Chapter 15: Court, Real, Love

2423 Words
Third Person's POV "galit ako!Galit na galit!Lahat nalang kinuha niya! Galit na sinabi yun ng isang tao na may karapatan namang magalit talaga. Sino ba naman ang hindi magagalit sa isang tao na kinuha na sayo lahat? Bahay. Pamilya. Pera. Pati ba naman ang babaeng mahal niya kinuha niya. "Gusto ko siyang patayin!Gustong gusto!Pero parang sinabi ko na rin na binuwag ko ang grupo na matagal ko nang mahal! Alam niyang gusto na niyang gawin yun pero ayaw niyang mawalan ng iba pang mga kaibigan nang dahil dun.Ayaw niyang mawala ang nag-iisang pamilya na naiwan sakanya. "Then, follow me! Yun ang sabi ng isang tao na kausap niya. **** Filliane's POV He just kissed me and said that word again. And now here I am kasama siya na nakaupo at nakaharap sa buong paligid.Yakap yakap niya ako at hawak hawak ang kamay ko saka nilaro laro yung mga daliri ko. And I find it really sweet para gawin niya yun sakin. I love this position of ours! "Naniwala ka ba sakin nung sabihin kong mahal mo ko?Tanong nito bigla na nagpatigil sakin. Naniwala nga ba ako? I just shrugged, "Nagulat ako syempre pero sa tingin ko sapat naman nang pinakita mo para maniwala ako?Pero I still dont know how and what to react about it.Mahirap kasi its my first time." sagot ko sa tanong niya. "But please kahit mahirap......pwede bang mahalin mo rin ako?I am so desperate to have you, baby. Sabi niya na nagpatigil na naman sakin. Kailangan pa ba talagang umabot sa ganyan na mahirapan ako at mahirapan siya? "Ang ganda mo kasi yan tuloy nahulog ako!bigla na naman niyang banat na nagpatawa na naman sakin. Napapansin ko lang na nagiging mabanat na siya sa nagdaang araw.Tsk! "Pero ano nga....ano kaya mangyayari sating dalawa for the next two years no?Are we still together or hindi na? Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot sa sinabi niya.Hindi na? Bakit ganito? Bakit parang nasasaktan ako sa ideyang yun? "But kahit anong mangyari ikaw parin talaga, Baby.Ikaw lang! Sabi niya na nagpatigil sakin saka nagpangiti. I held his hand and hinawakan yun ng mahigpit. "Dont make a promise.Yun ang pinakaayoko sa lahat.I said saka pumikit. "But can I court you?Bigla na naman niyang tanong na ikinagulat ko.Minulat ko ang mga mata ko sa sobrang gulat. Ako?Liligawan niya? Ilang saglit bago ako nakabalik sa realidad.Nakatingin lang siya sakin at naghihintay ng sagot. "But tayo naman ngayon diba?Tanong ko pa dito saka umiwas ng tingin. "But I want it to be real this time.bigla niyang sagot. He want us to be real? Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti sakanya nang tumatango. Kitang kita mo naman ang ngiti niya habang nakatingin sakin. I hope what I am feeling right now can make us happy both! **** Nash's POV "I'll fetch you tomorrow, baby.Okay?Sabi ko dito. Andito ako nakapark nang hindi masyadong malayo sa bahay nila since andyan daw yung mga magulang niya. "Wag na, andyan sila mommy.Kita nalang tayo sa school.sabi niya at nginitian ako. Pero bago siya lumabas ay agad ko siyang hinawakan sa kamay saka dahang dahang lumapit at hinalikan ito sa labi. Nakita ko naman siyang napangiti at saka lumabas na sa kotse ko. One day I can tell her parents that I'm her boyfriend! **** Filliane's POV Pagpasok ko sa bahay ay mabuti nalang at andun si yaya.Nagmano naman ako kaagad dito. "Ay nakong bata ka!Bat ngayon ka lang?hinahanap ka pa naman ng mga magulang mo kanina pa!Sabi ni yaya na nagpangiti sakin. "May importante lang po akong ginawa yaya, asan