Jasmin's POV
Nandirito kami ngayon sa burol ni Ej .
Nandito na din ang kanyang mga magulang at mga kapatid . Labis silang nangungulila sa nangyari sa kanya .
"Nakikiramay po ako Gng. Cortez" nakita namin ang adviser namin na si Ma'am Cath.
Nandirito din pala siya , tumingin siya saglit sa kabaong at naupo na siya sa tabi namin.
Iilan lang naman kaming nandirito . Ako, si Saveena, Caryl, Adee, Marvin, Harreson at Michael.
hindi ko alam kung bakit hindi nakasama sina Heidi at Jhunrey .
Sabi ni Angel ay sasama siya , ngunit ilang oras na kami na naghihintayan ay hindi pa din siya dumarating . Hindi ko din naman siya ma-chat kase hindi naman siya open.
"May gusto pala akong itanong sa inyo ."
Saad ni ma'am .
Tumingin naman kami nina Saveena na parang nagtatanong kung ano ba iyon.
"Bago pala ako dumating dito ay nabalitaan kong may namatay din pala sa mga kaklase niyo dati ?"
Tanong niya
Napatigil naman kami at tsaka nagtinginan sa isa't-isa at dahan dahang tumango.
"Ano ba ang nangyari? Ano bang ibig sabihin nang ibang teacher sa facualty na malas daw kayo?"
Tanong niyang muli
Ngunit nanatili kaming tahimik kaya't napa buntong hininga na lamang si Ma'am Cath.
"Okay, hindi ko na kayo pipilitin pang mag kwento, hihintayin ko na lang kayo na mag-open sa akin . Tandaan niyo , adviser niyo na ako , kaya maari kayong mag kwento nang kahit na anong problema ninyo "
At pagkatapos nuon ay nanahimik na lang kami hangang sa binigyan kami ng makakain ng mga nag aabot duon.
Angel's POV
5 pm ang usapan namin na maghihintayan sa 7/11 kaya naman ay agad na akong humanap ng maisusuot .
Kumuha ako mg Black T-Shirt at black na palda
Matapos kong mag-bihis ay agad akong nakatanggap ng Text .
Teka? Sino naman to ?
Binuksan ko ang message at agad ay nanlaki ang aking mata sa aking nabasa.
'Angel! Tulungan mo ako , nandito ako ngayon sa parke malapit sa may school nanganganib ang buhay ko!"
Walang ano-ano'y agad akong sumakay ng trycicle upang marating ang parke malapit sa aming paaralan
Agad akong nag bayad sa mama at pumunta ng parke.
Teka? Bakit may table? At ...b-bakit may mga baloons ?
"Surprise"
Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko duon ang isang lalaki na nakatayo at nakangiti , may hawak rin siyang mga bulaklak.
"Teka? Anong meron?" Tanong ko sa kanya . Naka porma kase siya na akala mo ay makikipag-date.
"Hayst , diba nga sabi ko Surprise?"
At umarte pa siya na akala mo e na-dissapoint siya sa mga nangyari.
"Hoy Paul! Wala akong oras para makipag-lokohan sayo , nanganganib ang isa sa mga kaklase natin, halika hanapin natin siya" saad ko sa kanya .
Pero , nasaan ba yun? Sino ba kase yung nag text na yun? At bakit hindi manlang siya nakita ni Paul
Akma na sana akong aalis upang hanapin ang kaklase namin ay agad naman niya akong hinawakan sa braso.
Nagulat naman ako sa nangyari sapagkat hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awkward feelings , yung parang bang..... Hayst !
"Ano ba ? Bitawan mo nga ako" at marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko .
"Hayst, hindi ako makapaniwala na sa kabila ng pagiging palaban mong babae e napakamanhid mo naman" saad niya.
Teka? Ano bang sinasabi niya ? Inirapan ko na lang siya at tsaka luminga linga.
"Anong ginagawa mo ?" Tanong niya
"Sira ka ba ?! Mygahd! Sabi ko nga diba , nasa bingit nang kamatayan ang isa sa mga kak---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit .
"Hay naku! Hindi ka lang pala manhid. Napaka Slow mo pa"
Aba ?! Bastos to ah?! Nakakarami na siya ah?!
Inirapan ko na lang siya ulit
"Ewan ko sayo" at aalis na ulit sana ako ng bigla niya akong hawakan.
"Okay, fine. Walang nasa panganib okay? Wala , it's a plan. Pinlano namin to ni Sam"
Wait. What?!
"Anong sa--"
"Pina-text kita kay Sam para pumunta dito"
Letseng to!? Bastos talaga !
Inagaw kong muli ang aking braso at ...
"HAYOP KA ! LETSE KA ! KINABAHAN AKO KASE AKALA KO MAY NANGANGANIB NA ?!"
singhal ko sa kanya na siya namang ikinatawa niya .
Letseng to .
