Paglalahad ng Manunulat “MAGALING ang ginawa niyo! Batid ko na sobrang napuruhan ang tagapagbantay ng pamaypay. Alam kong nalalapit na ang sandali na isusuko na nito ang pamapay sa atin! WAHAHA!” wika ni Nezarini sa kanyang mga alagad na sina, Illuka at Rheda. Ang paligid ay madilim, tahimik ngunit hindi sobrang mabaho ang amoy. Masayang-masaya ang dalawang kawal sapagkat sa unang pagkakataon ay napuruhan nila si Liwayway nang sobra-sobra, ngunit muli ay nabigo sila na kuhain ang pamaypay sa pangangalaga nito. Biglang naisip ni Illuka ang makapangyarihang babaylan na nagtanggol kay Liwayway noong una nilang paglalaban. Nakatitiyak siya na tutulong ito upang mapagaling agad si Liwayway. “Mahal na dakilang reyna,” pagkuha nito ng atensyon kay Nezarini

