"Ano ba kasing pumasok diyan sa isip mo at uminom-inom kayo? Hindi ka naman marunong uminom, ah. Ang baba ng alcohol tolerance mo!” Ngumuso si Carly na nakaupo sa ibabaw ng kama, yakap ang puting teddy bear na halos kasing laki niya. "I told you, celebration nga dahil successful ang first ever fashion show ng org!" "Celebration? Sana kumain na lang kayo sa labas!" Naiiling na kumagat ito sa mansanas na sinalo mula sa ere at prenteng sumandal sa study chair niya. "Ano ang napala mo? Grounded." Sabay tawa ng bwiset. Kasalukuyang narito sila ni Vince sa kwarto niya. Inalis na ang cast nito at pinalabas na rin ng ospital kaya marami ng energy para sermonan siya ulit! Tatlong linggo nang hindi pinapayagang lumabas at gumala si Carly ng parents niya. And worst! Hatid at sundo pa siya ng d

