Filliane's POV
Tomorrow came...
Gumising ako ng maaga at magpapaalam na sana kay yaya nang magulat ako sa nakita.
Bakit siya andyan?
Guess what?Andito lang naman si Nash at nakaupo siya sa sofa.Ako ba hinihintay nito?
Tanga!Sino pa ba?
Tinignan ko lang ito habang nagcecellphone.Mukhang bored na nga eh!Tsk!Bat ba kasi pumunta pa siya dito?
"Oh ayan na pala si filliane!" Biglang sabi ni yaya kaya dali dali akong bumaba ng hagdan at iniwas ang tingin sakanya.
Bwiset!
"Why are you here?" Tanong ko nalang.
"May pag-uusapan tayo!" Sabi niya at hinila na ako kaagad.Hindi man lang ako nakapagbabye kay yaya.Bwiset talaga!
At teka nga!Bat ba ako nagpapahila dito?
"Teka nga!Bat mo ba ako hinihila ha?' Sigaw ko kaya napatigil ito sa paglalakad.
"Just dont say anything!" Sabi nito at pinapasok ako sa kotse niya.
Ano na naman ba to?
*****
"Ano?Ayoko nga!" Sabi ko ng marinig sakanya yun.
Kaya ba niya ako kinuha sa bahay at dinala sa lugar na to?tsk!
"Please?" bigla niyang sabi na nagpatigil sakin.
That word...
Arghhhh!
"Eh bakit kasi ako pa?Ang daming babae ah!" Sabi ko pa.
"Mas gusto kita!" Sabi naman niya na siyang nagpatigil sakin. Umiwas naman din kaagad ako ng tingin.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko at napatampal sa noo ko. Akala ko pa naman tapos na siya sa ganyan ganyan niya eh hindi pa pala.
Noon sekretarya tapos ngayon.........Pretend Girlfriend na?Wtf?
Oo!Tama yung naisip niyo!He asked me to pretend to be his girlfriend again kasi kailangan niya daw yun! Eh bakit naman?
Walangyang buhay to!
****
Andito na kami sa school at as expected hinawakan ni Nash yung kamay ko habang naglalakad kami papasok ng campus. Part of the plan daw kasi at unti-unti na akong naiinis sa planong yan!Bwiset kasi!
"Relax!I wont eat you, ya know!" Sabi pa niya.
Eh Pano ako magrerelax kung lahat ng mata nasa samin?Pano kung kumalat to?At umabot sa pamilya ko?
"Tsk!Just make sure hindi ako maagrabyado dito ah!papatayin talaga kita!" banta ko dito.
"Oo na!As if kaya mo kong patayin!" Sabi pa niya.
"Just make sure na hindi malalaman to ng parents ko kundi nakooo!" Sabi ko pa.
"Tss." tanging sabi niya.
Nang makapasok na kami sa classroom ay napatingin ang lahat samin at take note, gulat na gulat pa.
"Sila na ba?"
"Eh pano?"
"Diba magkaaway sila?"
"Ang bagay nila ah!"
Sari-saring mga opinyon ang narinig namin at narinig ko nalang napatawa si Nash sa gilid ko.
"Tsk!" I said at umupo na sa upuan ko.
Bat ba kasi ako pumayag sa lintek na deal na to?
"Just chill, baby!" Bigla nitong bulong at hinawakan na naman ang kamay ko.
Kailangan ba talagang nakahawak kamay palagi?
"Required ba talagang nakahawak kamay?"
"Oo, bakit, baby?Ayaw mo ba?" Sabi pa nito.
"Bwiset!" bulong ko at pumikit nalang.
Bwiset na baby yan!
****
Natapos na ang klase at eto ako ngayon kahawak kamay ni Nash habang naglalakad papuntang...wait, what?
"Hey!" I said.
"O?" Tanong pa nito.
"Where are we going?Sa canteen tayo diba?" Tanong ko pa.
