Chapter 47

1360 Words

“MA’AM Fiona…” mahinang pagtawag ni Vivianne sa dating katrabaho. Hindi na niya alam ang sasabihin pagkatapos no’n. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang ayaw ni Fiona sa kan’ya noon pa man. Siguro dahil alam nito kung ano ang gagawin niya… na sasaktan niya lang din si Beckett pagdating ng panahon. ‘Kung galit man siya sa akin, wala naman akong magagawa roon,’ pakunsuwelo ni Vivianne sa sarili. Alam niya namang wala na siyang lugar dito sa Syneverse sa umpisa pa lang. Pero hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Mabilis na lumapis sa kan’ya si Fiona at niyakap siya nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad nakagalaw. “M-Ma’am Fiona?” “Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Beckett, at ayoko rin naman siyang tanungin. Alam kong gusto niyang pinagdad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD