Chapter One

1601 Words
CHAPTER ONE “ADDIE!” Inis na pinagbabato ko ang unan na nagkalat sa kama ko nang magising mula sa mahimbing kong pamamahinga. Pabalibag kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko na mukhang kanina pa kinakalampag ni Ate Bebs. “What’s the matter, Ate Bebs?” “Anong what’s the matter? Alas-singko na nang hapon, Addie, may dinner date nga raw kayo nila Daddy mo hindi ba?” Sumimangot ako. Sa edad na disisais ay alam ko na ang ibig sabihin ng dinner date na ‘yan. It’s not your usual family dinner date. Nararamdaman kong meron na naman silang panibagong business partner na may lalaking anak na gusto nilang ipareha sa akin. “Sabihin mo kina Dad, masakit ang ulo ko—” “At bakit masakit ang ulo mo? Dahil inumaga ka naman sa pakiki-party Addison? You’re just sixteen for pete’s sake pero ano itong mga nalalaman namin na nakikisali ka sa mga party na para sa mga matatanda?!” Napangiwi ako nang malingunan ang Mommy na iling nang iling sa akin. “My, it’s Erin’s birthday party. Paanong naging party ng mga matatanda ‘yon?” tukoy ko sa kaklase kong apat na taon ang tanda sa akin dahil ilang beses umulit ng fourth year at nagpahinga sa pag-aaral. “And Erin is what? Twenty years old! Natural ang mga bisita niya ay kaedad niya rin! At bakit ka inumaga? Uminom ka ba roon?” Kumunot ang noo ko sa pagiging eksaherada ng aking ina at nahilot ang ulo kong nagkatotoo na ang sakit. “Inumaga kami kasi nag-movie marathon kami, hindi po ako umiinom, Mommy!” “Enough with your explanation, Addie. Go to the bathroom and take a bath. Ako mismo ang mag-aayos sa ‘yo!” Tinalikuran ako ng Mommy at bago pa ako makareklamo ay muli siyang nagsalita habang naglalakad paalis. “Follow me or else you’ll lose all your cards and you’ll be grounded!” Nakasimangot na tamad na tamad kong tinungo ang banyo para maligo. Oh great! My mom would dress me up like some doll! Paglabas ko ng banyo ay napatingin ako sa picture frame na nasa bedside table ko. Inabot ko iyon at parang tangang napangiti sa larawan naming tatlo ng bestfriend ko na si Sammie at kapatid niyang si Sander na halatang napilitan lang magpakuha ng litrato katabi ako. Alesander Miller. I’ve known him since I was eight years old. I was ten years old when I started writing his name in my slam book as my crush. Last year, on my 16th birthday I told him I like him, but he just laughed at me. Isang biro para sa kanya ang confession ko pero ganoon pa man ay hindi ako sumuko sa pangungulit sa kanya. Tuloy ay mula sa civil niyang pakikitungo sa akin dahil bestfriend ako ng kapatid niya ay nauwi iyon sa pag-iwas. Napabuntonghininga ako at kinuha ang cellphone ko para i-text siya kahit alam ko namang hindi siya mag-re-reply. Napanguso ako nang masulyapan ang conversation namin at makitang mabibilang sa daliri ang reply niya. I’m going on a date! Bumungisngis ako sa pinadala kong mensahe sa kanya. Susundin ko ang payo ni Erin kagabi na pagselosin si Sander. Iyon ang sabi niya sa akin na ginawa niya sa naging boyfriend niyang si Darius. Malungkot kong minasdan ang cellphone ko nang lumampas na ang ilang minuto ay hindi siya nag-reply. Ano pa bang dapat kong asahan? Ibinato ko ang cellphone ko sa kama pero nang marinig ang magkakasunod na ping mula roon ay nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong kinuha iyon. Enjoy your date, then. Napanganga ako sa reply niya at puno ng frustration na napatili sa inis. Enjoy my date?! Wala talaga siyang pake sa akin! Minasdan ko ang sarili ko sa salamin at inisip kung ano bang mali sa akin? I’m beautiful. I’m not boasting, it’s a fact. Hindi lang kayamanan ang ipinamana sa akin ng mga magulang ko kung hindi ang magandang lahi nila. Namana ko mula sa ina ko ang maputi at makinis niyang kutis. Ang mga mata ko ay malalalim at mahahaba ang mga pilik-mata ko. I have a heart-shape face that matches my pointed nose. Higit sa lahat, kahit edad disi-sais pa lang ako ay nasa tamang hubog na ang katawan ko. Malalim akong napabuntonghininga at tinigilan ang pagtitig ko sa salamin. Knowing the reason that no matter how beautiful you are, it