Napapitlag si Carly nang huminto ang lalaki lalaki sa tabi ng bintana niya at katukin 'yon. Hindi niya 'yon binuksan at mariing hinawakan ang handle ng pinto habang lumalakas ang pagkatok nito roon. "Ano?! Tapang-tapangan lang pala 'tong gago na 'to! Hoy bumaba ka diyan! Kilala mo ba sinong kinakalaban mo ha?! Baba!" Tiningnan niya ang cellphone na nasa kandungan. Patuloy lang 'yong nag-ri-ring pero hindi sinasagot ni River. Oh, gosh! Pick it up.. River.. "Tol, gagu! Pucha!" Sigaw no'ng isang lalaki na bigla na lang dumukwang sa windshield kaya napatili si Carly. "Chicks pala nasa loob ng sasakyan!" Mayamaya, sumilip na rin ang leader at ngumisi nang makita ang dalaga. "Ah... tangina! Madali naman akong kausap, eh..." Inilabas nito ang dila para basain ang ibabang labi. "Buksan mo na

