Liwayway “Ang ganda ng kulay pula. Akmang-akma sa kulay ng balat mo Witwit!” puri ko sa kaniya nang lumabas siya sa fitting room at nang maisuot ang t-shirt na pinili niya. Isa lamang itong ordinaryong t-shirt na may print na isang marvel super hero. Hmmm… Hot ito and masherep. Hulaan niyo nalang kung sino hanes. Dahil madaldal ako ay sasabihin ko na kung sino. Si Captain America mga bebe. “Naks, ang guwapo oh,” dagdag ko pa nang ngumiti siya. “We? Baka nijojoke mo ulit ako ate ha!?” paninigurado nito. Siguro dahil sa pambibiro, ko sa kaniya, akala niya hindi na ako nagsasabi ng totoo. “Bakit naman kita lolokohin?” nakangisi kong tanong. “Magugustuhan na po ni crush?” “Oo naman! Ma-porma ka na ngayon kaya alam ko na kapag nakita ka niya. Mapapatulala siya sa iyo,” pagpapalakas ko

