"Good morning Jayvee." Isang bati ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. Si Xander. Napakalapad ng kanyang ngiti. "Magandang araw din po sir." Bati ko rin sa kanya at ngumiti. Ang sarap sa pakiramdam na sa paggising mo sa umaga na siya ang una mong makikita. "Prepare some clothes Jayvee. We're having an outing." Aniya. "Family outing." Family outing? Hindi talaga siya pumapalya na palaging pabilisin ang t***k ng puso ko sa tuwing kami'y nag-uusap. Pero mas hindi ko kinaya ang sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ako sa labi. Mabilis lang din iyon at bumitaw naman agad. "That kiss already made my day." Sabi niya at iniwan akong nakaawang ang labi. Ano ang ibig sabihin nun? Bakit niya ako hinalikan eh hindi ako nakakapagtoothbrush a

