Chapter 1

1754 Words
Binuksan ng bata ang pinto ng opisina at muli ako nitong hinila. Walang sekretarya ang humarang sa amin. Bakante ang mesa nito nang nasa labas pa kami kanina. "Daddy!" Binitawan ng bata ang kamay ko at tumakbo papunta sa mesa ni Sir Xander habang ako ay nanatili sa kinatatayuan at kinakabahan. "Hey!" Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. "Why are you here? Sinong kasama mo?" "Si Tatay Albert po." Sagormt ng bata. "You shouldn't be here. You're supposed to be in the house right now." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya nito sa makabilang pisngi. Ginulo naman niya ang buhok nito. "Ang tagal mo kasi Daddy e. 'Di ba, nagpramis ka na kakain tayo sa labas?" "Yeah. But I also told you that we'll going to have dinner once I'm done with my work right?" "I don't want to be in the house dad. Sad po doon." Nakangusong sagot ng bata at humalukipkip pa. Bahagyang kinurot ni Xander ang pisngi nito at muling ginulo ang buhok. Magsasalita na sana siya nang mapadako naman ang tingin niya sa akin. Parang nun lang niya ako napansin. Pinanlamigan ako dahil sa matinding kaba. "G-Good evening po Sir." "Who are you?" Seryosong tanong niya sa akin. "Jayvee po Sir." "No. I mean, what are you doing here?" "Ah k-kasi p---" "Nagpasama po ako sa kanya dito Daddy." Ang bata ang tumapos sa pagsasalita ko. Napatungo na lang ako habang kagat ang labi. Wala na akong narinig na nagsalita pagkalipas ng ilang sandali kaya tumingin ako sa kanila. Bumubulong pala ang bata sa ama nito. "You want him to be your nanny? He's not even a girl." Nakakunot na tanong niya sa anak. "But I want him dad. Please. I want him." "Look Xavier, he's one of my employee and he can't be your nanny. Hindi ganoon kadali iyon, okay? It's impossible!" Xavier pala ang pangalan ng bata. Kay gandang pangalan para sa isang gwapong bata. Napangiti ako sa kabila ng nararamdaman. "Daddy please, pretty please." "Why? Ayaw mo na ba kay Girly?" "Yes Daddy, ayaw ko na sa kanya. Nakakainis po siya. Atsaka inaaway pa niya ako. I don't like her anymore. Daddy please, I want him." Sa totoo lang ay wala talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila kaya kahit nakakabastos, nagpaalam akong lalabas na. "Mawalang galang na sa inyo Sir, pero aalis na ako." "Daddy... Please, please." Mukhang hindi nila ako narinig. "Fine. But I will not promise you, okay? I don't know if he'll agree with it." Muli akong napatungo nang dumako ang tingin sa akin ni Xander. "Jayvee, right?" "Y-Yes Sir." "Stay. We'll have a dinner later and I want to discuss an important thing to you." PAKIRAMDAM ko hindi ako makahinga kahit pa malakas ang aircon ng kotse ni Xander lalo pa't magkatabi kami sa harap. Kasama namin ang kanyang anak na nasa likuran ng sasakyan. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa isang restaurant. Wala akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin. May sasabihin daw siyang importante. Pero bakit pa namin kailangang pumunta sa isang restaurant para pag-usapan lang iyon? Litung-lito na ako. Hindi naging tahimik ang biyahe dahil sa nag-uusap ang mag-ama. Ako lang ang hindi nagsasalita. Magmumukha akong papansin kapag nakisali ako sa kanila kahit hindi ko siya nakitaan ng pagkasuplado tulad na lang ng sinasabi ng mga katrabaho ko tungkol sa kanya. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. Pagkababa namin ay agad na hinawakan ni Xavier ang kamay ko. Nakita ito ni Xander. Napatitig siya sa mga kamay namin pero hindi naman nagkomento. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. "Let's go." Parang gusto ko nang umalis nang nasa tapat na kami ng pinto ng restaurant. Hindi ako nababagay dito. Hindi ata kakayanin ng pera ko ang magbayad kapag dito kami kakain ngayon. "Tara na po." Hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin ako ni Xavier at sumunod sa kanyang Daddy. Umupo kami sa mesa na pang-apat katao. Katabi ko si Xavier at kaharap namin si Xander. "What do you want to eat?" Tanong ni Xander kay Xavier. Namili si Xavier mula sa menu na nasa mesa at sinabi ang mga ito sa kanya. Pagkatapos bumaling siya ng tingin sa akin. "How about you?" Halos mapasinghap ako nang tanungin niya ako. "Busog pa ako Sir." Pagsisinungaling ko. Magpapanggap na lang ako dahil nang makita ko ang presyo ng bawat pagkain kanina ay kamuntikan na akong nasamid. Kung iisipin, kulang pa ang sahod ko sa isang araw para ma-afford ang mga ganitong pagkain. "I know you did not take your dinner yet. Don't worry, ako ang magbabayad sa lahat ng kakainin natin." Saad niya. Wala na rin akong nagawa nang tawagin niya ang waiter at sinabi ang mga order namin dito. "So..." Tumingin siya sa akin. Bahagya akong tumungo, "habang hinihintay natin ang pagkain, I'm going to discuss my proposal." Proposal talaga? Ano kaya ito? Pakiramdam ko tuloy nakikipag-business meeting ako ngayon sa kanya. "Xavier wants a nanny," panimula niya, "and he wanted you to be the one. Gusto ni Xavier ng panibagong mag-aalaga sa kanya at ikaw ang gusto niya." Pagpapatuloy niya. Tagapag-alaga? "A-Ako po?" Nagtataka namang tanong ko sa kanya. Gagawin akong tagapag-alaga ng anak niya? Hala! wala akong karanasan tungkol diyan. Hindi rin ako nagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo para lang maging mag-alaga lang ng isang bata. Sigurado ba itong Boss ko sa sinasabi niya? "Yeah, he really likes you kaya gusto niya ikaw ang mag-alaga sa kanya." "Please Kuya Jayvee. Pumayag ka na." Napatingin naman ako kay Xavier nang magsalita ito. Nagsusumamo ang mukha nito. "See? He really likes you. If you'll agree to be his nanny, I will raise your salary three times than your regular." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Triple? Wow! Malaki-laki rin 'yon sa isang buwang sahudan para mag-alaga lang ng bata. Napaisip ako. May parte ng utak ko na gustong tanggapin ang alok. Nangangailangan ako ngayon ng malaking pera para sa pangmatrikula ng mga kapatid ko at pati na rin sa gastusin sa bahay. Subalit may parte rin ng utak ko ang sumasalungat. Wala akong masyadong alam sa pag-aalaga ng bata at ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko at ng ibang tao kapag tinanggap ko ang alok? Alam kong hindi rin sila papayag. Marahil ito na siguro ang pinag-uusapan ng dalawa kanina sa opis na hindi ko naintindihan. "I will not force you to decide right now and even accept the offer. I let you think first. If you want to go with it, just inform me." Muli siyang nagsalita. "Sige po Sir, pag-iisipan ko po." Tugon ko. Sana naman kahit hindi ako pumayag ay huwag niya akong sesesantihin. Mahirap na ang maghanap ng trabaho lalo na sa panahon ngayon. Bihira lang ang ganitong oportunidad at hindi rin naging madali ang pagpasok ko sa kanyang kompanya. "Please po kuya Jayvee pumayag ka na po." Pagsusumamong muli ni Xavier. "Pag-iisipan ko pa Xavier." Saad ko at ngumiti sa bata. "Let him decide kiddo. I told you, is not that easy." "Yes Daddy." May lungkot sa boses ng bata