Malagim na Trahedya!

1529 Words
Ipinagpatuloy nila ang isang linggo nilang bakasyon sa beach na iyon.. Nagkakwentuhan sila ng mabuti doon.. Nalaman niyang si Prinsipe Derek pala yung batang pinaalis niya noon sa hardin at sinabihang pangit at payat.. Dahil tiwala siya sa kanyang ama na si Derek ay mapagkakatiwalaan katulad ng ama nito ay sinabi niya rito ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon.. Ipinakita niya rito ang kanyang kapangyarihan.. Nagulat ito nung una subalit sa mga ginawa nitong pagsubok sa kanya ay napagtanto nitong kayang kaya niyang kontrolin ang kapangyarihan niya.. “Hayaan mo mahal na Prinsesa paguwi natin sa palasyo ay pagagawan kita ng malawak na hardin katulad ng pinagawa ng iyong ama.. ”, wika nito sabay halik sa noo niya.. Tinanggap siya nito kung kaya't mas lalong lumalim pa ang nararamdaman niya para rito.. Hindi nga nagkamali ang kanyang ama.. Paguwi nila galing sa honeymoon ay agad na pinasimulan ng prinsipe ang hardin.. Pinahintulutan din naman ito ng ama nitong hari kahit di pa nila sinasabi ang dahilan. Hinayaan ng prinsipe na siya ang magdisenyo ng hardin na iyon.. Sa ilalalim ng pinakamalaking puno ay nagpagawa siya ng pwedeng pahingahan.. Doon sila madalas namamalagi habang pinapaayos ang hardin.. dahil sa madalas silang magkasama ay mas lalo silang nagkalapit.. Dahil sa kaligayahang nadarama ay nakalimutan ng prinsesa na may usapan sila ng ama na kailangan niya bumisita sa kanilang kaharian makalipas ang isang linggo ng kanyang kasal.. “Mahal na prinsipe, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking ama.. Magdadalawang linggo na ang nakakalipas kailangan na nating bumisita sa kanya bukas..”, pagaalalang wika niya habang nakayakap dito. Nasa loob sila ng pahingahang pinagawa niya sa may hardin. Nakahiga sila parehas dahil napagod sila sa ginawa nilang pagniniig.. “Huwag kang magalala mahal na prinsesa pihadong maiintindihan iyon ng iyong ama.. mamaya ay magpapadala ako ng sulat sa iyong ama na bukas ay dadalaw tayo sa kanya.. ”, wika nito sa kanya sabay halik sa kanya ng mariin. “Maraming salamat mahal na prinsipe..”, wika niya rito habang gumaganti sa mga halik nito. Dahan-dahan siyang inibabawan muli ng prinsipe at muli ay nagniig sila sa ikalawang pagkakataon.. *** Kinaumagahan ay maaga silang lumisan paalis ng Kaharian papuntang Irania.. Sakay ng kanilang mga paboritong kabayo ay mabilis nilang narating ang tarangkahan ng Kaharian.. Napansin ni Prinsipe Derek na walang bantay sa labas ng tarangkahan.. Wala rin siyang naririnig na anumang ingay sa loob na dating napakaingay sapagkat ito ang sentro ng kalakalan.. Nagkatinginan sila ng Prinsesa.. Nakita niya sa mukha nito ang labis na pagaalala.. Papasok na sana ang prinsesa ay pinigilan niya ito.. Pinauna niya ang mga kasama nilang sundalo sa loob.. habang sila ay naiwan sa labas.. Ang tatlong magkakapatid na calderon, si Matilda at ang ilang mga guards ng prinsipe ay agad na nagsipaghanda sa anumang pwedeng mangyaring labanan.. Ngunit ang prinsesa ay hindi nakapaghintay ng signal galing sa loob na dapat ay gagawin ng mga guards ng prinsipe na naunang pumasok.. Nagaalala na siya sa kanyang pamilya.. Mabilis niyang pinatakbo papasok ang kanyang kabayong si Draga.. “Mahal na prinsesa!”, sigaw ni Prinsipe Derek dala ng labis na pagaalala.. Kaagad siyang sinundan ng prinsipe kasama ang kani-kanilang tagapagbantay.. Dire-diretso niyang pinatakbo ang kabayo papuntang palasyo kung saan naroroon ang kanyang pamilya.. Habang dinadaaanan nila ang dating maingay na kalakalan ay nakasalubong nila ang mga pinapasok nilang naunang sundalo.. Yumuko ang mga ito habang dumaraan sila at sumunod na rin sa kanilang pagtakbo gamit ang kani-kanilang mga kabayo.. Napansin din nilang tahimik ang buong lugar.. maraming nagkalat na mga bangkay.. lahat ay sunog ang buong katawan.. Ang mga bahay ay nasunog rin.. Bago lang ito sapagkat umuusok pa ang mga katawan at bahay na nasunog.. Napaluha ang prinsesa habang mabilis na pinatatakbo ang kabayong si Draga.. Anong nangyari?.. Ama! Diyos ko! Ama ko! Ang pamilya ko! Narating nila ang palasyo.. gaya ng inaasahan ang mga guwardiya ay nagkalat ang katawan sa daan.. Ngunit hindi katulad ng nasa labas na buong katawan ang sunog ng mga ito.. sa bahaging may sugat lamang ang nasunog.. Halatang sumubok silang lumaban dahil nakasuot sila ng pandigma.. subalit parang hiniwa ito ng mainit na sandata na siyang ikinamatay ng mga ito.. Napatingin siya sa Prinsipe.. “Mahal na prinsipe.. Wala ba kayong natanggap man lang na humihingi sila ng tulong? ”, naiiyak na wika niya dito. Umiling lamang ito sa kanya.. Tiim ang mga bagang nito.. Nalulungkot din sa mga pangyayari.. Bumaba si Prinsesa Kiana sa kabayo niya upang makapasok sa loob ng kwarto ng ama.. Wala ito sa kwarto nito.. Maging ang mga tagapaglingkod nito ay wala.. “Matilda puntahan mo ang palasyo ng reyna..”, wika niya kay matilda. “Kayong tatlo maghiwahiwalay at puntahan ang palasyo ng aking kapatid at ina..”, utos niya sa tatlong magkakapatid na Calderon.. “Kung mahanap niyo sila ay dalahin rito.. At bisitahin niyo na rin ang.. ang inyong mga pamilya..”, turan niya sa mga ito na pinipilit na maging kalmado. “opo, kamahalan,”, wika ng mga ito at sabay-sabay ng lumisan. “Mahal na prinsipe tingnan natin sa kanyang trono ang aking ama baka naroon siya..”, wika niya sa Prinsipe. “Sige mahal na prinsesa..”, tugon nito sa kanya.. “kayo ay ikutin ang buong palasyo baka mayroon pang nakaligtas..”, wika naman ng prinsipe sa kanyang tagapagbantay. “Kamahalan kailangang may maiwan sa inyo upang magbantay..”, nagaalinlangang wika ni aljon, tapat na tagapaglingkod ng prinsipe. “kaya namin ang aming sarili.. Maghanap kayo ng taong nakaligtas upang malaman natin ang nangyari rito.. magmadali!”, wika niya rito. “Masusunod po kamahalan! ”, wika ng mga ito sa Prinsipe. Lakad at takbo ang ginawa nilang dalawa upang makarating sa bahay ng trono ng hari.. Nadaanan nila ang lugar na pinagdarausan ng mga okasyon sa palasyo.. Napahinto ang prinsesa sa lugar.. Nakita niya ang ilang bangkay ng mga tagapaglingkod na naghahanda.. Nakahandusay sa lamesa, at daan ang mga ito.. maging ang mga lamesa ay may ilan pang pagkaing