CHAPTER 2

1109 Words
Alas kwatro na ng umaga pero dipa ako natatapos sa pagluluto.Napailing nanaman ako sa isipang malalate nanaman ata ako dahil alas sais ang duty ko.Kanda ugaga ako sa pag galaw may isa pa akong lulutuing putahe. Isasalang ko na ang huling lulutuin ko pero napatingin ako sa oras at mag alas singko na. "Naku po! malalate na ako!bahala na nga." sabay hubad sa lahat ng kasuotan ko dahil balak ko ng maligo habang pinapakuluan ko ang niluluto ko. Agad akong nag ayos,pati ang mga tinda ko ay balak kong sa trabaho nalang iplastik dahil late na late na talaga ako.Takbo dito takbo doon na ang gawa ko. Nang makarating ako ay nabungaran ko agad si madam na nakasimangot. "Goodmorning ma'am." bati ko pero tila lalo itong nagalit sa awra niya kasi na para bang nagdilim ang mukha ng makita ako. "Follow me." sabi niya.kinakabahan ako.sesermunan nanaman ba ako dahil late ako?30minutos lang naman akong late isa pa oo Mali ako kaso naman kasi....Nawarningan na ako nung nakaraan pero sana wag naman mas malala doon. Nang matapos niya akong kinausap ay lupaypay akong lumabas.Halos maluha luha akong naglalakad.Sinabihan kasi akong magpahinga muna dahil wala daw ang puso ko sa trabaho ko.Aminado naman akong mali ako sa madalas kong pagpasok ng late pero Mahal ko ang trabaho ko.SA sobrang pagnanais kong makaipon ng marami ay sige parin ako sa ibang sideline. "Hey lali,okay ka lang?" nginitian ko ang katrabaho kong si Rona. "Oo naman,uy anu na kasi iyong order mo?" pag iwas ko baka kasi tanungin lang ako ng tanungin nito baka mapaiyak lang ako. Aayusin ko nalang itong mga paninda ko sayang din iyong benta.Naubos lahat ng niluto ko kaya kahit papano ay masaya ako.Umalis narin ako ng hindi nagpapaalam sa mga katrabaho ko para makaiwas. Hindi ako mapakali dito sa inuupahan ko,masama talaga ang loob ko at gusto ko pansamantalang mawala ito.Kinuha ko ang aking cellphone at kinuntak si angel.Si angel ang madalas kong kasamasa trabaho siya din ang tumulong saakin para makahanap ng mauupahan dito. "Hello?" dalawang ring lang ay sinagot na agad ni angel ang tawag ko. "Angel free kaba?ayain sana kitang uminom." siya lang kasi ang naisip kong sasamahan ako. "Naku ngayon ba?hindi kasi ako pwede lali,aattend kasi ako ngayon ng party ng pinsan ni jonjon.Diko nga alam kung pupunta paba ako o hindi eh wala naman kasi akong kakilala dun." si jonjon ang nobyo niya.Sabi ng marami ito ay mayaman daw.Hindi naman ako nagtatanong dahil pagdating talaga sa lalaki ay wala akong pakialam.Matagal na sila nito. "Ganun ba.Mali pala ang tayming ko hehe." napakamot nalang ako sa batok mukhang mapapainom akong mag isa. "No!" biglang taas tono niyang sabi. "anu kaya kong sumama ka nalang kaya saakin? " dugtong niya. "Sira.ikaw invited kumusta naman ako?" totoo naman nakakahiya naman iyon dahil hindi ako invited pero sasabit pa ako. "Hindi iyan problema." easy for her to say kasi siya invited. "Hindi na pasaway.enjoy mo nalang okay.sa ibang araw nalang siguro kita ayain kapag free kana talaga." "Basta isasama kita.tatawagan ulit kita after 5 minutes okay." sasagot pa sana ako pero pinutol na niya ang tawag.Siguro ay may gagawin lang ito,pero ako naman ay naghintay.Talagang inorasan ko pa siya at napabusangot nalang ako nong lumagpas sa limang minuto ang oras.Mag kinse minutos na, kaya naisip ko baka hindi na ito tatawag kaya naisipan kong magluto nalang nang papapakin ko. Naglalakad ako papuntang kusina ng tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng maikli kong short.Agad ko itong kinuha at sinagot. "Akala ko hindi kana tatawag eh." bungad ko kay Angel . "Hahaha sorry." sabi niyang patawa tawa pa. "So pano ba yan see you at 8pm?" dugtong niya.napakunot naman ang noo ko.Anung 8pm?hindi naba aattend ito sa party? "Uy grabe to.anu kaba..Hindi mo naman kailangan epospon iyang lakad mo ng dahil lang saakin." "sira! anu bang sinasabi mo?kahit wala akong kilala doon ay aattend ako at sasamahan moko noh." abat isasabit pa talaga ako nito tsk. "Wag ka nga angel.Hindi ako invited dun kaya wag kang nananabit diyan dahil hindi rin ako pupunta." "Hindi naman kita isasabit eh,binigyan ka ni jonjon ng invitation gaya ko hahaha at iaabot ko sayo iyon mamaya kapag dinaanan na kita.Don't say no please para naman may kasama din ako Don at makausap." Hindi alam ni Lali na agad nagbigay ng invitation si jonjon para sakanya dahil sinabi nito sa nobyang si angel na ipapakilala siya sa pinsan nitong hanggang ngayon ay single.Napangiti ng husto si angel dahil alam nitong NBSB (No boyfriend since birth) itong si lali at iniisip niyang baka sa party ay makahanap na ito ng makakapareha at ang inaasahan nilang mag nobyo ay mag click ang Plano nila para sa pinsan ni jonjon at ni lali. " hala nakakahiya! dapat dimo nalang sinabi hmmmm!" "Meron kana invitation so attend kana rin niyan? salamat naman at may makakasama na ako hehe." napaikot nalang ang mga mata ko kaya pala nawala ito ng ilang minuto ay dahil kinausap ang nobyo. "Ano pa nga bang magagawa ko?" sagot ko. "Hahaha Yeah wala kana talagang choice isa pa diba sabi mo gusto mo uminom ayun marami doon wantusawa." "Sabagay." tipid kong sagot "Teka nga pala.may Bali balita ah about sayo iyan ba ang dahilan kung bakit nag aaya kang uminom?" ang balita talaga bilis lumipad basta may mga bibig na matatalas. Kinuwento ko kay Angel ang lahat at alam kong naiintindihan ako nito kung bakit.kaya mas lalo kong namimiss ang kaibigan kong si shane dahil may pagkakatulad ang dalawang ito. "Hayaan mo na at wag ka ng mag isip ng mag isip diyan.basta kita tayo maya ha? dadaanan nalang kita mamaya ipapadala ko narin ang isusuot mo." "Naku wag na ako nalang maghanap ng masusuot ko." meron naman siguro akong masusuot total sabi naman ni angel ay kahit ano basta dress. "I insist. basta wait mo nalang iyong dress.bye for now lali andito na kasi si jonjon lalabas kami." "SIGE enjoy kayo and thanks angel bye." so kailangan ko palang mag ayos kahit papano dahil kahit alak ang sadya ko sa party na iyon ay dapat maayos parin ako dahil panigurado maraming tao doon lalo pat mayaman ang angkan ng nobyo ni angel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD