Disclaimer: This is purely a product of my imagination. Please don't distribute without my consent. I worked hard for this. I consider this as my first masterpiece. And btw, I'm not representing any religions in here.
Nakita ko ang samu't saring taong pinasok sa loob ng container van. Karamahinan ay bata. Umiiyak, walang kamuwang muwang sa mundo. Takot, balisa at ang kanilang kalamna'y kumakalam.
Dalawang araw na silang nanatili sa loob ng container van. Nagsisiksikan at ummaasa na lamang sa maliit na butas para sumagap ng hangin.
Maya maya'y dumating ang mga armadong lalake. Malakas na putukan ang bumalot sa lugar. Ang mga hinang-hina na lulan ng container van ay di mag humayaw sa pagsigaw ng tulong dahil sa takot.
Nasa tabi lamang ako, pinagmamasdan sila. Takot sa nakikita. Walang magawa.
Nagising ako mula sa panaginip, tumambad saakin ang mga anghel na patuloy ang pagtugtog ng samu't saring musika.
Payapa at nakakahumaling ang aking nakita. Hindi katulad ng aking panaginip na nababalot ng takot.
Lumapit saakin ang isang matandang napaka tangkad.
"Ministro" wika ko sakanya, habang palapit siya saakin ay simusilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Aster, magpahinga ka na muna. Masyado ka ng maraming pinag-daanan" aniya.
Kumuha ang ministro ng isang kwentas mula sa isang kahon na nasa kanyang tabi at isinuot saaking mumunting leeg.
"Aster, ikaw ang magsisilbing gabay ni Luna. Masyado ka ng maraming pinag-daanan. Maraming kinaharap na masamang espiritu" aniya.
Dinilat ko ang aking mga mata at sumilay ang katawan na halos ilang buwan na umanong nakahimlay sa hospital bed. Ilang buwan ng comatose mula sa pagkaka-aksidente.
"Ikaw nanaman ngayon, Luna" sumilay saaking mga labi ang mga ngiti at napagtantong hindi na ako muli masasaktan.