habang nakatitig sa akin. Napatungo na lang ako. Kailangan ko muna kasing pag-isipan ang bagay na ito bago magdesisyon. Hindi pwedeng magpadalos-dalos ako dahil baka pagsisihan ko sa bandang huli. Nag-iba ang topic matapos naming pag-usapan iyon. Panay ang interview sa akin ni Xander at nagkakadautal-utal pa ako sa tuwing sasagot sa kanya. Kalauna'y dumating na rin ang pagkain namin. Tahimik lang kaming tatlo nang magsimulang kumain. Panay ang pagpapasubo sa akin ni Xavier kaya hindi ako masyadong nakakakain ng maayos. Pero ayos lang din naman dahil natutuwa akong sinusubuan ang bata. Matapos kumain at makalabas ng restaurant ay nag-offer si Xander na ihatid ako pauwi ngunit tumanggi ako. Sobra ng pinakain niya ako ng dinner at hindi na niya ako kailangang ihatid pa. Dapat nga itong proposal ay sa office na lang niya sinabi. Subalit sobrang tuwa ko pa rin na mangyayari ito ngayon. Nakasama, nakausap at nakasabay ko pang kumain ang lalaking pinapangarap ko. Bumakas sa mukha ni Xavier ang kalungkutan nang magpaalam ako sa kanya. Kahit nasa loob na siya ng sasakyan ay nakatingin pa rin siya sa akin. Naawa naman ako rito. Ewan ko ba kay Xavier kung bakit gustong-gusto niya ako e ngayong araw lang naman kami nagkakilala. Nakahanap agad ako ng tricycle at tinawag ito. Sinabi ko muna sa driver nito ang address ko bago sumakay. Mabuti na lamang at malapit lang sa amin ang restaurant kaya hindi ako masyadong gagabihin. Nasa kalagitanaan ako ng byahe nang biglang tumawag si Mama. Umiiyak ito at halos hindi na makapagsalita ng maayos. Nagsimula akong kabahan. Pinakalma ko muna siya bago pinagsalita ulit. Nang sinabi niya na ang dahilan kung bakit siya umiiyak ay halos mabitawan ko ang hawak na cellphone. "M-Manong sa hospital ho tayo." Nanginginig na sabi ko sa driver. Nang makarating ng hospital, agad akong pumasok at dumeretso ng emergency room. Sa labas nito naabutan kong umiiyak si Mama pati na ang mga kapatid ko. Lumapit agad ako sa kanila at sinalubong ako ng yakap ni Mama. "A-Anak ang Papa mo." Basag na basag ang boses ni Mama habang umiiyak at nakayakap sa akin. Napayakap na rin ako sa kanya at napaiyak. Ikinuwento niya sa akin ang buong pangyayari. Pauwi raw si Papa nang mabundol ito ng isang van. Hit and run daw. Ngayon, pinaghahanap na ng mga pulisya ang driver nito. Mayamaya'y lumabas ang doctor mula sa emergency room at tinanong kung sino ang pamilya ng pasyente. Lumapit agad kami sa doctor at tinanong kung ano na ang kalagayan ni Papa. "Malala ang pagkakabundol ng pasyente at marami ng dugo ang nawala sa kanya. Ilang buto sa kanyang katawan ang naapektuhan. Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon dahil nagkakaroon na siya ng internal bleeding." Mas lalo kaming napaiyak dahil sa sinabi ng doctor. "Please Doc. gawin niyo po ang lahat para gumaling ang papa ko." "Ginagawa naman namin ang lahat hijo. Pero kailangan na agad siyang maoperahan at kakailanganin niyo ng daang libo o higit pa para masimulan na ang operasyon." "Simulan niyo na po ang operasyon ngayon din Doc." Tumango naman ang doctor at bumalik ng E.R. "Saan tayo kukuha ng ganoong kalaking pera anak?" Nanlulumong tanong ni Mama sa akin. "Ako na pong bahala. Gagawa ako ng paraan." Bukas na bukas din, kakausapin ko si Sir Xander at tatanggapin ko na ang inaalok niyang trabaho. Papayag na ako maging tagapag-alaga ng anak niya. Hindi na ako magdadalawang-isip dahil gagawin ko 'yon para kay Papa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD