Kumunot ang noo ko bago sinalubong ang mata niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Rule number one, huwag aaminin. Magmamaang maangan na lang muna ako baka makalusot. Ganoon ang laging ginagawa ko kapag may kasalanan ako at nahuhuli ni mama, sana nga lang effective sa kaniya. Gumalaw ang gilid ng labi nito. Kulang na lang maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Malapit na ngang magtama ang mga ilong namin. Naamoy ko na rin ang hininga niya, in fairness ang bango, amoy mint ito. Hindi ba uso sa kanya ang salitang space? Bakit kailangan pa niyang lumapit sa akin ng husto? Hindi naman ako bingi maririnig ko naman ang sasabihin niya kahit hindi siya dumikit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha. Humugot ako ng malalim na hininga bago

