaho nya at nagtaka ito sa sagot niya kaya hinabol siya nito para usisahin.
" Teka ipaliwanag mo nga yung sagot mo
bakit may naging problema ba?
siguro ang pangit ng ugali niya? sayang ang gwapo niya pa naman." Pag usisa nito ulit Kay Sanya ngunit isang mariin na ngiti lang ang tinugon ng dalaga at nagpatuloy na siya maglakad palayo sa kanyang katrabaho.
Mag uumpisa na kase ang kanyang trabaho at kailangan nya ng mas mahabang pasyensya sa muling pag harap sa binatang si Gino
CONTINUE