Liwayway “KAILANGAN ba tinatanggal muna lahat ng lupa bago ilipat sa ibang paso? May scientific process ba ang pagtatanim?” tanong ko kay Pitu. Nakatayo kami sa harap ng lamesa nilang puti, ang kasalukuyang aksyon ay para kaming nagco-conduct ng Vlog. Ang theme, plant planting and proper ways to take care of your garden kineme at the comfort of your backyard. Ganern! Pinapanuod namin siya sa ginagawa niya. Medyo na iimpluwensiyahan na rin ako ni Pitu na mahilig sa halaman. Soon, baka magtayo na rin kami ng plant business namin since business naman ang major namin. “Abe, oo naman, sister. Not so based on the botanical thing, but it’s the normal way. Alam mo namang putulan ko ito ang ugat, adi namatay naman ang plants! Lagyan na natin ng ugat para sure ang pagkabu

