Dear Idol,
Hi!
Mag uumpisa ako sa pinaka umpisa, syempre. Dun sa part kung pano ko kayo nakilala.
Naging inspirasyon ko kayo sa mga nagdaang taon.
Sa mga araw na masaya ang umaga ko at yung mga araw na piling ko mag-isa ako.
Siguradong hindi nyo ko kilala, o kahit masabi lang ang pangalan ko ay hindi nyo pa nagagawa.
Ang hirap ng may medyo unique na name.
Bat kaya di na lang pangalan ng grupo nyo ang pinangalan sakin? Nang sa ganon, kada mag i-intro kayo ay lagi kong naririnig ang pangalan ko mula sa inyo.
Grabe, mamamatay ako sa kilig non.
Pero anyway, norway.
Sa simula pa lang ay kasama na ko sa nakasubaybay sa inyo.
Kasama ako sa mga dating ikinukwento nyo na iilan lang na nanonood sa inyo tuwing nag peperform kayo.
Kasama ako sa iilang nakikinood sa inyo noon sa online.
Nasubaybayan ko lahat.
Simula sa unang vlog nyo.
Nakakatawa kung iisipin pero bawat myembro ng inyong grupo ay naging idolo ko talaga.
Pero ngayon ay nahinto at nanatili akong loyal sa main vocal ng grupo.
Palihim akong napapasaya ng mga ngiti, tawa at biruan nyo.
Yung mga panahong libre pa ang panonood sa bawat performances nyo.
Nakaka miss lang.
Yun yung mga panahon na piling ko, piling ko kaya ko pa kayong maabot.
Isa lang ang pangarap ko noon para sa inyo.
Yun ay maging successful. Yung makilala pa ng iba at dumami pa ang maniwala at maka appreciate sa inyo.
Yung tipong maraming tagahanga na susuporta at kukuha ng lakas mula sa inyo.
Isa ako sa mga excited at taga abang sa mga videos na ina upload nyo.
Yung mga panahong hindi pa kayo ganon ka porma at kung iisipin matatawa na talaga kayo sa mga itsura nyo noon kumpara sa ngayon.
Masaya na kayo sa lilima, sampu o iilang taga suporta.
Nakatanggap kayo ng mga masasakit na salita mula sa kapwa pero imbis na sumuko ay nilakasan nyo pa ang loob nyo.
Alam kong mahirap at nasasaktan na kayo minsan kasi bilang taga hanga ay doble din ang sakit tuwing makikita ko kayo sa ganong sitwasyon.
Gusto ko kayong yakapin o harangin mula sa mga taong walang ibang ginawa kung di manakit at hatakin kayo pababa.
Dahil sa tatag ninyo at tibay ay naging matapang din ako.
Naniwala ako sa mga pangarap ko. Tumibay ako at nagkaroon ng lakas ng loob. Dahil ang tanging nasa isip ko lang non, kung kaya nyo naniniwala akong kaya ko din.
Alam kong magkaiba tayo ng takbo ng buhay pero naniniwala akong pareho tayong gustong mag tagumpay.
May myembro kayo na may sariling mundo pero hindi ko makakalimutan ang pagiging inosente at totoong tao nya na nagpa hatak talaga ng atensyon ko.
May myembro din kayong corny, yung mga jokes nyang sya lang ang makaka gets pero matatawa ka na lang dahil mahahawa ka sa kanya.
The way na ngumiti sya ay matutunaw talaga yung puso ko.
May myembro naman kayo na hindi masyadong bilib sa sarili lalo na sa pagkanta nya, lagi syang minamaliit lalo na sa height nya pero hindi nya alam na nandito lang ako at tinitingala sya.
Sa lakas ng loob at tapang nya.
May leader kayo na nag nagbigay talaga sakin ng inspirasyon gamit ang mga katha nyang kanta.
Hindi ko masasabing sya ang best leader ever pero alam ko at nakita kong nagampanan nya ang pagiging pinuno ng grupo.
Walang mas sasakto sa pwesto ng leader ng grupo nyo kundi sya lang.
At ang huli ay ang taong palihim kong minahal.
Sa una idolo lang ang nais ko pero hindi ko naman alam na dadating sa punto na lalagpas tong nararamdaman ko.
Sa bawat salita, galaw, ngiti, biro at tawa nya. Sa bawat pag galaw ng katawan nya sa entablado. Sa bawat buka ng bibig nya sa pagkanta.
Dahil sa kanya, kahit mag-isa ako, piling ko nakakasama ko pa rin ang buong mundo.
Piling ko may dahilan ako para gumising sa umaga.
Hindi ko na alam kung tama pa ba pero inaamin kong naka rely na pati ang emosyon at desisyon ko sa buhay sa inyo. Sa grupo nyo.
Sa ngayon ay masyado na kayong malayo.
Masaya ako sa mga narating nyo, pero nandito pa rin sakin ang panghihinayang.
Dumami ang mga tagahanga nyo. Dumami kami na nakatingin at naka abang sa inyo, to the point na naging imposible ng mapansin nyo ko.
Nakilala na kayo sa ibat ibang bansa, sunod-sunod ang naging awards nyo.
Nagkaroon na ng mga bayad ang panonood sa inyo.
Nanghihinayang ako na hindi ko ginawa yung mga pwede kong magawa non para mapansin nyo.
Ang dami kong hindi nagawa nung mga panahon na abot ko pa kayo.
Pero ayos lang, dahil kung ikukumpara. Iba ang ngiti nyo ngayon sa ngiti nyo noon.
Deserve nyo ang pang angat nyo at ang bawat nararating nyo.
Nagsisimula pa lang ang lahat.
Malaki ang pasasalamat ko sa inyo.
Sa aking idol. Sa aking inspirasyon.
Sa limang taong nakakuha ng atensyon ko sa matagal na panahon.
Sa grupong minahal ko.
At patuloy kong mamahalin.
Kahit anong mangyare ay sasabayan ko pa rin kayo sa bawat pag iyak nyo. Makikisaya ako sa bawat achievements nyo.
Makikitili ako sa bawat performances nyo.
Hindi ko kayo makakalimutan, dahil minsan na kayong naging harang mula sa madilim na parte ng buhay ko.
Kayo ang isa sa naging liwanag ko.
I love you.
- trimmajin