Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin ng tinitigan din niya ako at kaya nasiksik na lamang ako sa gilid sa sobrang takot. Lalo na't sa ginawa niya kanina. Nagulat ako sa paghila niya sa braso ko at mas 'di ko inaasahan ang pag-landing ng labi ko sa labi niya. H-hinalikan niya ako? Mulat na mulat ang mga mata kong nakatingin sa mga mata niyang nakapikit, pilit ko siyang tinutulak, pero mas kinabig niya ako palapit sa kanya. "Hey. Zeike, sira*** kaba? Kotse ko 'yan. Ano ginagawa mo! Hoy, papasukin mo ako!" rinig kong sabi nu'ng pinsan niya na hindi niya pinagbukas. "A-ano ang ---" Gulat kong sabi ng ilayo niya ang mukha niya sa akin at mabilis na nilock ang kotse. Nakatingin lamang ito sa akin at walang emosyon na ipinapakita. Muli'y hinalikan niya ako at halos para siyang sabik

