Zeph Pov Halos lumabas sa aking dibdib ang aking puso sa sobrang lakas ng dagundong. Kinakabahan ako ng sobra sa mangyayaring paghaharap naming muli ni Beta Keiver. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Lihim ko na lamang idinadalangin na sana ay hindi ako ibalik ni Alpha Hunter sa mga kamay ni Beta Keiver kahit anong mangyari. "Relax, Zeph. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ibabalik sa kanya," kausap sa akin ni Alpha Hunter habang naglalakad kami papunta sa sala kung saan naghihintay si Beta Keiver. Hinawakan niya ang isa kong palad at bahagyang pinisil. Siguro ay naramdaman niya ang pag-aalalang nararamdaman ko kaya niya ginawa iyon. At nakatulong naman ang ginawa niyang pagpisil sa kamay ko dahil tila iyon ang naging assurance ko mula sa kanya na hindi niya ako

