“MA,” pagtawag ni Vivianne sa ina na si Ella habang nakakunot ang noo. “Bakit po kayo nandito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo roon sa kuwarto?” aniya bago lumapit sa ina. Inalalayan niya ito. Baka kung mapaano ka.” “Nanghihina lang ako, anak, pero kinaya ko namang maglakad.” Ngumiti si Ella sa kan’ya bago itinuro ang pinto. “Tingnan mo, mula sa kuwarto ko ay nakapaglakad ako hanggang dito. Kahit papaano, g-gumaan ang pakiramdam ko…” Biglang nahirapang magsalita si Ella. Hindi na rin siya makahinga nang maayos. Matagal nang ganito ang pakiramdam niya at hindi niya rin alam kung bakit. Wala siyang ideya sa kung ano ang sakit niya. Siguro ay dahil ikinulong lang siya ni Alfred dito sa bahay kaya naman hindi na rin kinaya ng katawan niya. “Hay. ‘Yan ba ang gumagaan ang pakiramdam, ma?