ho ba sila?Tanong ko nalang. "Nasa kwarto na nila.Nang tanungin nila kung asan ka sinabi ko nalang na natutulog ka na sa kwarto mo at ayaw magpaistorbo!Mabuti nalang at naniwala rin. Napangiti nalang din ako.I'm blessed to have her as my yaya. "Thank you yaya, I love you po.Mauna na po ako.Maaga pa po ako bukas eh.Sabi ko dito at humalik sa pisngi saka dahan dahang pumanhik sa taas. And thank God malayo ang kwarto ko sa Master's Bedroom nila mommy at daddy!Kundi baka patay na ako ngayon! Pagpasok ko sa kwarto ay napahinga kaagad ako ng maluwag saka sumilip sa bintana at pinailaw yung flashlight na binigay niya sakin kanina. But its not just an ordinary flashlight kasi ang kulay ng umiilaw ay pula at hugis puso ito at para tong couple flashlight kasi kapag pinailaw mo to ay iilaw rin yung nagmamay-ari ng kapares nito. Thats what he told me to do kanina.He just wanted to know if okay na ba taalga ako o hindi at wala namang masama para dun. This day is so special for me.For the first time, I let a guy court me.And unexpectedly that guy is the special guy for me. ***** Nang makarating na ako sa school ay agad kong nahagip ng tingin si Nash na nakaupo sa harapan ng kotse niya at parang may hinihintay. I just smiled saka bumaba ng kotse. "Thanks kuya!Sabi ko sa driver namin at lumabas na. I walk towards him smiling nang biglang lumingon ito at nginitian ako bigla. That smile is so special. Nang makalapit na ako ay bigla niya akong hinapit sa bewang at napalapit naman ako sa kanya.Hindi na rin ako nagulat masyado nang bigla niya akong hinalikan.I just smiled and pinch his cheeks. "Morning, baby!Sabi nito na nakangiti pa. "Morning, baby?Parang patanong kong sabi na nagpatawa naman saming dalawa. "Lets go?aya nito na agad ko namang tinanguan. And as usual hinawakan niya naman yung kamay ko at pinaglaruan na naman yun habang naglalakad kami sa hallway. "Hala! "Ayan na naman sila! "Sila parin bang dalawa? "Akala ko.....? Napangiti nalang ako dahil sa narinig.Anong akala nila?Na wala na kami? "Stop smiling kung hindi rin ako yung dahilan ng ngiting yan. Sabi nito kaya napangisi pa ako and I pinch his cheeks. "So ako ang nasa isip mo kaya ka ngumingiti diyan?out of the blue naman niyang tanong na agad ko lang namang nginitian at tumingin na sa daanan. I guess I need to know what I am feeling right now. Nang makapasok sa classroom ay nagulat kami ng may babaeng biglang lumapit samin at sinampal ako.At sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakareact. Nakita ko namang naalarma si Nash nang dahil dun.Agad niyang nilapitan yung babae saka medyo tinulak palayo sakin. "What the f*ck are you doing to my baby?Tanong pa ni nash at rinig na rinig mo ang lutong ng pagkakamura niya. "You!Sabi nung babae at tinuro ako.At dun na ako nakabalik sa realidad. Hindi ko namalayan na nasampal ko na rin pala ito na naging dahilan ng pagsinghap ng lahat. Bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na kaagad ako. "Dont you dare slap me that hard b***h!I dont even know you!Sigaw ko dito. "How dare you?sasampalin na naman niya sana ako nang hawakan ko ang kamay niya at tinulak siya. "Kung may sama ka ng loob sakin wag mo kong daanin sa ganyan!Hindi ako umuurong sa ganyan eh!Baka pagsisisihan mo pa!Sabi ko pa sakanya at tinaasan siya ng kilay. "You know what?Sobrang sama mo!You made him like that!Ikaw ang naging dahilan kong bakit wala na kami!Ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi ko siya makausap ng matino. Sigaw niya at napailing pa at yumuko. "Sino ka ba para ganyanin siya?Sino ka ba para pahirapan siya ng ganun?He broke up with me at parang binasura yung apat na taon na naging kami at sino ka para maging dahilan nun?Sigaw na naman niya sakin na nagpatigil sakin. Sinong siya ang tinutukoy niya? "Gusto ko na sanang maawa sayo, alam mo yun?Pero naisip kong ang tanga mo lang at bat ako tung sinusumbat mo.Eh wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi si Nash lang!Wala naman akong ibang kahawak kamay, ibang kasabay, ibang kalaro at ibang kasama araw araw kaya bakit ako ang tinuturo mong may sala kung bakit nasayang yung sa apat na taon niyo?Bakit?Hindi mo lang ba natanong sa sarili mo na baka kaya ka iniwan kasi ang tanga mo lang?Sabi ko dito.Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko ngayon.Ito ang pinakaayoko sa lahat.Ang magalit na ako dahil hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. Hindi ko alam pero nakita nalang namin siyang tumatakbo palayo samin.Lumingon ako kay Nash at naalarma naman ako nang mukhang wala ito sa sarili. "Hey babe!sabi ko dito at hinawakan ang kamay niya. "Babe... Sabi niya at ngumiti sakin pero yung ngiting yun.Hindi katulad nung binibigay niyang ngiti sakin. Pero bat nagkakaganito?Ano yun?Anong ibig sahihin nun? Nash's POV Hawak hawak ko lang ang kamay ni Filliane habang nakaupo kami dito sa loob ng classroom. Kanina pa nagtuturo si maam sa harapan pero wala akong maintindihan. Totoo bang wala na sila? Pero bakit ganun? Bakit niya sinayang ang apat na taon? Ganun niya nga ba talaga siya kamahal? Alam kong alam ni Filliane na wala ako sa sarili ko pero mabuti nalang at hinayaan niya lang ako na maging tahimik. I'm sorry filliane!I promise na aayusin ko lahat to. If it means one thing na ikaw ang makasama ko, gagawin ko lahat at lalaban ako! Mahal kita, Filliane! ***** Filliane's POV Saturday Ang dali lang ng panahon.And guess what?Dalawang araw nalang matatapos na ang deal namin.Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.Magiging masaya ba?O malungkot?Iiyak?O tatawa? Simula kasi nung araw na yun parang wala na sa sarili si Nash.Hindi ko alam kung bakit pero hindi narin lang ako nagtanong kasi kung gusto niya namang malaman ko ay sasabihin niya yun ng kusa. And now I'm here at my room.Nakaupo habang naghihintay ng tawag niya. Alam niyo ba yung feeling na tipong hindi mo lang siya makita at makausap ng isang araw malulungkot ka na?Kasi naman eh!Ilang buwan ko narin siyang kasama araw araw at nasanay na ako na nandyan siya. Pero ngayon hindi parin kasi siya tumatawag o magparamdam man lang. Ganun ba talaga siya kabusy ngayon? Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis saka padabog na nilagay yung cellphone ko sa table ko at pumasok na sa cr and did my thing. Mabwibwiset lang ako dito!Mabuti pang pumunta muna ako kina Cara at Nichole. **** "So, sinasabi mong parang may impact yung babae kay Nash? Tanong ni cara. And yes andito na ako sa bahay nila cara kasama si Nichole. I just nodded and humiga na dun sa may duyan."Ewan ko ba pero hindi magaan ang pakiramdam ko sa mga nangyayari ngayon.Yung tipong parang ako lang ang walang alam?Yun yun eh!At nakakainis!Sabi ko pa sakanila saka napapikit. "Eh baka naman may importante lang talagang ginagawa ang tao, filliane?sabat naman ni Nichole. "I understand that pero simula nung araw nayun ang busy niya na!Hanggang ngayon pa rin ba?Diba?Sabi ko pa. "So nagseselos ka dun sa babaeng yun?Tanong bigla ni Cara na nagpatigil sakin. Ako?nagseselos? NO WAY! "Hindi ako nagseselos!Hindi ako madaling magselos!Sabi ko pa. "Sige nga kung hindi ka nagseselos eh bakit ganyan ang nararamdaman mo?Tanong pa nito na parang may dinidiin na gustong malaman. "Ewan ko!Baka nainis lang talaga ako!Dagdag ko pa. "Naiinis?Eh saan?Sa pagkompronta sayo nung babae?O yung biglang pagbabago ng ihip ng hangin nung lalaking yun?Sabat naman ni Nichole. Tsk!So Ako hotseat ngayon?Bwiset! "Wag niyo akong bigyan ng malisya na ganyan!Naiinis lang ako sa paraan na hindi ko alam!Bwiset kasing buhay to eh!Sabi ko pa nang nakapikit parin. "Pero bakit hindi mo alam?Eh naiinis ka lang naman pala?Sabi pa ni Cara at nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko."alam mo, filliane?I have two exes and alam ko na ang ganyang nararamdaman.Naiinis ka kasi biglang nagbago si Nash nang araw na yun hanggang ngayon at naiinis ka kasi para sayo parang wala ka na para sakanya at parang yung babaeng yun na ang inuuna kahit hindi mo naman talaga alam.Inshort, nagseselos ka!at wag ka nang magkamali pang umangal.Ganyan rin ako nun eh!natatawa pa nitong sabi na nagpatigil sakin. So confirmed? Nagseselos ako? Bwisetttttt! Bat ako nagseselos? Waahhhhh! "And it means one thing!Na nagsisimula ka nang magkagusto sa lalaking yun!Biglang sabat naman ni Nichole at narinig ko pang nag-apir ang dalawa. What? Ako? Nagkakagusto na sakanya? Paano? Kailan?Saan?Bakit? ***** Umuwi nalang ako ng bahay hindi parin siya tumatawag na mas nagpabwiset sakin.Ewan ko nga sakanya! Pero totoo ba talagang may gusto na ako sakanya? Totoo bang nagseselos ako? Pero bakit?Kailan?Paano? Hindi ko na alam ang dapat isipin ngayon kaya napatampal nalang ako sa noo ko at yumuko. Ayoko ng nararamdaman kong to! Ayokong magselos! Pero bakit hindi ko mapigilan? At hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa nararamdaman ko. ***** "Baby...biglang tawag ninuman.Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napaiwas nalang ng tingin ng makitang andito pala siya. Napatingin ako sa veranda.Dun siguro siya pumasok.Nakita kong gabi na. So ganun siya ka busy at natagalan pa ah? Bumaling ako sa ibang side at pilit parin na matulog. Ayoko siyang makausap!Nabibwiset parin ako! "Babe...tawag na naman niya at naramdaman ko nalang na yakap yakap niya na ako nang patalikod. "Babe naman eh...Sorry na...bulong pa niya habang nakayakap parin sakin. Hindi ko parin siya pinansin dahil nagtatampo ako sakanya. "Babe... Sabi niya at isinuksok yung ulo niya sa leeg ko na nagpatinag sakin. "Nash, stop that!Sabi ko at tumayo na. Nakita ko naman siyang nakayuko. "Sige, matulog ka na ulit.Kakausapin nalang kita kapag hindi na mainit yang ulo mo.  Sabi niya na naging dahilan kaya ako nakaramdam ng guilt. At hindi ko nalang na namalayan na habang naglalakad na siya palayo ay agad akong tumakbo at niyakap ito patalikod. Now, I'm doomed! "Bat ka kasi hindi nagparamdam buong araw!Sabi ko dito nang nakayakap parin ng patalikod. "I'm sorry baby. Sabi nito at hinarap ako saka mahigpit na niyakap. "Wag mo na ulit gagawin yun ah!Nabwiset kaya ako nang dahil dun!Sabi ko dito at napangiti nang kurutin nito yung pisngi ko. "I love you. Sabi niya at naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa noo ko which I really find sweet. Now, I really dont know kung ano nga talaga ang nararamdaman ko towards him! But I guess malalaman ko rin yun pagdating ng tamang araw. And I wish, kung pwede tama nalang yung sinabi nila Nichole at cara kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD