CHAPTER 10

1190 Words
"Sige, Freja. Babalikan kita, ha! Wait lang," nakangiti kong sabi. Bigla na lang kasi akong tinawag ni Kkorna. Iniwan ko na ito at naglakad na papalit sa babaing 'to. Im sure may problema na naman. "Ano 'yon?" tanong ko rito nang makalapit ako. Tumayo ito sa kinauupuan niya at naglakad siya papalapit sa akin bago tumingin kay Khalil at bumulong sa akin. "Lin..." bulong nito. "Favor naman, oh!" Seryoso ko siya na tinignan. Akala ko naman may problema wala naman pala. Kung makasigaw kasi akala ko naman may nangyari. "Ano ba 'yon?" taka kong tanong. Ngayon pa kasi siya hihingi ng favor sa akin. Eh, alam niya naman na sana party kami. Muli ay bumulong ito. Ayaw niya talagang iparinig sa mga taong malalapit sa akin dito sa party ang sasabihin niya. "Pwede mo bang isayaw si Kuya Khalil? Gusto ka niya kasing isayaw ngayon," sagot nito. Seryoso ko itong tinignan at sandaling lumingon kay Khalil na ngayon ay nakatingin sa akin, mabilis naman itong umiwas nang tingin na parang nahihiya pa dahil sa sinabi ng kapatid niya. Since noon pa ako inirereto ng babaing to sa Kuya niya, kaya lang binasted ko talaga siya. Ayaw ko naman masaktan si Khalil at ayaw ko rin siyang paasahin na baka kapag nagtagal magugustuhan ko siya kahit hindi naman. Kahit na alam na ni Kkorna na iba talaga ang gusto ko, hindi pa rin nito mapigilan na ipilit sa akin ang Kuya niya. Binalik ko ang tingin ko kay Kkorna at umiling. "Pasensya na Kkorna si Hiro kasi ang gusto kong maging first dance." Ngumuso ito na para bang nalungkot dahil sa sinabi ko. "Sandali mo lang naman isasayaw si Kuya, eh. Saka pagkatapos no'n pwede mo ng isayaw si Hiro. Please gusto ka lang talagang isayaw ng kuya ko." "Per-." "Please, Lin, as a Friend pumayag ka na." Hinawakan pa nito ang kamay ko para pilitin akong pumayag. "Sandali lang 'yon, hindi naman kayo aabutin ng isang oras ni Kuya neh. Kahit 5 minutes mo lang siyang isayaw okay na sa kanya 'yon." Bumuntong-hininga ako at lumingon kay Hiro. Hindi ko alam na nakatingin lang din pala ito sa akin at nakakunot pa ang noo niya habang pinagmamasdan ako. Feeling ko sa itsura niyang 'yan gusto niyang marinig ang mga pinag-uusapan namin ni Kkorna. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa akin nang mapansin niyang nakatingin pala ako sa kanya. TSK! Sungit talaga. Muli ay lumingon na ako kay Kkorna at ngumiti ng pilit. Gusto ko talagang si Hiro ang magiging first dance ko kaya lang, ayaw ko naman na hindiin si Kkorna. "Sige, sandali lang, ha!" pilit na ngiti kong sabi. Tumango-tango naman ito at nakangiting lumingon kay Khalil bago na thumbs up pa. Mabilis naman din, tumayo na si Khalil para lapitan ako, naiilang pa nga ako nitong tinignan eh. Hay! Sana naman last na 'to. Kakausapin ko na rin ang lalaking 'to na kung pwede ay ibaling na lang niya sa iba ang nararamdaman niya sa akin. Wala kasi 'yon patutunguhan, umaasa pa rin kasi siya na baka dumating ang panahon na mawala na ang pagkahumali na nararamdaman ko kay Hiro. Inilahad nito ang kamay niya sa harapan ko akamang hahawakan ko na ang kamay nito nang igla na lang kaming may narinig na sigaw at nanggaling iyon sa likod namin. At hindi rin ako nagkakamali, boses 'yon ni Freja. "Ariel!" Mabilis akong nagtatakbo papalapit sa kanila at gulat ang mukha ko ang makita ko ang nakahandusay na Ariel. "Whats happened here?" tanong ko sa kanila. Wala ni isang sumagot kahit nga si Freja na nasa gilid ko ay hindi sumagot. Nagulat ako ng makita ko ang paghablot ni Zero sa braso nito at walang alinlangan siyang hinila patungo sa gitna ng dance floor para sumayaw. Lumingon ako kay Khalil para senyasan ito na tulungan ako sa pagtayo at pag-alalay kay Ariel na walang malay sa mga oras na 'to. Ano ba kasi ang nangyari at tulog na tulog ang taong 'to. Hindi man lang magising kahit anong tapik ko sa mukha niya. Nakita ko rin ang sugat at pasa nito sa mukha. Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang may gawa nito at dinagdagan niya pa ng ikakapangit ang mukha ng lalaking 'to. Pangit na nga mas papangit pa. Napalingon ako sa lalaking nasa likod ko nang bigla na lang nitong hablutin ang braso ko. "H-hiro?!" gulat kong sabi. Hindi ito nagsalita ni umiling or what ay hindi niya ginawa. Basta seryoso niya lang akong tinignan sa mga oras na ito. May nagawa na naman ba ako at kung makatingin sa nang ganyan sa akin. Mas lalo akong nagulat nang bigla na lang ako nitong hinila papalayo sa walang malay na Ariel at papalayo sa gulat na mukha nila Kkorna. Akamang magsasalita na ako nang unahan niya ako. "Shut your mouth, can you?" seryosong utos niya habang patuloy akong hinihila rito sa isang lugar kung saan walang tao at walang halos makakapansin sa amin dahil sa madilim sa paligid na ito. Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa ikinikilos ng lalaking to, wala naman akong ginagawang masama pero galit siya sa akin. Mahina akong mapadaing nang biglaan na lang ako nitong isinandal sa pader nang walang pasabi. Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito at mas lalo pa ngang naging seryoso, eh. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang gulo gulo niya, sana man lang sabihin niya ng hindi ako nag-iisip ng kung anu-anong mga bagay. Hindi ko mapigilan itong nararamdaman ko para na akong sasabog sa sobrang kaba dahil sa ginawa niya. Isinandal ba naman niya ang isa niyang siko sa pader dahilan para lumapit ang mukha nito sa akin. Napakagat na lang ako ng aking labi para pigilan ang nararamdaman kong ito. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba at dahil doon baka matae ako ano man oras. Taena! Ano ba ang pwede kong gawin?! "I told you last time stop biting your lips!" mahina nitong sabi at may pagpipigil pa sa boses nito. Mas lalo ko lang kinagat ang labi ko nang maamoy ko ang mabangong hininga nito sa tumatama sa mukha ko. Kung hahalikan niya ako sa mga oras na 'to. Sure pwedeng pwede kaya lang. Ngumuso ako. "Can you please stop pouting?!" naiirita parin nitong sabi at may pagbabanta akong tinignan. "Pero anong gagawin ko kung hindi ko mapigilan kiligin sa 'yo?" Nahihiya kong tanong umiwas ako ng tingin dito. Gusto ko nang iwan siya at magtatakbo papalayo sa kanya bago pumunta sa lugar na walang katao tao at sumigaw roon ng "Taena! May lababo ba kayo dyan!" "Kasalanan mo naman kasi kung kinikilig ako ngayon," dagdag ko pa rito. Mas kinagat ko pa ang ibabang parte ng labi ko nang maramdaman ko na mas lumapit pa siya sa akin. "TSK. Sinabi ko ba kasing kiligin ka dyan?" masungit pa rin na boses nito. Huli na nang napansin ko na nasa gilid pala namin ang main switch ng kuryente at bigla na lang itong binuksan ni Hiro at pinatay. Kasabay noon ang paglaki ng aking mga mata dahil sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD