MY ENEMY, MY LOVER "MAY MALI BA SA GINAWA KO? BAKIT ANG SUNGIT NA NAMAN NG LALAKING ITO!" Hindi niya maiwasang maghimutok sa lalaking nasa harapan niya at abala sa pagtutok sa gamit nitong laptop. Hindi yata ito marunong makinig ng opinion ng iba. Teka, bakit ba kailangan niyang magpaliwanag? Tanging ang pagiging progress checker niya ang namamagitan sa kanilang dalawa. Baka iba ang babaeng tinutukoy nito na nakahawak kamay kung kanino. Walang emosyon na makikita sa mukha nito. Tahimik lang kaya nakakatakot makalikha kahit kaunting ingay. Pati paghinga niya yata ay kinukulang na rin dahil hindi maintindihan nitong pakikitungo sa kanya. Kahapon lang mabait pa it okay Santa Claus sa pagsalo sa kanya sa pagkaing ito mismo ang naghanda tapos ngayon naman ay parang hiniwalayan ng girlfriend!

