Isang linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangyayaring iyon. Malinaw na naalala ko pa rin kung paano dumampi ang mga labi namin sa isa't-isa at pakiramdaman ko nakalapat pa rin ito sa akin lalo na kapag nag-iisa ako, walang kausap at walang ginagawa. Pero aaminin ko, namiss ko ang labi ni Xander. Katulad pa rin ito ng dati, malambot at... ano ba ang dapat na tamang salita. Masarap? May muli na namang nabuhay na kung ano sa aking sistema na matagal ko nang hindi nararamdaman. Mas naramdaman ko pa ito nang magdikit ang aming mga labi kesa sa pagkahawak lang ng kamay namin. Iniisip ko nga, bakit parang ang daya? Nasaktan niya ako noon, pero bakit sa pagkakadikit palang ng aming balat at sa pagtitig lang niya, naiibsan agad ang galit ko sa kany

