Liwayway Humarap ako sa isang pader kung saan walang kahit anong bagay ang naroroon, ayoko na kasing masira pa ng todo ang mga halaman ni ma’am. Nang makakita ako ng libreng espasyo ay tumayo ako ng tuwid, at hinanda ang sarili upang gawin ang nararapat na aksyon. Binigkas ko sa isip ko ang linyang, “Erbhag, erbhag, erbhagin ingikeng bharagrah. Erbhag, erbhag, erbhagin ingikeng bharagrah.” Winagayway ko ang paypamay na pa-straight na pa-landscape ganern katulad ng sa kanina, sa pagkakataong ito ay mabilis na lumabas ang mga matutulis at matatalim na papel na kulay silver. Aakalain mo na para itong maliliit na kutsilyo. Napag-alaman ko na depende sa bilis ng pagkaway dito ay gano’n din ang dami ng papel na nilalabas nito. Agad ko ring itong itinigil gamit ang salitang, Estapesakulasas. L

