Angel's POV Matapos namin kumain ay umakyat na agad kami sa itaas ng rooftop. Nadama ko naman ang masarap na simoy nang hangin na tumatama sa aking mukha , napapikit naman ako ng madama ko ito "Oh imulat mo nga yang mata mo, baka madapa ka" "Psh, epaaaal" pabulong pero pabirong saad ko . Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa kanya. Whooo ! Ang sarap talaga ng hangin dito Agad naman naman akong pumunta sa gilid para tanawin ang ang mga bahay-bahay na nasa ibaba Tumabi naman sa akin si Paul at tinanaw niya rin ang mga ito "Mag-ingat ka naman, baka mamaya mahulog ka" "Lahat na lang Paul? , ikaw kaya ihulog ko?" Pabiro namang sagot ko sa kanya "Psh , matagal na akong nahulog, sayo nga diba?" Napangiti naman akong muli. "Nga pala , i kwento mo na" pag-iiba ko ng usapan tsa