doesn’t mean that the person you like would come to like you, too. No. Maybe it’s because I’m still too young for him. Walang mali sa akin, meron pala. It’s my age. *** “I’M so bored!” naiinis kong sabi kay Sammie na nasa kabilang linya na tinawanan lang ako. After an hour of staying in our dinner date sa isang sosyal na restaurant. Sa wakas ay nagkaroon ako nang pagkakataon na magpaalam papunta sa banyo. Higit labinlimang minuto na akong nakaupo sa toilet bowl at kausap ang best friend ko. “Why don’t you try to get know that Fausto Arevalo?” tukoy niya sa lalaking isa sa mga nanghingi ng number ko during Erin’s birthday party last night. I turned him down though. He’s not my type. May iba akong gusto at alam iyon ng best friend kong inosente. I think the universe hates me. Because of all people na magiging prospective groom ko, iyong lalaking pang creepy sa paningin ko. “I don’t like the way he looks at me. Ang creepy!” “How creepy?” Tila doon ka nakuha ang atensyon ng kaibigan ko. "Parang hinuhubaran niya ako? Ganoon siya tumingin, Sammie!” Nagtayuan ang mga balahibo ko nang maalala ang imahe niyang titig na titig sa akin kanina at napailing. “At isa pa! Bakit mo ba ko nirereto sa iba? You knew whom I like! It’s no other than Sander Miller!” “I told you right? Iba na lang ‘wag si Kuya.” “Bakit? I know the reason why he rejected me Sam, it’s because I’m still young. But in two years—” “I think Kuya is dating Ellis, Addie.” Naibagsak ko ang cellphone ko at tulalang minasdan iyon. Hindi makapaniwala sa narinig ko. Ellis Harrison is my classmate ever since grade one same with Sammie, and we both hate each other’s gut. Pero kahit na ayaw namin sa isa’t-isa ay palagi naman kaming nagkikita dahil sa close ang pamilya namin at gusto nilang ganoon din kami ni Ellis. Tanging si Sammie lang ang nakakaalam kung gaano namin kaayaw ang isa’t-isa dahil siya ang palaging naiipit sa tuwing nagbabangayan kaming dalawa sa mga mababaw na rason. You knew that I like him, tapos ganito? Talagang lahat ba nang gugustuhin ko ay gugustuhin mo? “Addie, are you still there?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Sammie sa kabilang linya. “How sure are you?” “Sure about what?” “About them!” “Nothing’s confirmed yet, but I heard manonood sila ng sine ngayon sa Ayala—” “Sine lang ‘yon baka napilitan lang ‘yan si Sander, alam mo namang makulit din yang Ellis na ‘yan.” “Addison!” “I have to go na, Sammie!” pagpapaalam ko sa kaibigan ko nang marinig ang boses ni Mommy sa labas. Agad kong ibinaba ang cellphone ko at lumabas ng cubicle. Simangot na simangot ang Mommy sa akin pero nginitian ko lang siya at naglalambing na niyakap. “Bakit ang tagal mo?” “Are we going home?” tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya. I hugged my mother tightly and sighed. Is he really dating Ellis? And if it is, what shall I do, then? “Addie, is there a problem?” Hindi na nagsusungit na tanong sa akin ng Mommy ko. No matter how strict she is to me, I’m still her only daughter at sa kanilang dalawa ng Daddy ay sa kanya ako pinakamalapit. Kahit na ibinubuyo ako nila sa iba’t-ibang pamilya. Alam kong sa oras na iyakan ko ang Mommy at ipaglaban ang gusto ko. Hindi niya rin ako matitiis. “Masama lang pakiramdam ko, My…” “Hay, ayan nagagawa ng pagpupuyat ‘eh. Let’s go home then, saka ka na lang manood ng sine kasama si Fausto—” “Sine?” Agad akong humiwalay kay Mommy at inantay ang sagot niya. “Yes. He asked us kung puwedeng maaya kang manood ng sine. I’ll turn him down at baka makasama pa sa ‘yo—” “No!” Kumunot ang noo ni Mommy sa biglaan kong sigaw. “What do you mean no, Addie?” “I mean okay na pala ako. May gusto rin akong panoorin na movie ‘eh. I’ll go with him.” Akala mo ikaw lang nakikipag-date ah! “Are you sure?” “Very very sure, Mommy.” TBC HI! I know you guys are excited for this story but the daily update for TLB will start on August 2021. Thank you :) Shameless promotion: Kung naghahanap po kayo ng Daily update stories, try to read Isla Del Fuego: Tainted Angel by yours truly ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD