Chapter 15:Truth

903 Words
Angel's POV Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am Mila ay agad din naman akong lumabas Bwesit na Mariang yun ! Bakit ba kami ang sinisisi niya ?! Agad naman akong nagtungo sa Rooftop ,siguro naman nanduon siya , dahil duon siya madalas pumunta . Pagkaakyat ko duon wala akong Jasmin na nakita Bababa na sana ako nang makita ko ang isang babaeng guro na nakatingin sa akin alam kong teacher siya dito kase suot suot niya ang uniform ng isang teacher. Saglit ko lang din siyang tinignan at tsaka bumaba ulit , bigla kase akong kinilabutan sa mga tingin niya . Pagkababa ko muli sa 5th Floor ay nakita ko namang palabas si Jasmin sa CR. Psh duon lang pala siya nagpunta . "Jas." Tawag ko at tumingin naman agad siya sa akin at tsaka ngumiti "Oi " tawag din niya sa akin lumapit naman ako sa kanya "Hay naku , alam mo huwag mo na dapat na pinapatulan ang isang yun, nababaliw na siya" saad ko Nakita ko naman na napatawa siya nang kaunti "Hindi ko naman yun ang ina alala ko e" Sabi niya , tumingin naman ako sa kanya na parang nagtatanong kung ano ba ang problema "May sasabihin ako sayo" Sabi niya "Pero huwag tayo dito" Tsaka siya bumaba ng hagdan at ako naman ay sumunod na lang . Brix's POV Naiinis ako kay Marvin, ano ba ang gusto niyang palabasin ha ?! Na kaya nangyayari ang lahat nang ito e dahil sa patay na yun ?! Psh Hindi ko alam kung sinisisi ko si Jasmin sa Pagkamatay nina Genea at Jhorene , may parte sa utak ko na Oo pero may parte din naman na baka tama nga si Marvin. Pero IMPOSIBLE! napaka Imposible na bumalik pa siya para lang patayin sina Genea, o para Patayin kami Natigilan naman ako sa paglalakad nang makita ko si Thea na kalalabas lang ng Cr nilapitan ko siya at agad naman niya akong nakita at tska inirapan. "Oh, bakit parang umiyak ka ?" Ngiting pansin ko sa kanya "Wala kang pake!" Singhal niya sa akin tsaka akmang aalis sana pero hinawakan ko ang braso niya "Ano ba !? Bitawan mo nga ako !" Pero hindi ko siya binitawan , nagulat naman ako ng bigla siyang umiyak. Kaya inilapit ko siya sa akin at tska niyakap, niyakap din naman niya ako " n-natatakot ak-ako Brixx" hikbi niya sa akin, alam kong natatakot siya sa mga nangyayari. Kahit pala napakataray ng pinapakita niya sa amin e may kahinaan din pala siyang tinataglay at ngayon , pinakita niya sa akin yun Hinagod hagod ko na lang ang kanyang likod hangang sa tumigil na siya at umupo naman kami sa sahig "Alam kong may misteryo na nangyayari sa atin" sabi niya sa pagitan ng tahimik na paligid kanina. Nanatili naman akong tahimik "Hoyy, ano ? Wala ka manlang sasabihin?" Napatawa naman ako ng kaunti "Ayoko kaseng maniwala na dahil sa atin kaya nangyari ito kina Jhorene at Genea" sagot ko naman "Ako din, ayoko talagang maniwala na binabalikan niya tayo, na....na siya ang gumawa nito , kase imposible diba? Kaya , kaya naman pinipilit ko ang sarili ko na si Jasmin nga ang may kasalanan" At muli ay umiyak nanaman siya . "Ahh , kaya pala sinisisi mo din si Jasmin" natatawang sabi ko at binigyan naman siya ng panyo agad naman niya itong kinuha at pinunas sa kanyang mata . 'Aaaaaaaaaaaakkkkkkk' 'Aaaaaaaaaaaakkkkkkk' Bigla naman akong nakarinig ng ganung tunog , napalinga linga ako sa gilid kung saan ba ito nang-gagaling dahil kakaibang tunog ito . Napatayo naman kami pareho ng biglang, nagpatay-buhay ang ilaw sa hallway . "Brix, a-anong nangyayari?" Sabi ni Thea na ngayon ay nasa likod ko na Hindi ako sumagot , dahil natigilan ako ng makakita ako ng isang katawan ng lalaki na nakatayo sa dulo ng hallway , hindi ko masyadong maananigan ang kanyang itsura pero alam ko na siya yun, at hindi ko alam na ganito ang pakiramdam nang takot na takot "B-brix! si-siya si an-" Hindi na natuloy pa ni Thea ang sasabihin dahil bigla na lamang namin nakita ang mukha ng lalaki sa harapan namin na nakatayo , sobrang kilabot na ang nararamdaman ko at bigla na lamang nito hinawakan ang aking leeg "Brix!" Sigaw ni Thea pero nagulat na lang ako ng biglang lumipad ang katawan niya at tumama sa salamin ng bintana at nabasag ito, duon ay nahulog si Thea Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko ngayon , wa-wala siyang mata ! P-paanong-paanong nangyari ito?! "Magbabayad ka !" At lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa akin, at dahil duon ay nahirapan na akong huminga at tsaka niya ako binitawan sa sahig. Angel's POV Nagulat naman ako sa mga sinabi sa akin Jasmin , kaya pala nasabi niya nuon na nakita niya si Genea kase nakita niya daw ito bago nahulog sa ibaba akala ko kase gumagawa lang siya ng kwento upang masabi na hindi nga kami ang tumulak sa kanya At ganun din daw ang nangyari kanina , dahil nakita din niya si kanina si Jhorene pero patay na pala kahapon pa "Hindi kaya , nakikita mo kung sino na ang mamatay ?" Saad ko Ngumiti naman siya pero alam kong may halong lungkot iyon "Sa tingin ko nga , dahil meron pa akong ibang nakikita" Kinabahan naman ako sa sinabi niyang iyon. Magsasalita na sana siya ng bigla kami nakarinig ng isang tunog na nabasag , at napatingin kami sa 2nd Floor , at duon ay talaga namang nanlaki ang aming mga mata dahil isang babae ang nahulog at nag-mula duon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD