Chapter 2

642 Words
SPADE’S POV: Nang makauwi ako ay galit at nakabusangot pa rin sa akin si daddy ngunit mahinahon na siya. Nasa sala silang lahat. Nakatayo lang si daddy sa gilid habang si mommy naman ay katabi si Queen. Nakatakip ito ng panyo sa mukha kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Nakasuot siya ng pang business attire. Nakalugay din ang mahaba at kulot niyang buhok. “Kakausapin ko ‘yang putang inang Harold na yan, wag ka ng umiyak.” “Walang pakialam si daddy sa nararamdaman ko at basta-basta niya na na lang akong ipapakasal sa lalaking hindi ko naman mahal.” saad ni Queen habang ako ay nakikinig lang sa sulok. Teka, nagda-drama din si Kainer sa akin ng ganyan kanina. Arrange marriage din ang problema nito ni Queen, posible kayang silang dalawa yung nakatakdang ikasal? Naloko na! Naupo ako sa gilid at nagkatinginan kami ni Queen. Damn it. She's beautiful. Ang laki na ng pinagbago niya. Huli ko siyang nakita ay mga batang paslit pa lamang kami. Natulala ako ng bahagya ngunit nakarecover din kaagad. “Spade?” “Queen.” “Long time no see.” saad niya na napawi ang pag-iyak at ngumiti na sa akin. Mas lalo siyang gumanda sa kanyang pag-ngiti. “Yeah, it was a very long time. Nice to see you again.” “I know, I shouldn't be here pero hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Uuwi rin naman ako sa amin mamaya.” “No. Gabi na, you should stay for the night. You can use my room for the meantime.” “Mabuti pa nga Queen, dumito ka muna at magpalipas ng gabi, sabihin mo na lang sa daddy mo na nandito ka para hindi na mag-alala.” saad naman ni mommy sa kanya. “Thanks, Tita, I really appreciate it.” “Oh siya, sige na, naiwan na muna namin kayo ni Spade at magpapahinga na kami ni daddy Wade ninyo.” pagpapaalam naman ni mommy. “Sige po, tita, thankyou rin po, daddy Wade.” “Wala iyon, welcome ka dito palagi sa pamamahay ko.” mahinahon namang saad ni Daddy ngunit masama pa rin ang loob niya sa akin. Hinarap ko Naman si Queen at tinanong, “Queen, Kilala mo ba yung ipakakasal sayo ng daddy mo?” “Hindi eh pero he said that the man was a high profile mafia boss.” “Ano kamo?! Mafia boss?!” “Hindi ko na nga alam kung anong iisipin ko kay daddy eh, mafia don na nga ang tiyuhin kong si Uncle Rodney eh tapos gusto niya pa ganong klase ng lalaki rin ang mapapangasawa ko.” Possible kayang si Kainer iyon? Damn it! Naloko na talaga! “Nagpa-reserve sila ng dinner bukas ng gabi and I had no choice but to go.” Malakas ang kutob ko na si Kainer nga ang tinutukoy ni Queen. Hays buhay nga naman. Bakit ganito? “I guess, pupunta na lang siguro ako at kikilalanin kung sinoman ang taong iyon.” “Buti pa nga, uhm, it's getting late maybe we should get some sleep.” “Yeah, sure.” saad niya. Iginiya ko naman si Queen sa kwarto ko at saka kumuha ng malinis na towel at binigay sa kanya. Kumuha rin ako ng pair ng pajama sa mga gamit ni Rosaline at ibinigay sa kanya dahil sa tingin ko ay magkasukat lang sila. Wala kasi dito ang nakababata kong kapatid na si Rosaline dahil pinag-aaral siya ni mommy at daddy sa US. “Thankyou.” “Yeah, no problem.” saad ko sa kanya na ngumiti ng malapad bago ko isinara ang pinto. Iyon lang naman ang magagawa ko para sa kanya ngayon dahil alam kong hindi ako pwedeng makialam pero kung sila nga talaga ni Kainer ang ipinagkasundo para sa isa’t-isa. Ano na kaya ang mangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD