My Enemy,My Lover
WRITTEN BY: ShanCai♥️
"Frenny!" Napalingon si Tiffany na marinig ang boses na iyon. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanya.
Napangiti siya ng makita muli ang kanyang best friend mula pagkabata at hanggang ngayon na papasok na sila ng college ay nananatili silang magkaibigan. May agwat man ang estado nila sa buhay ay hindi ito naging hadlang sa pagpapayabong ng kanilang samahan.
"Cheska, buti napadalaw ka?" aniya matapos itabi ang walis tingting na hawak. Katatapos lang niyang maglinis ng bahay. Matanda na ang mga lolo at lola niya kaya hangga't maari ay tinutulungan niya ang mga ito sa mga gawaing bahay.
"Frenny, mukhang busy ka ata. Naabala ba kita?"tanong nito.
"Naku hindi ah! Actually, kakatapos ko lang sa mga gawaing bahay.'sagot niya.'Maupo ka muna,"yakag niya dito.
"Asan sila lolo at lola?"
'May bibilhin lang sila sa palengke. Sabi ko nga ako na lang para hindi sila mapagod kaso ayaw naman paawat.'
'Hayaan mo na paminsan-minsan lang naman.'
'Concern lang naman ako sa kanila eh. Alam mo naman na sila lang ang tanging pamilya ko.'may bahid ng kalungkutan ang kanyang boses. Tumabi sa kanya ang kaibigan at mariin siyang hinwakan sa balikat.
'May nakakalimutan ka yata. I'm also a family to you di ba?'
'Oo naman...'nakalabi niyang sagot. Nagbabadya na ang mga luha sa kanyang mga mata.
'Oh,iiyak ka na naman. 'niyakap siya nito. 'Lalo akong mag-aalala sayo niyan kapag nakikita kitang ganyan eh.'
'Pasensya ka na Cheska. 'aniya habang pasinghot-singhot.
'Oo nga pala. Kumusta nga pala ang papasukan mo sa college?'tanong nito.
'Hindi ko alam kung makakapasa ako sa inaplayan kong university. Isa pa, baka hindi ko rin kaya masuportahan financially.'
'Naku, ikaw pa! Lahat naman nasosolusyunan mo eh.'
'Because of those people who keeps on motivating me like you...'
'My God, Frenny! Huwag mo ko umpisahan, pati ako maiiyak sa sinasabi mo eh.'pinahid saglit ang mga mata.'Oo nga pala, sa States na ako mag-aaral.'
'Talaga?'namilog ang mga mata niya. 'I'm so happy for you Frenny!'excited siya para dito.
'Kung pwede lang kita isama doon, hihilingin ko ka mommy at daddy na gawan ng paraan ang mga documents na kailangan para doon ka na rin mag-aral.'
'Huwag mo akong alalahanin Cheska. Kaya ko 'to. Ako na lang din ang inaasahan nila Lola.'ngumiti naman ang kaibigan niya sa kanya matapos niyang sabihin iyon.
**********
'APO! APO!'tawag ng Lolo niya.
'Bakit po Lo?'nagmamadali siyang lumapit sa matanda.
'May sulat para sayo,apo.'inabot sa kanya ang isang sobre.
'Sino po nagbigay Lo?'
'Yung nagdedeliver ng mga sulat. Akala ko kung sinong Tiffany ang hinahanap.'
'May iba pa bang Tiffany dito sa atin Erning? Ang apo lang naman natin eh.'sabad ng Lola niya.
'Malay ko ba kung may iba pang Tiffany na gaganda pa bukod sa apo natin.'nakangiting sabi ng matanda.
'Kuu! Ang sabihin mo makakalimutin ka na dahil matanda ka na.'
'Anong matanda? Age is just a number. Malakas pa ako sa kalabaw, Amelia.'confident nitong sabi.
'Ayiee...Lola oh, si Lolo. Napapa-english na.'natatawa niyang sabi.
Natutuwa siya tuwing hihirit ng ganoon ang Lolo niya. Parang bagong mag-asawa lang kung maglambingan ang mga ito. Kahit isang beses, hindi niya nakitang nag-away man lang ang Lolo Erning at Lola Amelia niya.
Matatanda na ang mga ito pero nananatiling matibay ang pagpapakita ng natural na pagmamahalan ng dalawa. Inalagaan siya ng mga ito mula ng siya ay ipinanganak hanggang sa mawala ang kanyang mga magulang. Maaga siyang naulila.
Hindi man lang niya nasilayan ang imahe ng kanyang mga magulang. Nasawi ang mga ito sa isang aksidente at kahit pa nadala ng hospital ay hindi na rin umabot.
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya na minahal siya at inalagaan ng dalawang matanda at itinuring na sobra pa sa isang tunay na anak.
'Apo, para saan ba 'yang sulat na yan?'ang Lola niya.
'Wala naman po akong inaasahan na kahit na anong sulat 'La.' Dahan-dahan niyang binuksan ang sobre at tumambad sa kanya ang pangalan ng university na inaplayan niya para sa college. 'Lola! Lolo! Nakapasa po ako sa Asian University!'tili niya.
'Iyan ba 'yung sa college na gusto mong pasukan?'tanong ng Lolo niya.
'Opo Lo. Thank you Lord!'nasambit niya.'Yes!'dagdag sabi pa niya.
'Ang galing naman ng apo ko! '
'Thank you Lola! Para sa inyo po ito.'niyakap niya ang kanyang Lola.
Hinanap niya agad ang mobile phone niya para tawagan ang kaibigan. Nais niyang i-share sa best friend ang result ng kanyang scholarship application sa Asian University. Sobrang excited siya habang hinahanap ang pangalan nito sa kanyang list of contacts.
'Hello, Frenny Cheska!'
'Frenny ! Kumusta? Napatawag ka?'sagot nito sa kabilang linya.
'Nakapasa ako sa Asian University!'
'What?!'natigilan ito saglit. 'Did I hear it right?'
'Yes Cheska! '
'Wow naman! Ang galing-galing mo talaga!'
"Mana ako sayo eh."
"Naku ikaw talaga pa-humble pa. Congrats Frenny! I'm so happy for you."
"Thank you Frenny. Salamat sa walang sawang support."
"You're always welcome my bff. Oo nga pala next week na ang alis ko. Punta ka naman sa bahay."
"Sure! Magpapaalam lang kay Lola at Lolo."
"Yehey! Nae-excite na ako! Pasyal tayo ah!"
"Okay, no problem!"
*********
Sa inyong sariling opinyon, ano sa tingin nyo ang mga character traits na meron si Tiffany?
I hope na magustuhan nyo Po. One of these days, may kwento na sila Bernard at Anna.
Maraming salamat po pala sa lahat ng bumati sa akin! Mahal ko Po kayo lahat! ♥️