Paglalahad ng Manunulat Marami ang nasira sa buong paligid gawa ng paguhumo nang isang matayog na gusali sa lugar sa isang bansa na matatagpuan sa kontinente ng Asya. Kasabay nito ang malakas na liwanag na siyang mabilis na umangat sa himpapawid. Nang matapos ang matinding liwanag ay niluwa ang isang babaeng may koronang nakaputong sa kaniyang uluhan. Mukha itong sinaunang reyna dahil makikita sa kaniyang kasuotan ang mga disenyo at detalye na kilala at tanyag noong sinaunang panahon. Nakatatakot ang kaniyang itsura kung iyong pagmamasdan ng masinsinan. Gulat na gulat ang mga tao na nakakasaksi sa kan’yang muling pagkabuhay. Wala silang kahit katiting na ideya kung ano ang nangyayari sa paligid at kung anong klase nilalang ang babaeng bigla na lamang niluwa ng liwanag. Mul