Pinahid niya pa ang kanyang mata na akala mo ay naiiyak na sa kakatawa.
"Okay, haha okay , haha fine ! Sorry na , sorry na Hahaha"
Saad niya na tatawa tawa pa , samantalang ako ay nakasimangot na nakatingin sa kanya .
Agad naman niyang inayos ang sarili at tsaka humarap ulit sa akin.
"Tulad nang sinabi ko , sorry , okay ? E ikaw naman kase e ! Inaaya kitang makipag date e ayaw mo naman"
Para namang nabingi ako sa sinabi niya .
"Anong Date?! Yuck! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo"
Sagot ko naman..
"Psh , hindi ka lang pala slow , ulyanin ka pa "
Aba't sumosobra na siya ha!?
Binigyan ko naman siya ng tingin na akala mo ay mangangain ako .
"Hoy, para sabihin ko sayo , wala kang ginawa para yayain akong maki pag date noh!? At kung sakali mang yayain mo ako ay hindi naman ako papayag!"
Singhal kong muli sa kanya .
Nakita ko naman na parang nalungkot siya .
Sus ! If i know ! Umaarte lang iyan.
"Hayy, sayang naman tong pinag planuhan ko , tapos .... Hindi manlang pala naapreciate .. Nung isa jan".
Sabi niya na patingin tingin sa mga dekorasyon sa gilid .
"H-Hoy, si-sino bang nag sabi sayo na makikipag date ako sayo ha?!"
"Tsk tsk. Grabe talaga, hindi na nga inapreciate. Sinisigaw-sigawan pa ako. Hayst"
Sabi nanaman niya na may pailing iling pa ang ulo.
Siraulong to , kung ano-ano pinagsasabi sabi .
Nag karoon naman ng kaunting katahimikan sa pagitan naming dalawa at ganuon pa din ang aming katayuan.
"Hay naku , makaalis na nga " saad ko naman
"Grabe talaga , hindi manlang talaga marunong umapreciate yung isa jannnn"
Parinig nanaman niya
"E ano bang gusto mo ?!"
"Makipag date ka nga sa akin!" Pasigaw din niyang sabi .
"Paanong date? E hindi mo manlang ako inaya!?"
"Ito na nga oh ?! Napaka taklesa mo naman kase "
"ANONG SABI MO ?!"
"Oh? Tignan mo , maninigaw ka nanaman "
Hmph!Kaya naman napatigil ako .
"Oh edi Sorry na !" Pa-sarkastikong sagot ko sa kanya.
Nakita ko namang lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay .
Hindi na ako pumalag baka mung ano nanaman ang sabihin ng hinayupak na to
"Angel, will you be my date tonight?" Maayos na sabi niya sa akin.
"Psh , ang arte "
pabulong na sabi ko at inirapan siya
Binitawan niya ang aking kamay at akmang aalis sana
"Hay naku ! Ayan ka nanaman e "
"Hahahahah joke lang! Sige na , sige na ! Payag na ako . Ito naman napaka ano "
Saad ko sa kanya .
Humarap naman siyang muli sa akin na tuwang tuwa ang mukha.
"Talaga ?! "
"Oo nga sabi e, bilisan mo at nagugutom na ako!"
Saad ko .
"YES! YeS! WHOoo Hahahah"
Tuwang-tuwa siyang nag tatalon at muli ay lumapit sa akin
"Thank's, any way halika ka dito" .
At sumunod naman ako sa kanya , tsaka niya ako pinag hila ng upuan .
At nang makaupo na ako ay umupo na din siya .
"For you "
Sabay abot niya sa akin ng isang bulaklak
"Thank's " sagot ko .
"Ahm nga pala , hindi ba masama yun? Pupunta na sana ako sa burol ni Ej e. Baka mamaya.."
"Nah. Don't worry , nag-sabi ako kina Saveena . Ewan ko lang kung sinabi kay Jasmin. Ito lang kase yung day na magagawa namin to e."
Sagot niya .
"E, kung ganun. Sino palang tumulong sa yo para i preapare tong lahat?"
Tanong ko , alam kong sinabi na niya kanina e , kaso hindi ko masyadong narinig .
"Ahh si Sam. Nag-patulong ako sa kanya , kaso umalis na siya e. Buti nga tinulungan niya ako for this " sagot naman niya .
Binuksan na niya ang mga nakahain at nag simula na kaming kumain.
Third Person's POV
Kasalukuyan ngayong pinapanuod ni Sam na kumakain ng masaya sina Angel at Paul, nasaksihan niya din ang parang aso't-pusang bangayan ng dalawa kanina.
Pinilit kase siya ng kaibigan na tulungan siyang gawin ang surpresa para sa dalaga sapagkat may nararamdaman ang kaibigan niya kay Angel .
Ngunit lingid sa kaalaman ni Paul ay may nararamdaman ding pag-sinta ang kaibigan sa dalaga.