''Kailangan ba talagang ganito ang gawin mo sa akin? Hindi naman ako lumpo. Kaya ko mag-lakad.'' sabi ko dito kay Cassuis. Nabub'wisit kasi ako sa kanya, binubuhat niya ako ng parang sako. Hindi ko alam kung ano ang kan'yang dahilan at parating ganito. Papasok sa isang malaking gusali na hindi ko alam pero nakakatakot ang tahimik. Kulang na nga lang may makita akong multo. ''C-cassius.. m-may multo ba dito sa pinagtatrabahuhan mo?'' sabi ko dito na ikinakunot lamang ng magagandang kilay nito. Pero, hindi ako sinagot. ''Tsk,'' sungit talaga niya e. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakikita ko sa lugar nakakatakot para bang abandunado na 'to pero, mansyon naman siya at napakatahimik naman ng lugar. ''P-para talagang may---'' ''Shut up! woman.'' sabi nito at pumasok kami sa isang madilim na

