MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ “BAKIT KA NANDITO?!” malakas niyang tanong. Mag-isa lang siya sa bahay dahil napaaga ang alis ng kanyang lolo at lola dahil sinabayan ang isang kamag-anak na patungo rin ng Bulacan. Minabuti niyang maagang umuwi upang maabutan ang dalawang matanda. Sakto namang paalis ang mga ito nang dumating siya. “Ano ang ginagawa mo dito?!” Halos sigawan niya ang lalaki sa kabila ng pamimilog ng mga mata nang makita ito. Sa halip na sumagot at nagtuloy-tuloy lamang ito sa pagpasok sa loob ng bahay. Maingat na inilagay ang dalang bag sa mahabang sofa at nginisian siya. “Hindi ka man lang ba magsasalita? Tatawag ako ng barangay o pulis para mapaalis ka dito sa bahay, gusto mo ba iyon?” “Go on. Hindi kita pipigilan.” Tumayo ito at parang may hinahanap na kung a