nakahanda.. “Waring naghahanda sila sa ating pagbisita mahal na prinsesa..”, wika ng prinsipe. Napaluha siya.. napayakap siya sa Prinsipe.. “Wala man lang silang kalaban-laban, kamahalan.. kung mas napaaga lang ang ating pagdating.. ”, naiiyak niyang turan dito. Niyakap nalang siya ng prinsipe at hinagod ang kanyang likuran.. Napahinto siya.. Naalala niyang ang kanyang kapatid na si Prinsesa Aliyah ang madalas na nangangasiwa sa ganitong okasyon.. Mabilis niyang inikot ang buong lugar.. Pumunta siya sa likod kung saan madalas nilang pinagtataguan kapag ayaw nilang humarap sa mga bisita ng ama.. Sa daan ay nakita niya ang mga bangkay ng tagapaglingkod ng kanyang kapatid at ina nito.. Nagalala siya sa nakita.. Ang pinto ay may hiwa rin.. Mabilis niyang binuksan ang pinto.. Tumambad sa kaniya ang bangkay ni Consort Siara, ina ni Prinsesa Aliyah!.. Nakadapa ito.. May hiwa ito sa likuran.. Waring hinarangan nito ang pinto.. “Oh my god! Tita..”, naiiyak niyang wika.. Kaawa-awa ang sinapit nito.. Bubuhatin niya sana ito subalit pinigilan siya ni Prinsipe Derek.. “Pumasok ka na sa loob ako na ang bubuhat sa bangkay niya.. ”, wika nito sa kanya. Tumango lamang siya rito na may luha ang mga mata.. Hindi pa nalalayo sa bangkay ay nakita niya si Prinsesa Aliyah na nakasalampak sa sahig.. Luhaan ito at nakatulala.. Nakatitig sa bangkay ng kanyang ina.. Nasa harapan nito ang tulog na si Prinsipe Anton! Nakatakip ang bibig nito gamit ang kamay ni Prinsesa Aliyah.. Waring tinakpan ni Prinsesa Aliyah ang bibig nito upang hindi magingay.. Buhay ang mga ito! labis labis ang kanyang pasasalamat! “Prinsesa Aliyah! Prinsesa Aliyah!”, wika niya sabay alog sa balikat ng kapatid subalit wala itong reaksiyon.. Nakatulala lamang ito.. Ginising niya ang kapatid na Prinsipe.. “Prinsipe Anton.. Prinsipe Anton..”, mahinang paggising niya rito. Ngunit nagulat siya dahil nang nagising ito ay nagsusumigaw..! “Ina! Ina! Ina! ate Aliyah! tulungan mo ang ina! Iligtas natin siya!”, paulit-ulit na sigaw nito. Niyakap niya ito.. at napaluha siya.. naaawa siya rito.. napakabata pa nito upang masaksihan ang mga ganitong pangyayari.. Hinawakan niya ang mukha nito.. “Mahal na prinsipe.. si ate Kiana ito..”, wika niya rito sabay titig sa mga mata nito. Huminto ito sa pagsigaw.. Tinitigan siya nito.. Nang makita siya ay yumakap at umiyak.. “Ate kiana.. tulungan mo kami ate kiana.. si ina.. tulungan mo..”, bulong nito habang patuloy sa pagiyak.. Niyakap niya ito.. mahal na prinsipe.. napaiyak na lang din siya.. Tinulungan silang makalabas roon ni Prinsipe Derek.. Lumapit si Prinsipe Anton sa kanyang ina at panay ang iyak.. “Ina.. ina..”, tanging nasambit nito habang yakap-yakap ang ina.. Habang si Prinsesa Aliyah ay nakaupo lamang at lumuluha.. Awang-awa siya sa mga kapatid.. “Ako nalang ang tutuloy sa bahay ng trono ni ama.. Pakitingnan na lamang sila.. ”, wika niya sa Prinsipe. “Ngunit, mahal na prinsesa.. ”, pagaatubili nitong wika. Pinakita niya rito ang kanyang kapangyarihan.. “Kaya ko, kamahalan”, wika niya rito. Tumango na lamang ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD