Filliane's POV
Monday
After that scene na magkatabi kaming matulog ay mas napalapit kami sa isa't isa.He even cooked for me nung sunday saying na lumabas nalang daw siya sa bintana at nag act na kakatok palang sa gate.
Napatawa pa nga ako nang kwentuhan niya ko kung pano siya nakita ni yaya at hinayaang magluto sa kusina.
Pero ang saya ko nun dahil nagising ako na masarap ang pagkain like ya know what I mean.
And now here I am, sa room ni Nash at sinamahan itong nanonood ng TV.Tsk!Hindi naman kasi ito nanonood dahil pinaglalaruan nito yung kamay kong hawak hawak niya.
Tsk!mukhang bata talaga!
"Babe, lutuan mo naman ako! Sabi pa nito habang nilalaro yung kamay ko.
Napasimangot nalang tuloy ako."Hindi kaya ako marunong!Sabi ko pa.
Napatawa naman ito at tumayo saka umalis pero nagulat ako nang bumalik ito at hinalikan ako sa noo which I find very sweet.
Tug tug
Bwiset na pakiramdam to!
****
Afternoon pa ang class namin kasi may ginagawa ang mga teachers ngayon kaya eto kami ngayon magkahawak kamay na naglalakad papuntang classroom.I even saw Nichole and Cara smiling at us or should I say grining at me.
Nakangiti ako dahil ang gaan sa feeling lang na kasama tong ugok na to.
"Hey, stop smiling mukha kang baliw eh!bulong pa nito sakin.
"But, I cant help it!Youre making me smile babe!Sabi ko pa.
Ang straightforward kong tao!
"Really, huh? Sabi pa nito at pinaglaruan na naman yung mga kamay ko na hawak hawak niya.
Sht!
"Bakit ba pinaglalaruan mo yang mga kamay ko?Nagiging habit mo na yan ha!Sabi ko pa.
"Ayaw mo ba?
Ay leche.Nagpout pa ang p*ta!
"Stop it" natatawa ko pang sabi.
"What? Tanong pa nito.
Napatawa nalang tuloy kaming dalawa nang magkatinginan kami.
This guy never failed to make me laugh!
****
Naghihintay lang ako dito sa classroom na bumalik si nash since may kukunin lang daw siya ng biglang may mga babaeng pumasok sa classroom namin.
Hindi ko nalang sila pinansin ng mabigla ako dahil.....
......basang basa ako at take note!Ang baho baho ko!
Napalingon tuloy ako at nakitang pinagtatawanan na ako nung mga babae.
Kaya pala pumasok sila?
Pero bakit?
"Ayan!Basura ka na!Sino ka ba kasi para isipin na mamahalin ka talaga ni Nash?Tanong nung babaeng parang clown na ang mukha sa daming kolorete nito.
So dahil kay nash kaya ganito?
"Oo nga!Saka ang baho mo nga eh!Napatawa naman yung isa.
Hindi ko alam but feeling ko napakawalang silbi ko ngayon dahil wala akong nagawa para ipaglaban ang sarili ko sa mga babaeng nasa harapan ko.
"Sh*t!
At dun na tumulo yung mga luha na sobra kong pinipigilan.
I dont know why I am acting like this!I really dont know!
****
Nash's POV
Hindi ako mapakali habang nakikita ko siyang umiiyak parin.
Stupid nash!Bat mo kasi siya iniwan kanina?
Alam ko naman na ganun talaga ang mga nangyayari sa mga past girlfriend ko pero I still left her.
And now iyak parin ito ng iyak at ang nakakabahala pa ay walang lumalabas na tono sa bibig nito.Pero patuloy ang pag-agos ng luha sa mukha niya.
Niyakap ko ito para naman mapagaan ang loob niya.
I called one of my maids to change her clothes dahil ang baho na nito at sure akong mas iiyak siya kung nakaganun.
But pagkatapos nun ay umiyak parin ito at hindi parin tumitigil hanggang ngayon.
"Hey, stop crying please!Sabi ko pa habang nakayakap dito.
Stupid, Nash!
*****
4 days came....
Filliane's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka get over sa nangyari.Thast was my first time na hindi ko naipaglaban yung sarili ko sa harap ng ibang tao and I felt ashamed and betrayed because of that.
Kaya ang resulta?Hindi ako pumapasok.
Ini-excuse ko nalang na may sakit ako.
And speaking of Nash eto siya ngayon sinamahan ako sa kwarto ko.Hindi alam nila yaya na nandito siya since hindi talaga pwede.
Ewan ko ba kung bakit andito to.Ayaw niya na daw kasi akong iwan at baka may masamang mangyari na naman daw.I told him na overreacting lang siya but he told me na mas uunahin niya daw yung safety ko.
Tsk!
"Kain ka na muna oh!Sabi pa niya and sinubuan pa ako.Ayaw ko sana pero sure ako na pipilitin na naman niya ako kaya hindi nalang ako umimik pa.
Nagulat ako nang bigla itong lumapit at hinawakan ang mukha ko.
Tug tug tug
Nag-init bigla yung mukha ko sa nangyari.Sh*t!Kainis!
At take note nakangiti pa talaga ang ugok ha!Tsk!Super duper conceited talaga sa sarili.
"Stop smiling, tsk!
"I cant lalo nat andito ka kasama ko na nasa harapan ko pa. Sabi nito na nagpangiti sakin.
Wtf?Wala talaga akong kawala sa kanya no?Bwiset na buhay to!
"Ayan napangiti rin kita!Wag ka kasing nakasimangot!Hindi bagay sayo! Sabi pa nito at ilang saglit lang ay napatawa kaming dalawa ng hindi sa malamang dahilan.
Pero bakit ganito?Ang dali ko lang naattach kaagad sa kanya.
But it's been 1 month simula nang makilala ko siya and naging boyfriend as part of our deal and I cant help but to be attached that much to him.
Sino ba naman ang hindi eh ang gwapo niya, ang galing magluto, palangiti ngayon tapos maalaga.At talagang napapangiti niya ko sa nagdaang araw na naging kami.
I dont know but I cant say na nafafall na ako sakanya pero masasabi kong sobra na rin akong naattach sa kanya.
The way he smiles, his adorable eyes, his long nose, and his.....kissable and soft lips na kayrami ko nang naramdaman sa mga labi ko.
"Baka mafall ka na niyan sakin ah?tanong pa nito sakin kaya napailing nalang ako.
"Shut up!Sabi ko nalang at tumawa naman ito at ininis pa ako.
Walangyang bwiset na lalaki to!
*****
Ilang araw ang nakalipas at eto ako ngayon pumasok na ulit.Baka pagalitan pa ako ni mommy at daddy pag nalaman nilang ilang araw din akong umabsent dahil lang sa pesteng scene na yun.Tsk!
"Tara?Tanong nito na nakahawak na naman sa kamay ko.
Tsk!Palagi nalang kaya yang nakahawak sa mga kamay ko.And take note, pinaglalaruan niya to na parang siya yung bata na naglalaro sa kanyang laruan.And I can say na ang sweet niya sa tuwing gagawin niya yan.
Ang gwapo ng boyfriend ko.
But it hits me.He's not even mine.Its just a pretend deal at ilang araw nalang ay alam kong matatapos na rin yun.
2months
Yun lang naman kasi ang deal namin and I am just going with the flow sa mga oras na to.
Weve been together because of the deal for one month and ilang weeks nalang matatapos na ang deal at kasabay nun ang pagiging sekretarya ko sakanila.
Yeah, he extended the secretary thingy since talagang kailangan daw nila yun!
I wonder how will they react kung wala na ako.Wala na yung secretary nila?Malulungkot kaya sila?Hmm...I dont know pero ako kasi nalulungkot.
"Mind telling me kung anong iniisip mo?"Tanong pa nito.
"Wala naman." Nakangiti ko pang sagot para naman di na siya magduda pa.Alangan naman kasi kung sabihin ko na mamimiss at malulungkot ako kapag matatapos na ang deal, diba?Nakakahiya naman kung ganun!
"Date tayo later?" Bulong nito habang nilalaro na naman yung mga daliri sa kamay ko.
Nag-init naman din bigla yung mukha ko dahil sa narinig.
"Sure." I just said with a smile.Mabuti naman at magaling akong umacting kundi nako talaga!
****
Nang matapos na ang klase ay agad nito akong hinila palabas na mukhang excited na excited pa talaga.
Why is he acting like this?
Pero kahit ganun ay napangiti nalang ako sa inasta nito. Napaka childish niya.
Sa isang buwan na magkasama kami, I can say na pwede siyang maging "THE CHILDISH NASH", "THE DRAGON NASH", "THE SWEET AND CARING NASH" and last one is "THE BIPOLAR AND MOODY NASH" na nauuwi sa pagkasweet at pagpapalambing.
Really, huh? Ganito pala tong ugok na to. May mga tinatago rin pala siya sa buhay.
At ngayon siya ang THE CHILDISH NASH dahil napakachildish niya talaga ngayon.
Napatampal nalang ako dahil sa kakyutan niya.
I thought boring ang magiging deal namin pero it turns out na dahil sa kanya nagiging masaya ako.
"Halika naaa!" Tawag pa nito sakin at hinila na naman ako papuntang parking lot.
Childish boy!
****
Guess kung nasan kami ni nash?Well, andito kami sa kotse niya at hawak hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya.
I smiled because of his gestures.
"Sure akong magugustuhan mo ang pupuntahan natin!" Sabi niya kaya naexcite din naman ako bigla. But how come alam niyang magugustuhan ko ang pupuntahan namin?
***
"Hey, wake up! We're here already!" Panggigising pa ng isang tao sakin. Napamulat naman ako at nagulat nang makitang sobrang lapit niya sakin. As in napakalapit na nararamdaman ko na yung hininga niya sa mukha ko. Shocks!
Tug.tug.tug
That shitty feeling again!
"Ahh...eh." tumingin nalang ako sa gilid ko to ease the awkwardness. At nagulat nalang ako sa nakita.
How come he knows that this is one of my favorite places?
"Lets go?" Tanong niya at inilahad ang kamay ko kaya napatingin din naman ako dito at napangiti saka inabot.
He's holding my hand again.
Napatingin ako sa buong paligid. And when infact its already night and then we're here at the top of the hill and then we can see the view and my very favorite part........the moon!
I really love its view. The way how the moon lights the dark places really really amuses me.
Thats why this is one of my favorite places.
"This place is......breathtaking." I said while smiling.
"I told you, you'll love this place."He said and I saw him at my peripheral vision, smiling while looking at me.
I sat at the rock near me at tinignan ang paligid.
"Are you hungry?" Tanong nito.
Napatingin ako dito at napangiti."Do we have foods?" Tanong ko pa pero nagulat ako ng makita yung nasa likod niya.It was a big......treehouse!
Ang dami pa nitong ilaw that makes it more a nice view.
Napatingin naman ako kay Nash nang tumingin ito sakin at itinuro ang Treehouse like he's telling some........oh sh*t!
Naghanda ba siya ng dinner diyan para saming dalawa?
Tug Tug Tug
Arghhh!
Napangiti tuloy ako sa nakita at naisip. How come this guy really makes me smile like this? Nahuhulog na nga ba ako?
"Tara?" Aya pa nito kaya tumayo naman ako at hinawakan niya na naman ang kamay ko habang naglalakad kami.
I like this feeli--no! I love this feeling!
****
"Talaga lang ha?" Natatawa kong sabi nang makitang nagpapout na naman ito. Ang kyut lang kasi niya eh.
"Oo naman!Bakit ayaw mong maniwala?"
"Eh kasi naman hindi kita nakilalang ganyan eh." Natatawa ko pang sabi.
"Ahh ganyan pala ha!" Tumayo ito kaya napatayo din naman kaagad ako at ayun nagsimula na naman po ang habulan session namin.
At palabas na sana ako ng treehouse para di niya na ako maabutan nang biglang nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako sakanya and next thing I knew is.....
.........Yakap-yakap niya ko!
Tug tug tug
"I want to hug you like this." bigla nitong binulong sakin na mas nagpainit ng mukha ko.
Tug tug tug
"Can I say something crazy?"Tanong pa niya bigla at wala sa huwisyo akong tumango tango."I like you."
Tug tug tug tug
Shet!Andyan na naman yang feeling na yan!
*****
Kinabukasan
Andito ako ngayon sa mall kasama si Nash dahil may kailangan akong bilhin.Mabuti nga at sumama siya eh alam ko naman na napakaboring nito para sa mga lalaki.
Well its kinda part of my plan kasi and its a secret for now!
Kumuha ako ng mga dress at sinuot iyon isa isa. Tinagalan ko talaga as part of the plan.
Paglabas ko nakita ko siyang bored na nga pero infairness nakaupo parin siya dun sa couch ah! Hmm...
"Is this fine, babe?" I asked smiling.
Kita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya at tumango din naman.
"Ayy, walang compliment!" Sabi ko at tumalikod na pero nagulat ako nang bigla nito akong niyakap nang patalikod.
And take note! Nasa public kami ngayon ah!
What the f**k?
"Sorry, baby." bulong pa nito na nagpangiti sakin.
"Hmm." Sabi ko "Magbibihis nalang ako ng iba." dagdag ko pa.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napakunot pa ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya lihim naman kaagad akong napangiti.
****
Now, we're here at the what is this again?Si Nash kasi ang nagdala sakin dito. And I can say na he has a weird kind of restaurants to eat huh?Hindi ko man lang nakainan to noon eh. Weird.
"Im hungry!"
And guys, ayan na naman ang CHILDISH NASH.At nakapout pa eto ngayon ah!
"Stop pouting!"