"I dont eat in that kind of place!"Sabi niya na nagpagulat pa sakin.
Tsk!RK talaga ang isang to!
"Wait, hindi ka kumakain sa canteen?"tanong ko ulit.
"Hindi!"tanging sagot niya.
"Pero bakit?"Tanong ko pa.
"Wag nang maraming tanong tsk!" Bigla niyang sabi kaya nagulat naman ako at napataas ang kilay.
"Sorry!" I said and just walked straightly.Pilit ko namang kinuha yung kamay ko sa kamay niya pero he didnt let me kaya hinayaan ko nalang din. Wala akong oras makipag away, wala din ako sa mood.
Walang nagsasalita samin habang paakyat na kami sa private room nila.Eh bakit ako magsasalita?Stop asking nga daw diba?Tsk!
"Sorry." Sabi niya na ikinagulat ko pa.
Hmm, marunong din pala siyang magsorry ha?
"No need." Ang tanging sinabi ko nalang at tumahimik na.
Yan!Namnamin niya ang katahimikan, bwiset siya!
****
Nagulat ako nang dalhin niya ako sa room niya pero hindi nalang nagsalita since bwiset parin talaga ako.Umupo nalang ako sa may upuan at nagpangalumbaba roon.
Nagpalinga linga lang ako sa loob dahil ngayon palang ako talagang nakapasok dito since nasa labas palang naman ako nun kahapon nang marinig ko silang pinag-uusapan ako.
Pero napatigil ako nang biglang mahagip ng tingin ko ang isang frame na may litrato ng isang napakagandang babae.At kasama niya si Nash.Ang sweet nilang dalawa.Nakahug kasi patalikod yung babae kay Nash habang nakaupo ito at nakangiti.
That smile...
"Hey!" Biglang sabi ni Nash kaya napaayos ako ng upo at tinaasan ito ng kilay.
"What?" tanong ko pa.
"Lets eat!" Sabi niya at nauna pang pumunta sa kusina.
Tsk!
Sumunod nalang ako sakanya at nadatnan itong nagluluto.Wait, marunong pala siyang magluto?
Nakatitig lang ako sa kanya at lihim na napangiti.
He's good looking tapos marunong magluto?How talented is he. Ang sarap tuloy maging girlfriend niya... wait what?
Erase.Erase!Nako naman!
Umiwas nalang ako ng tingin at umupo nalang dun sa malapit sa bintana at tumingin sa labas.Ang taas pala nitong private room nila?Mga 12th floor?Bwiset ah!Ang ganda pa ng mga private room nila.Kahit na sa kay Nash pa yung napasukan ko ng room masasabi kong ang ganda.Pano pa kaya yung iba?Tapos ang ganda pa ng labas.
Nakakaintimidate pumunta dito!
"Halika, tikman mo tong niluto ko!" Sabi pa nito at pinaupo ako.
Lumapit ako doon at umupo saka dahan-dahang tinikman yung niluto niya.And ang sarap ah?
Ang galing naman niya!
"Oh?Masarap ba?" bigla pa nitong tanong.
Napatigil ako saka ngumiti."Kailan ka natutong magluto?" Biglaang tanong ko pa na siyang ikinagulat niya.Taliwalas kasi sa tanong niya yung sagot ko.
"Ahh, simula bata pa.Mom taught me how to cook kasi." Sabi pa nito na nakangiti pa.
Wait, nagrereminisce ba siya?
Eh bat nakangiti siya?Tsk!
"Nice mom." Ang tanging nasabi ko at nagpatuloy nalang kumain.
Sana ganyan din si Mommy sakin.
"What about you?Do you know how to cook?" tanong pa niya.
I shooked my head as a reply.
"Bakit?" Tanong pa niya.
"Mom was so busy in our company.I never had a chance to be with them and had our bondings." I said and smiled weakly.
Pag si mama talaga ang topic nagiging ganito ako!How ironic!
"Gusto mong matuto?"
At dahil dun ay nagulat ako.