"How?" nagpout pa ito ng sobra."Im hungry, baby!" Sabi niya kaya napatawa na tuloy ako sa pagpout niya.
"Anong pangalan nang restaurant na to?" Tanong ko sakanya.
"Ah eto? Home food restaurant to.Well minsan kasi tinatamad akong magluto tapos busy sila mommy kaya dito nalang ako kumakain since ang sarap ng mga luto nila dito." Sabi nito na nakangiti pa.
Nagulat nalang din ako ng bigla na naman niyang hawakan yung kamay ko at pinaglaruan.
Dumating na yung waiter dala dala ang mga pagkain namin at nagulat naman ako dahil ang dami nun. Mukhang may fiesta pa nga eh!
Ganito ba siya pag gutom?
"Lets eat?" Tanong pa niya but nauna nang kumain. Tsk! This is literally my first time na nakita siyang gutom ha!And it really excites me right now.
Bat ganito siya?Ang gwapo niya parin kahit sobra siya kong kumain!At take note, ang bilis ah!
"Stop looking at me baby!I might smile while eating." Sabi nito na nagpangiti pa sakin.
"Ang gwapo mo eh!" biglang nasabi ko ng nakangiti. Napatingin naman ito sakin at nakangisi.
Shet!Bakit ko yun sinabi?
Napakaconceited pa naman ng isang to tapos, arghhh!
"So gwapo ako?"Sabi pa niya resuming his eating habit right now.
"Pano nga kung oo?" Tanong ko pa dito pabalik.
"Talaga?" Mukha siyang tanga dun kaya napatawa nalang din ako.
Pero infairness ah, ang gaan niya talaga kasama.
****
"Tara may pupuntahan tayo!Sabi niya at hinila na ako papuntang kotse niya.
San na naman kaya kami magsusuot nito?
Napangiti nalang ako at hindi na pinansin ang pagkakulit ni Nash.Nasanay na rin naman kasi ako eh kaya wala na sakin kung ganun siya.
****
And now andito kami sa isang perya.
And yes! You heard it right!
Nasa perya kami.
Ewan ko nga eh pero andito na naman sa loob loob ko yung excitement sa tuwing nakakita ako nito. Ng mga ganitong lugar.
This was part of my dream before.
"Lets go?" Aya niya pa sakin at ngumiti naman ako sakanya saka tumango.
"Anong gusto mong una nating sakyan?" Tanong niya sakin nang makapasok na kami sa perya.
Napatigil ako at napatitig sakanya dahil sa narinig. Seryoso siya? Sasakay talaga kami?
"Sasakay tayo?"Nakangiting tanong ko pa at hindi na maitago ang excitement na nararamdaman.
****
Nash's POV
I saw the glint of her eyes when we came here and that made my day. I love seeing her smile even tho I can't tell her.
Ang saya saya niya and this is my first time na nakita ko siyang ganito kasaya.Yung mga mata niya nawawala sa sobrang pagngiti niya ngayon.
Those smiles of her....
"Tara dun!Sakyan naman natin yun!" sabi niya at hinila na ako dun sa roller coaster.
I really wonder kung hindi pa ba siya pagod kasi kanina pa kami andito and kanina pa talaga kami sakay ng sakay at halos lahat ng rides dito nasakyan na talaga namin eh.
Nang makapasok na kami at makaupo ay humawak siya bigla sa kamay ko na nagpagulat sakin.
This is the first time na siya ang unang humawak sa kamay naming dalawa.
Lumingon ito sakin wearing her most precious smile.
Nang magsimula na ang rides na sinakyan namin ngayon ay nakita ko na naman yung sparkling eyes niya.Napatingin naman ako sa ibaba at napapikit dahil nakakabading man ay takot talaga ako sa heights.
"Hoi!" Natatawa nitong sabi sakin.
Shet!Eto na naman siya!
"Wahhhahaha, takot ka pala sa heights?" tanong nito pero sumimangot nalang ako.
Ilang saglit bago ko siya narinig na nagsalita.Ang tahimik niya at nagulat ako dun kaya binuka ko yung mga mata ko at tinignan ito.
Nagulat naman ako ng makita ko itong.... umiiyak?
Shet!
"H-hey!Why are you crying?" Tanong ko sakanya.
"This is my first time to be here in this kind of place, Nash and this is part of my dream." Napaiyak na naman ito."Noon pa lang gustong gusto ko nang makapunta dito but my parents were so busy at nakalimutan nilang dalhin ako rito.And its unexpected na ikaw pa talaga ang nagdala sakin dito.Thank you so much.You dont know how much you made me happy today." Sabi nito at niyakap ako bigla.
And that made me stiffened.
This isn't your first time babe. I wish I could tell you how happy you were before when we first ride this.